ABI
"Abi, sigurado ka na ba talaga kay Khal?"
Natigilan ako sa pagsusuklay dahil sa tanong ni mama. Mula sa repleksyon sa salamin, nakita ko siyang umupo sa kama.
"Opo, ma." Desididong sagot ko.
"Paano naman si Dwight, anak?"
Hala oo nga… nakalimutan ko ang tungkol kay Dwight. Sa sobrang saya ko sa mga nangyayari nakalimutan kong may mas nauna pa palang manligaw sa akin.
"Kakausapin ko po si Dwight pag-uwi natin, ma."
"Maganda nga kung ganun, Abigail. Ngayong pinayagan ko si Khal na manligaw sa'yo dapat sigurado ka sa magiging desisyon mo."
"Opo, ma."
"Anak, malaki ang tiwala ko sayo at kay Khal pero sasabihin ko pa rin ito… magtapos muna kayo ng pag-aaral. Huwag sana kayong maging mapusok at gumawa ng isang desisyon na pagsisisihan niyong dalawa."
"M-Ma…" nahiya ako bigla. Alam ko ang gusto niyang iparating. Kanina niya pa kasi iyon binabanggit. "Huwag ka pong mag-alala, ma. Susunod po kami sa mga paalala mo sa amin. Gentleman po si Bullet, Mama. Hindi niya po kayo bibiguin."
"Alam ko naman, anak. Syempre iniisip ko lang kasi pag naging ganap mo na siyang boyfriend… ay basta, Abigail! Huwag muna kayo mag tatabi sa kama. Iyon ang gusto kong sabihin."
"O-Oo naman po, Ma!" Nahihiya at nagugulat akong humarap sa kanya. "Hindi naman po ako pumapasok sa kwarto niya kahit dalawa lang po kami sa bahay. Isang beses lang po, iyon yung may sakit siya."
"At hindi mo rin siya papapasukin sa kwarto mo, Abigail."
"Opo…"
Marami pa siyang sinabi tungkol sa mga posibilidad daw na gawin namin ni Bullet kapag kami lang. Naiintindihan ko naman ang side ni mama kaya ayos lang sa akin lahat ng mga sinasabi niya.
"Sabi ni Khal kakausapin niya daw ngayon ang kuya mo. Kung ano man ang maging reaksyon ni Gil, kailangan mong tanggapin. Ikaw ang magpapakumbaba. Alam mo naman na sobra kang pinoprotektahan ng kuya mo kaya kung magalitan siya sa inyo ni Khal, tanggapin mo. Hindi ka naman matitiis ng kuya mo." Ani mama na nagpakaba tuloy sa akin.
"Natatakot po ako sa magiging reaksyon ni kuya, ma." Pag-amin ko. "Baka po magkagalit sila ni Bullet dahil sa akin."
"Kaya na nilang dalawa 'yan, anak. Magkakabati naman 'yan sila agad kung hindi man maging maayos ang usapan nila ngayon."
Hindi agad ako nakatulog kakaisip sa kanilang dalawa. Ang ending tuloy kinabukasan late na ako nagising dahil sa puyat. Sinabihan pa naman ako ni kuya tumulong kila mama sa pagluluto.
Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Pagbaba ko lahat sila mga abala na sa kanya-kanya nilang ginagawa. Yung iba nag dedecorate para sa noche buena mamaya, yung iba naman nagluluto. May mga nag-aayos din sa labas, at doon ko nakita si Bullet at kuya Gil.
Kasama sila nila tito at iba pang mga lalaki na nagtatayo ng mga kawayan at mga trapal para sa pagsalubong ng pasko mamayang gabi.
Awtomatikong umukit ang ngiti sa labi ko nang biglang napunta sa akin ang tingin ni Bullet. Pinagpapawisan na ito ngayon. Muka naman siyang maayos. Wala naman siyang galos sa mukha galing sa sapak. Muka din naman siyang walang lagnat dahil sa nangyari kahapon. Muka naman siyang okay.
"Hi…" I mouthed. Kumaway rin ako.
Agad din siyang napangiti sa akin. Kumaway din ito at may sasabihin sana sa akin nang biglang humarang si kuya Gil sa harap niya, may masamang tingin na sinalubong ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
AçãoYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
