Kabanata 29

8.3K 154 50
                                        

ABI

"Welcome back, PFC Abigail Zane Sison!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Kate sa loob ng apartment ko pagpasok ko pa lang.

May hawak-hawak siyang cake na may sinding kandila. Meron din siyang balloon na may ilaw ang loob.

"Kate!" Agad kong binatawan ang mga dala ko tsaka tumakbo sa kanya para yakapin.

"Oh, wait…" maingat niyang nilapag ang cake sa center table bago sinalubong ang yakap ko. "Buhay ka nga talaga… akala ko kaluluwa ka lang."

"Baliw ka talaga!" Mahina kong hinampas ang balikat niya. "Namiss kita, Kate…" gigil kong sabi tsaka siya niyakap ng mas mahigpit.

Humiwalay siya ng yakap.

"Kinabahan talaga ako sayong babae ka! Akala ko hindi na kita makikita. Baliw ka talaga magmahal! Kahit delikado susuungin." Napapailing niyang sabi.

Natawa ako. "Worth it naman, eh. Akin na siya ulit." Pagyayabang ko.

"Ang yabang!" Tili niya at pinaghahampas ako sa braso.

"Kate yung sugat ko!" Umatras ako palayo sa kanya. "May sugat ako sa ulo at dito sa likod."

"Ay sorry…" nilapitan niya ako at hinimas-himas ang sugat ko sa likod. "Ikaw naman kasi imbes na nagtuturo ka ng mga bata ngayon aba'y nakikipagbarilan ka sa mga kriminal."

"Hayaan mo na ako sa ginagawa ko, Kate. Masaya naman akong gawin 'to, eh."

"Ahh… masaya kasi okay na kayo ni kuya Bullet? Parang dati lang lagi kang nag rarant sa akin kung gaano kahirap ang training niyo tapos ngayon masaya kana?" Nanunuksong aniya.

Tumango naman ako na ikinatili niya na naman.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ito yung Abigail na nawala nung nag break kayong dalawa. Aba ngumingiti ka na naman… I'm so happy for you!" Kunwari'y naiiyak niyang sabi at niyakap ako.

"Thank you for supporting me, Kate. Kung hindi mo pinapalakas ang loob ko baka hanggang ngayon lugmok ako." I said emotionally.

"Hay naku! Tama na muna 'tong drama natin. Magbihis kana tapos ihahanda ko naman 'tong pagkain natin." Mahina niya akong tinulak para kumilos. "Go na! Marami tayong pag chichismisan ngayon!" 

"Oo na! Bibilisan ko magbihis."

Kinuha ko ang bag ko para dalhin sa loob ng kwarto ko. Namiss ko ang amoy nito! Sa headquarters kasi ang baho. Kung hindi amoy paa, minsan amoy labahan naman na ewan. Nakakamiss talaga dito sa bahay.

Pagkatapos ko magpalit ng uniform lumabas din ako. Nagsuot lang ako ng comfortable short at white spaghetti tank top. Dumiretso ako sa sala dahil doon daw kami kakain sabi ni Kate.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Umupo ako sa sofa bago inabot ang tubig.

"Umabsent ako. Sinabi ko sa co teacher ko na hindi ako makatayo kasi ang sakit-sakit ng puson at balakang ko." Nakangising aniya at inabot ang isang plato. "Hindi pwedeng wala ako dito pag-uwi mo, 'no! Medyo nilinisan ko lang ng konti 'tong apartment mo kasi nabubulok na."

"Thank you talaga, Kate. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka."

"Sus. Hindi mo alam ang gagawin kung wala ako o kung wala si kuya Bullet?" Taas kilay niyang tanong.

"Si Bullet." I answered without hesitation.

"Traydor ka talaga! Pagdating talaga sa lalaking 'yon parang walang ibang tao sa paligid mo. In-game ka na naman sa pagmamahal mo sa kanya."

Kumagat ako sa pizza. "Ganun ba ako sa kanya?"

"Oo, girl. Sobrang lala mo magmahal sa kanya. But anyways, kumusta dalaw mo sa anak mo?" She changed the topic.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon