ABI
"Anong plano mo sa darating na pasko, Khal?" Tanong sa kanya ni mama tsaka nilapag ang naluto niyang samgyupsal beef sa plato ni kuya Bullet at kuya Gil.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Katabi niya si kuya Gil habang katabi ko naman si mama.
"I actually don't have any plans po, tita." He answered.
"Hindi ka ba pupunta sa iba mong kamag-anak to celebrate the Christmas?"
Umiling siya. "Hindi po, tita."
"Kung ganun sumama ka na lang sa amin sa bahay ng lola nila Gil. Doon kami mag papasko."
"Oo, pre. Wala ka namang gagawin dito kaya sumama ka na lang." Sabi naman ni kuya Gil habang may laman pa ang bibig.
"But it's a family celebration, tita. Okay lang naman po akong mag-isa dito-"
"Ano ka ba naman family ka rin naman namin. Sumama ka na lang para hindi rin ako mag-iisip sa'yo. Hindi naman pwedeng nagsasaya kami tapos ikaw mag-isa lang sa bahay. Sumama ka na. Mag eenjoy ka doon."
Bumaling siya bigla ng tingin sa akin nang sabihin iyon ni mama. Ngumiti ako sa kanya para iparating na ayos lang sa kung sasama siya. Mas gusto ko nga iyon.
"Maraming bebe do'n, Khal. Talagang mag-eenjoy ang mga mata mo." Biglang singit ni kiya Gil dahilan para mawala ang ngiti ko.
"Huwag mo na ngang turuan ng kung ano-ano itong si Khal, Gil." Saway sa kanya ni mama.
"Para nga sumama, ma, eh." Napakamot siya sa ulo niya. "Masaya na naman yung isa diyan dahil makikita niya yung crush niya dati na uhugin pa rin hanggang-"
"Kuya!" Padabog kong binitawan ang hawak kong chopsticks dahil sa sinabi niya. "Wala akong gusto do'n kaya tumigil ka diyan."
"Sus, iniyakan mo nga kay mama 'yon dahil di ka niya pinapansin. Langya magkakacrush ka na nga lang sa tumutulo pa sipon."
"Yuck ano ba!" Sa inis ko binato ko siya ng lettuce.
"Hoy masama 'yan!" Binato niya rin iyon sa akin pabalik.
"Abi, Gil, manahimik nga kayo. Wala tayo sa bahay." Kinuha ni mama ang lettuce na hawak ko at nilapag iyon.
"Si kuya kasi mama..."
"Totoo naman yung sinabi ko 'di ba, ma?" Talagang nagpapakampi pa siya.
"Huwag mo na asarin ang kapatid mo. Araw-araw na lang talaga kayong nagbabangayan."
"Pre, alam mo ba grabe yung iyak niya sa amin ni mama kasi dinaan-daanan lang siya nung crush niyang maraming kulango- Aray, Abigail!" Aniya dahil binato ko sa kanya ang ramen noodles na hindi pa namin nabubuksan.
"Hindi naman kasi 'yan totoo, kuya!"
"Totoo 'yon! Mga type mo talaga 'no? Mga uhugin na ewan. Dinagdag mo pa talaga si Dwight."
"Excuse me, gwapo si Dwight, 'no!" Nagmamaldita kong sabi sa kanya.
"Excuse me, gwapo si Dwight 'no..." he mocked me.
"Mama, oh!"
Napabuntong hininga si mama na nilapag ang hawak niyang chopsticks.
"Khal, magpalit nga muna tayo ng upuan. Dito ka sa tabi ni Abi ako diyan sa tabi ni Gil para makurot ko ang singit niyan pag di pa nanahimik." Ani mama na nagpatigil sa akin.
Napasulyap siya sakin saglit bago sumagot kay mama. "Okay po." Tumayo silang pareho ni mama at nagpalit ng pwesto.
"Ikaw ang tanda mo na pumapatol ka pa rin sa kapatid mo." Narinig kong sabi ni mama pero hindi ko na sila binigyan ng atensyon.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
