ABI
"Bawiin mo yung sinabi mo, Bullet…"
Lumapit ako sa kanya. Inaabot ko siya para hawakan pero panay ang atras niya at iwas sa akin.
"Please, bawiin mo yung mga sinabi mo sa akin." Nagmamakaawang aniko.
Halos lumuhod na ako sa harap niya pero pinigilan niya ako.
"Please… don't… don't do this to me again, Bullet." My voice cracked as I met his hurtful eyes. "H-How can you hurt me again? B-Bakit…"
Hindi ko na alam paano ilalabas ang luha ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Bakit mas pinipili niyang saktan ako? Bakit sa lahat ng tao siya pa ang mananakit sa akin ng ganito? Bullet, bakit?
"Ang unfair mo…" napayuko ako. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko. Pinipigilan ko itong manginig.
"Umalis ka na, Sison." He coldly said.
Hindi ko man lang maramdaman ang kahit katiting na pakialam sa kanya.
Sinalubong ko ang tingin niya.
"Duwag ka. Hanggang ngayon duwag ka, Bullet."
"Umalis ka na."
"Fuck you!" I slapped his face. Gigil na gigil ko siyang tinignan. "Ang sakit-sakit na, Bullet!"
Ni hindi nagbago ang reaksyon niya. Nakatingin lang siya sa akin na para akong tanga sa harapan niya!
"Hanggang ngayon magulo ka pa rin. Hanggang ngayon hindi kita maintindihan, Bullet. Ano bang tingin mo sa akin tanga? Tingin mo ba sa akin hindi nasasaktan at nahihirapan sa ginagawa mo? Muka ba akong nag eenjoy sa mga pinapakita mo sa akin? Tang-ina! Ang labo-labo mo!" I burst into tears after saying those.
Wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Yung pagkalunod at pagkauntog ko kanina ay wala pa sa nararamdaman ko. Halos mahirapan na ako huminga. Hindi ko na siya makita ng maayos sa rami ng luhang lumalabas sa mga mata ko.
"H-Hindi kita niloko… H-Hindi ko 'yon kayang gawin sayo. Hindi…"
"Magpahinga ka na, Abigail." Tinalikuran niya na naman ako.
"Bullet, please…" I tried to hug him but he pushed me away. "Please…"
"Zane, please. Lumabas ka na." Kalmado niyang sabi pagkatapos niya akong itulak palayo.
"Bullet…"
Sinalubong niyang bigla ang tingin ko. Kumirot ng sobrang sakit ang puso ko dahil sa tingin na iyon.
"Please," malapit na siyang maubusan ng pasensya sa akin. "I'm commanding you to get out of here, Sison."
"Minahal mo ba talaga ako?"
"Uto-uto ka, Zane."
"A-Ano?"
"Bata ka pa kasi kaya ang bilis mong maniwala."
"H-Hindi ako naniniwala! B-Bawiin mo 'yan… bawiin— Bullet, please… tama na 'to. Masakit na masakit na…"
"Masakit na? Edi lumabas ka na at 'wag na magtanong, Zane."
"Sabihin mo kasi yung dahilan kung bakit ba galit na galit ka sa akin? Mag-usap tayo ng maayos, Bullet. Sabihin mo sa akin para mapaliwanag ko rin yung side ko." I desperately ask for an explanation that he doesn't want to give.
Huminga ako ng malalim. Kasabay nun ay ang paghawak ko sa ulo ko dahil sa biglang pagkirot niyon. Nakita kong napalitan ng pag-aalala ang reaksyon niya pero agad ding binawi.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
