Kabanata 33

7.2K 124 30
                                        

ABI

"Congratulations sa atin, Corporal Sison!" Kinikilig na sigaw ni Rita nang makalabas kami ng office.

We still have the same rank, corporal. Si Sir Tristan Master Sergeant na siya ngayon. Lahat kami napromote. Lahat tuloy kami uuwing masaya.

"Congratulations, Rita. We deserve this after all we've done. Nawala lahat ng takot at pagod ko." I told her.

"Ano? Magreresign ka pa ba?"

Umiling ako. "No. I will stay here, Rita. My first mission is done. Iyon ay ang magkabalikan kami ni Bullet. Now I have my second mission, to be worth it for my new rank."

"Papayag kaya ang boyfriend mo?" 

Hindi ako nakasagot. Oo nga pala. Sabi niya mag resign daw ako pagbalik namin dito sa HQ. Ayaw niya ako sa ganitong trabaho dahil delikado daw. Anong gagawin ko? I'm starting to love this job.

"Kakausapin ko na lang siya, Rita."

"Sure. Goodluck, Corporal Sison." She said teasing. Mas kinabahan tuloy ako.

Naunang umuwi sa akin si Rita. 1 week ang rest leave ni Rita. Hinatid siya pauwi sa bahay nila kasama ang iba pa naming kasamahan na gaya niya ay kauuwi lang din.

"Sabay ka na sa akin, Corporal Abigail Sison." Si Sir Tristan iyon. "Congratulations nga pala, Zane."

"This is Corporal Abigail Zane Sison reporting for duty, Master Sergeant Tristan Baylon!" Dinaan ko sa pagtawa ang pagsabi ko niyon. Sumaludo din ako ng pabiro sa kanya.

"At ease, Corporal." Biro niya rin bago binaba ang kamay ko. "We really did a great job, Zane. I'm so proud of you and Rita. Dati panay reklamo kayo sa akin na hindi niyo na kaya but look at you two, you promoted as Corporal."

"Actually, this is so unexpected, Sir. Akala ko maiistuck na ako sa PFC."

"Your parents would be so proud of you, Zane. And of course, Sir Ferrer also."

Napangiti ako. "May alam nga ata siya tungkol dito, eh. Napromote din kaya siya?"

"Hindi ko rin alam, Abi. Iba kasi ang promotion system ng SEF sa atin."

"Oo nga pala…" itatanong ko na lang iyon kay Bullet mamaya.

"Nalift yung suspension ni Sir Ferrer, 'di ba?"

"Oo. May biglaan daw silang misyon. May alam ka ba tungkol do'n?"

"Wala, Abi. Members lang ng SEF ang pwedeng makaalam kung tungkol saan ang mga misyon nila."

"Ah…" itatanong ko na lang din 'to sa kanya mamaya.

Nag-iwan na lang ako ng message kay Bullet na sa bahay ako nila mama didiretso. Doon din ako matutulog ngayon dahil darating si Kuya Gil. Sumabay na ako kay Sir Tristan pero nagpababa ako sa mall. Bibili kasi ako ng cake para sa promotion ko at sa pag-uwi ni kuya.

Sabi ni mama magluluto siya for dinner kaya dessert na lang ang bibilhin ko. Dumiretso ako sa red ribbon store sa 2nd floor ng mall. Bumili ako ng dalawang cake na magkaiba ang flavor.

Yung isa pinalgayan ko ng 'Welcome home, kuya kong pangit' at yung isa naman 'Congratulations, Corporal Beautiful' tapos may mga heart pa iyon na designs sa gilid.

"Miss, pwede makigamit ng restroom?" Tanong ko sa cashier pagkatapos ko iyon mabayaran.

"Sorry, ma'am. Sira po ang CR namin. Doon na lang po kayo sa labas, Ma'am. Malinis naman po ang bawat cubicle doon."

"Ah ganun ba? Sige. Balikan ko na lang 'tong mga cake. Iihi muna ako."

"Sige po, Ma'am."

Pagdating ko naman sa CR dito sa second floor gusto ko na lang maiyak. Under maintenance iyon at bawal gamitin. Kung aakyat pa ako sa taas sigurado akong magkakalat na ang ihi ko sa daan.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon