Kabanata 26

8.5K 157 65
                                        

ABI

"Pasok sa loob!"

Pareho kami ni Bullet tinulak papasok sa isang abandonadong bodega. Agad akong hinila ni Bullet papunta sa likod niya nang sumunod sa amin ang isang lalaki. Tinago niya ako at siya ang humarap doon.

"Hangga't hindi nakikipag kooperasyon ang gobyerno sa amin mananatiling nakalibing sa lupa ang kalahati ng buhay niyo. Dito lang kayo dahil wala namanh magliligtas sa inyo."

Napakapit ako ng mahigpit kay Bullet. Nang sumilip sa akin yung lalaki humarang agad si Bullet para hindi ako makita.

"Leave her alone." Nagbabantang sabi niya sa lalaki.

Ngumisi ito. "Mamamatay na lang kayong dalawa matapang ka pa rin. Tingnan lang natin hanggang saan 'yang tapang mo pag nahawakan ko 'yang babae mo." Malokong aniya at bigla na lang akong inabot pero hindi natuloy dahil nahawakan ni Bullet ang kamay niya.

"Bullet…" kumapit ako ng mahigpit sa kanya.

"Sumuko na kami 'di ba? What else do you want from us?" Gigil na tanong sa kanya ni Bullet. 

"Kung hinayaan niyo na lang kasi kaming mamuhay ng payapa dito sana hindi nangyari 'to, Lieutenant. Masyado kasi kayong pakialamerong mga sundalo. Lahat na lang pinapakialaman niyo! Kayo lang din naman naglagay sa sitwasyon niyo dito. Kung nanahimik kayo sa kampo niyo edi sana…"

Tumigil siyang bigla para silipin ako.

"Edi sana masaya kayong nag ha-honeymoon dalawa." Dugtong niya.

Tumawa pa ito ng malakas. Tinapik niya sa dibdib si Bullet bago tumalikod at naglakad na palabas ng bodega.

Nilock nila iyon. May malaki at makapal na kadena. Sa labas iyon pinadlock kaya wala na talaga kaming takas.

Sa pinakaloob naman ng bodegang ito naroon ang iba naming kasamahan na nakaligtas sa laban kanina. May mga sugatan, walang malay, at pagod na pagod na mga sundalo. Kung bibilangin siguro hindi bababa sa 12 ang bilang naming mga sundalo.

Meron ding mga civilians. Gaya namin may mga sugat din sila at hinang-hina. May bata, matanda, babae at mga lalaki. Pare-pareho silang nag-iiyakan.

Napaupo ako sa sahig sa panghihina. Agad na lumingon sa akin si Bullet para maalalayan ako.

"Zane…" hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

Nanginginig pa rin ang mga tuhod at kamay ko sa sobrang takot. I'm very aware of this kind of situation when I entered the military but I didn't expect this to be like a literal hell. Muntik na ako kanina. Muntik na kaming dalawa…

Napayuko ako. "Ano na ang gagawin natin?" I whispered while crying. 

"Sinabihan na kasi kitang umalis ka na dito. Hindi ka dapat nandito, Zane. Hindi mo dapat pinasok 'to. This is dangerous for you pero hindi ka nakikinig. Umalis ka na dapat noong unang beses pa lang na sinabi ko na umalis ka."

Nanatili akong nakayuko kahit narinig ko na naman siyang sermunan ako. Galit siya pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya. Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya pero ano pa bang magagawa ko? Nandito na kaming pareho sa sitwasyon na 'to.

"Wala ka dapat dito…"

Napayuko na rin siya. Humigpit ang hawak niya sa akin. Tsaka lang ako nag-angat ng tingin nang marinig ko ang mahina niyang pag-iyak. Para namang sinaksak ang puso ko nang pasadahan ko siya ng tingin.

Ang dami niyang sugat. Nakatali pa rin ang buhok niya pero magulo na ito. May mga dugo ang mukha niya. Ganun din ang kamay niya. Wala siyang tama ng bala pero daig niya pa nabaril sa itsura niya.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon