ABI
"Dito ka na lang muna. Huwag ka na lang tumulong kila kuya Gil at tito." Aniko matapos tignan ang likod niya.
Namumula lang ang bandang nabagsakan pero wala naman itong sugat. Tumayo ako at huminto sa harap niya.
"Magpahinga ka na lang muna dito. Lalabas lang ako saglit para mag-asikaso saglit ng meryenda natin."
Imbes na sumagot sa akin, ngumuso ito at hindi ako tinignan.
"Saglit lang naman 'yon. Babalik naman ako agad." Sabi ko, pakiramdam ko kasi kailangan ko iyong sabihin sa kanya.
Tsaka lang siya lumingon sa akin at pilit na ngumiti.
"Hmm… magpapahinga lang ako dito."
"Sige diyan ka na muna…" nakangiti ko rin na sabi bago siya tinalikuran.
"Zane," biglang tawag niya kaya nilingon ko siya ulit. "Pag nandito na si Gil hindi na naman kita makakausap ng ganito." Dugtong niya, nalulungkot pa ang tono ng boses.
Kinuha ko ang monoblock chair at hinila iyon papunta sa harap niya. Pinanood niya akong gawin iyon hanggang sa umupo ako.
"Ano bang pag-uusapan natin?"
His eyes softened as he looked at me with a smile.
"Us?"
"Bawal pa."
"Hmm, I know." Para pa siyang nadismaya. "But it's fine. I can wait naman."
"May itatanong ako…"
"What is it?"
I swallowed hard. "Bakit ka tumigil m-manligaw kay ate Fia?"
Napatitig siya sa akin pero umiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako bigla ng hiya. Gusto ko lang naman 'yon malaman.
"Actually, we only went out for a date because our friends teased us."
"Pero ilang beses kayong nag date…"
"Binilang mo?"
Natameme ako. Oo binilang ko talaga. Ilang beses din silang lumabas ni ate Fia noon. Akala ko nga magkakatuluyan na talaga sila, eh.
"Hindi." I lied.
He gave me a small laugh. "Okay."
"Totoo! Hindi ko naman talaga binibilang kung ilang beses kayong nag date ni ate Fia." I explained dahil mukang ayaw niya akong paniwalaan.
"Tatlong beses lang 'yon, Zane."
"Apat." I corrected him.
Natawa siya. "Oh, I thought you didn't—"
"Hula ko lang 'yon, Bullet." Pinangunahan ko na siya. "Gusto mo ba kumain? Nagugutom ka ba? Kuhaan kita ng pagkain?"
Tumayo ako at tumalikod na para maiwasan ang pwede niya pang itanong tungkol doon.
"Zane…" bigla niya akong hinawakan sa kamay. "I'm not hungry. I don't wanna eat. Dito ka lang muna…"
"Tapos?"
"Usap lang tayo."
Umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina. Pakiramdam ko buong mukha ko na ang namumula. Nakakahiya pero gusto ko rin naman kung anong nangyayari sa amin ngayon.
Ang akala ko mag-uusap kami pero hindi naman siya nagsasalita. Tinititigan niya lang ang mukha ko na para bang kinakabisado ito ng mabuti. Hindi ko tuloy maiwasang mailang lalo na sa tuwing nagkakasalubong ang tingin naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
