Kabanata 20

8.6K 145 41
                                        

ABI

The scenes from Prologue (First Defense) are part of this chapter.

"Lapitan mo na kasi, Sison." Rita said as he handed me my bullet proof. Nakatanaw din siya kung saan ako nakatingin.

From here sa barracks namin kitang-kita ko si Bullet na naglalakad kasama si Ma'am Aera. They were laughing. Ganun na ganun din yung nakita ko noong huling dumalaw ako sa kanya dito sa kampo noong nag ta-training pa lang siya.

They were close and sweet.

I sighed and faced her.

"Hindi ko kaya, Rita." Aniko at pumasok ulit sa loob ng kwarto.

Sumunod sa akin si Rita.

"Lagi ka na lang nakatanaw sa malayo. Pwedeng-pwede mo naman siya lapitan pero ayaw mo."

I sighed again. "Because he looks okay. Nakita mo naman. Masaya siya. Masaya siya kasama si Ma'am Aera."

"Alam mo nakakapanghinayang, Abigail…" umupo siya sa isang kama para panoorin akong mag-ayos ng mga gamit ko na nilalagay sa isang military bag.

"Ang alin?"

"Yung relationship niyo ni Sir Ferrer. Base kasi sa mga kwento mo sa akin parang ang perfect ng relationship niyo. Ni wala ka ngang nabanggit na malalang away niyo. As in parang sinulat ng maayos na maayos ang lovestory niyo tapos biglang ganito na…" she said that made me pause.

I turned my back to her and continued to do what I was doing. Actually she's right. My relationship with Bullet is like a fairytale. Since he became my boyfriend para na akong isang prinsesa na inlove na inlove sa prince charming ko.

"Kasalanan ko."

Laging naging gano'n ang sitwasyon ko dito sa loob ng military headquarters. Lagi ko lang siyang pinagmamasdan mula sa malayo. Dati ang lapit-lapit ko lang sa kanya pero ngayon ang hirap-hirap niyang malapitan.

What happened to us, Bullet?

"Are you ready for our first ever war, Sison?" Umakbay sa akin si Rita.

Pilit akong ngumiti bago lumingon sa kanya. "Of course, Rita." I said even though in the back of my head I feel so stressed about this. "I'm always ready."

This is my first ever war. Nang sabihin sa amin ng isa sa commanding officer namin ang tungkol sa giyera na pupuntahan namin halos hindi ako makatulog magdamag. I overthink. Lahat na ng negative na pwedeng mangyari naisip ko na.

Pagdating pa lang namin sa Badlan province giyera na agad ang sumalubong sa amin. We were ambushed by a rebel team. Lahat sila armado at nagpapaulan na ng bala sa gawi namin.

"Position now!" Master Sergeant Abarcar commanded before positioning on the front line.

Kumilos agad kami. Sa likod kami pumuwesto kasama ang ilang sundalo. May ilan din kasing rebelde ang nagpapaputok mula sa likuran.

"Let's go, let's go!" Technical Sergeant Baylon said as he started to move towards the trees to hide. He immediately signaled 'hold' when we heard footsteps near the area.

Dali-dali naman kaming nagtago sa malalapit na puno. Hindi pa ako nagsisimulang makipag barilan pinagpapawisan na ako ng sobra. This is the start of hell… and this might be the end of me.

Nagsimula na ang palitan ng putok ng baril sa pagitan naming mga sundalo at mga sumalubong sa aming mga rebelde. I'm so nervous for fuck's sake! Natataranta ako lalo na't iniisip ko na baka mabaril ko rin ang kapwa sundalo ko.

"4 o'clock!" I shouted to Rita when I saw someone trying to run towards her. Lalaking may dalang itak.

She quickly pulled the trigger of his rifle before facing me with a smile. "Thanks, buddy."

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon