Kabanata 40

8.2K 153 22
                                        

ABI

"Okay." Tinanggap niya na lang ang sinabi ko.

Nagbaba siya ng tingin sa kamay ko. Dahan-dahan niyang pinatong ang kamay niya doon at maingat iyong hinawakan. Ako na ang nagsaklob ng mga daliri namin bago ako muling nag-angat ng tingin.

"Kain na tayo," aniko. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango.

Nauna siyang maglakad. Naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa kamay ko kaya nagbaba ako ng tingin. Doon lang nakapako ang mata ko habang naglalakad kaming dalawa papunta sa canteen.

Pagpasok pa lang namin sa loob naagaw na namin ang atensyon ng karamihan sa kanila, lalo na si Rita at sir Tristan. Kanina pinauna ko na dito si Sir Tristan dahil nag-usap pa kami ni Bullet.

Nang mapunta ang tingin ko kay Rita nakangisi ito sa akin na animo'y kinikilig. Si Sir Tristan naman walang reaksyon. Pinauna ako ni Bullet maglakad papasok sa loob, sa unahan kung saan naka display ang mga ulam. Binitawan na namin ang kamay ng isa't-isa pero ang lapit-lapit niya naman sa likod ko.

"Anong gusto mong kainin?" Narinig kong tanong niya sa likuran ko habang nakatingin sa mga ulam na naroon.

"Gusto ko 'tong bopis," tinuro ko iyon.

"May chicken curry, favorite mo 'to 'di ba?" Tinuro niya naman yung katabi niyon.

"Oo, pero mas gusto kong kainin 'tong bopis ngayon. Next time na lang 'yan."

"But there will be no next time." Pabulong niya iyong simabit pero narinig ko iyon ng malinaw.

Hindi ako kumibo.

Siya ang umorder, siya rin ang nagbayad. Nauna ulit akong lumakad para maghanap ng bakanteng mauupuan. Ang nakuha ko ay ang upuan kung saan malapit sa pwesto ni Ma'am Aera, Sir Evans at Sir Miggy. Nandito pala sila. Hindi ko sila napansin kanina.

Nilapag ni Bullet ang dala niyang tray. Uupo na sana kami pareho nang magsalita si Sir Miggy.

"Ano 'yan comeback?" Gulat niya kaming tinuro.

Nagkatinginan kami ni Bullet. Parehong hindi nakapagsalita.

"Sinend ba sa inyo ni Bossing 'yong picture niyo sa hospital?" Tanong niya pa ulit.

Umiling ako. "Hindi po, Sir. Bakit po?"

"Isesend niya daw 'yon pag naghiwalay kayo, eh. Hindi na pala kailangan. Bati na pala ulit kayo ni Bala. Sabagay, bukas aalis na rin kami para sa misyon. Matagal bago kayo magkita ulit." Natawa siya. Napangiti lang ako.

"Bobo talaga." Narinig kong bulong ni Ma'am Aera habang kunot noong nakatingin kay Sir Miggy.

"Miggy, huwag mo na silang istorbohin. Let them eat their lunch…" ani Sir Evans bago kami nilingon. "Don't mind us. Kumain na kayo." 

"Uhm…" sumulyap ako kay Bullet. Hinila niya ang isang upuan para doon ako paupuin. "Thank you," I gave him a smile.

"Tara na nga! Tapos na kayo kumain, 'di ba? Tara na. Marami pa tayong aasikasuhin." Tumayo si Ma'am Aera. Hinila niya si Sir Evans na sumunod naman sa kanya. Si Sir Miggy naman umaangal ang tingin sa kanya. "Tara na. Huwag mo na akong tingnan ng ganyan." Aniya at ito naman ang hinila niya.

"Teka naman! Bakit ba kasi tayo aalis? Nakakatatlong subo—"

Hindi na niya natapos ang pag-angal niya dahil tinakpan ni Ma'am Aera ang bibig ni Sir Miggy.

"Bala, Abigail, una na kami, ha? Enjoy kayong dalawa. Usap kayo ng maayos. Kailangan niyo mag-usap ng maayos." Aniya bago hinila yung dalawa palabas ng canteen.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon