Kabanata 23

8.3K 151 60
                                        

ABI

"Kung ayaw niya… edi wag."

Nagpipigil sa luha akong naglakad pabalik sa barracks namin. Nagtataka pang tumingin sa akin ang mga kasamahan ko dito sa loob nang makita nilang namumula ang mga mata ko. Lumapit sa akin Rita. Humiga ako sa folding bed tsaka tumalikod.

"Anong nangyari?" Tanong niya. Umupo siya sa gilid ko.

Umiling ako. "Wala, Rita. Homesick lang." Humina ang boses ko.

"Hayaan mo makakauwi din tayo pag natapos tayo dito. Halika nga…" niyakap niya ako bigla. Hiniga niya ang ulo niya sa braso ko habang marahan na tinatapik.

"Thank you, Rita." I hugged her back.

Nakatulog ako sa kakaiyak. Hindi umalis sa tabi ko Rita, and I'm thankful for that. Hindi man siya nagsasalita at least she stays with me. Pag nakauwi na kami ipapakilala ko talaga siya kay Kate.

Kinaumagahan maaga kaming umalis para puntahan ang bagong hide-out daw ng kalaban. May nagbigay ng impormasyon sa amin na may kahina-hinalang abandonadong bodega sa gubat. Baka naroon nga ang bagong pinagtataguan ng mga kalaban.

"Ay shet!" Napasigaw ako nang bigla akong nadapa habang naglalakad kami paakyat sa gubat.

May lumapit agad sa akin para tulungan ako makatayo, si Sir Tristan.

"Are you okay?" Tanong niyang habang tinatayo ako.

"I apologize, Sir. Natisod lang po ako dito sa kahoy." Napapahiyang sabi ko dahil nakatingin silang lahat sa amin.

"Sison! Ayos ka lang?" Si Sir Abarcar naman ang nag tanong. Katabi niya ngayon si Bullet na walang reaksyon na nakatingin sa amin.

"Yes, Sir! Natisod lang po!" Aniko at umayos ng tayo.

Nilipat ko ang tingin kay Bullet. Ngingitian ko sana siya pero tinalikuran niya na ako. Nanahimik na lang ako.

"Let's go, Abi. Tignan mo yung dinadaanan mo." Ani Sir Tristan. Pinauna niya ako maglakad.

Tumabi sa akin si Rita. "Ano 'yon? Galit pa rin ba si Sir Ferrer sayo?" Tanong niya. Tumango ako.

Nang marating namin ang bukana ng sinasabing bagong hide-out ng kalaban, kanya-kanya kaming tago. Sila Sir Abarcar at Bullet ang nasa Frontline. Grupo naman nila Sir Tristan ang nasa likod. Kami namang ibang sundalo nasa gitna. Lahat kami naka posisyon. Naghihintay lang kami sa signal kung papasok na kami sa loob.

Nang sumilip ako sa gawi nila Bullet naglalakad na ang grupo nila papasok. Mukang walang tao sa loob ng malaking abandonadong bodegang iyon. Nang mag bigay naman si Bullet ng signal sa amin, tsaka lang kami kumilos papasok sa loob.

"Move move move!" Pinangunahan kami ni Sir Abarcar.

Lahat ay alerto sa ano mang pwedeng mangyari. Bawat sulok ng lugar na 'to tinitignan namin ng maayos. Masyado kasing tahimik. Iyong tahimik na nakakakaba.

"Hold!" Sumenyas si Bullet sa amin. Nagtago kaming lahat sa pwede naming mataguan. Yung iba nakadapa. Yung iba nakatago sa mga puno, at iyong iba naman sa mga malalaking biyak na pader.

Nakarinig na lang kami ng mga malalakas na iyak galing sa mga bata at babae. Lahat sila sumisigaw ng tulong. Iyong iba naman panay lang ang pag-iyak.

"Ano 'to?" Tanong ni Rita.

"I guess this is not the hideout we were looking for. Pero hideout pa rin ito ng ibang masasamang damo." I answered. Inayos ko ang pagkakahawak ko sa rifle gun.

"This is abduction." Ani Sir Abarcar matapos tignan ang loob gamit ang military telescope. "May nakatutok na baril sa tatlong bata at dalawang dalaga. May camera sa harap nila. Konti lang naman sila pero kailangan mag-ingat dahil may bomba sa katawan nung dalawang dalaga."

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon