SPECIAL CHAPTER

10.8K 169 25
                                        

ABI

"Bullet, where is our son?!" Sigaw mula dito sa second floor galing sa kwarto ng anak namin. "Our son is not here!" 

Tumakbo ako pababa. Naabutan ko si Bullet na naglalakad na galing sa kusina. He's only wearing an apron and shorts.

"He's with Gil, baby." 

Napabuntong hininga ako. 

"Kuya!" Malakas na sigaw ko na rinig sa buong bahay. "Kuya Gil!" 

But no one is answering. 

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya. Nilagay ko iyon sa loudspeaker para marinig din ni Bullet ang paliwanag niya kung saan niya dinala ang anak namin. 

["Bakit ba?"] 

Napakunot agad ako ng noo at napaawang ang bibig sa tono ng boses niya. Siya pa talaga ang galit ah?

"Nasaan ang anak ko?" 

["Pahiram lang."] 

Hindi ako makapaniwalang natawa. Pahiram? Is he serious?!

"Sandok ba anak ko? Magnanakaw ka talaga ng anak! Ibalik mo dito sa bahay ang anak ko, kuya!" 

["Nagpaalam ako sa asawa mo, ah? Tanungin mo si Khal…"] 

Agad akong nag-angat ng tingin kay Bullet. Napaatras siya at natatakot na ngumiti sa akin. 

"Sabi niya kasi ilalabas niya lang sa garden saglit. I didn't know he left with our son, baby." Paliwanag niya agad kahit di pa ako nagtatanong. 

["Anak ng— laglagan?!"] Umangal naman si kuya Gil sa kabilang linya. ["Sabi ko pahiram ako sa pamangkin ko pumayag ka—"]

"Two years old pa lang ang anak ko, kuya. Yung gatas at diapers niya nandito. Pag 'yan nagutuman lagot ka talaga—"

["Pinadalhan ako ng gatas at diapers ng asawa mo, Abigail."] Pagpuputol niya. 

Napabaling na naman ako kay Bullet. Sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras na naman siya.

"Baby, he asked me to get milk kasi nagugutom daw si baby. Kumuha ako tapos pinakuha niya rin ako ng diapers. Pinapasok niya rin ako sa loob kasi nagluluto daw ako." He explained again. 

["Ang damot niyo naman! Pahiram lang kay Khalil pinagdadamot niyo sa akin. Tito naman ako neto, ah?"] 

Napapikit ako. I tried to calm myself. I took a heavy breath before answering him. 

"Kuya, ilang beses mo na ba tinakas ang anak ko?" Malumanay pero may diin kong tanong. 

["Hinihiram ko hindi ko tinatakas, Abigail."] Pagtatama niya. 

"Naturingan ka pa namang pulis! That's abduction, kuya Gil!"

["Bunganga mo may makarinig sayo diyan! Isipin pa nila totoo yung sinasabi mo. Khalil, huwag kang magmamana sa nanay mo, ah? Sa akin ka lang magmana wala kang magiging problema…"] kausap niya na ngayon ang anak kong two years old. 

Narinig kong tumawa si Khalil. 

["Tingnan niyo nga, masaya si Khalil sa akin. Ibabalik ko 'tong batang 'to mamaya. Mag date kayo o kaya naman gumawa pa kayo ng isa pang bata para dalawa ang hihiramin ko—-"

"Bakit kaya hindi na lang ikaw ang mag-anak, ha?" I asked to cut him off. 

["Kwento mo."] He suddenly ended the call. Natawa na lang ako. 

Nang mapunta kay Bullet ang tingin ko binawi ko ang ngiti ko. 

"You always let him do this to us, Bullet. Nung nakaraan pumunta siya dito sabi niya iinom siya ng tubig, aba, paglabas dala-dala na si Khalil papunta sa kotse niya."

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon