Kabanata 43

8.1K 135 20
                                        

ABI

Pagkirot sa likod ko ang gumising sa akin mula sa malalim na pagkakatulog. Unang dumako ang tingin ko sa nakatali kong mga kamay sa isang bakal na railing. Naalerto agad ako. Nagising ako ng tuluyan.

Isang malaking abandonadong bodega. Sa bandang kanan naroon ang mga lalaki na nag-iinuman. May mga naka kalat sa paligid, lahat sila armado.

Dito naman sa gawi ko, kasama kong nakatali ang mga kamay at paa ang ilan sa mga kasamahan kong sundalo. Sa bandang unahan nakita ko si Sir Abarcar. Wala sila Sir Tristan at Rita pero yung batang sinubukan kong iligtas kanina nandito rin, walang malay at nakatali rin malapit doon sa mga nag-iinuman.

Mayamaya bumukas ng malakas ang malaking pintuan ng bodega sa unahan. Pumasok doon ang ilang lalaking may hawak na mahahabang baril. Yung nasa gitna naman, kasing edad lang siguro ni Sir Villafuerte ang walang hawak na baril.

Napunta sa amin ang tingin niya. Nilapitan siya ng isa sa mga bantay na nag-iinuman at inabutan ng alak.

Kaming mga sundalo, walang imik na nakatingin sa kanya habang naglalakad na siya ngayon palapit sa amin.

"Gising na pala kayo…" nakangisi niyang sabi bago lumagok ng beer. "Iniwan na kayo ng mga kasamahan niyong sundalong pulpol!"

Nagtawanan sila nang sabihin iyon ng lalaki. Sa kanilang lahat mukang siya ang leader nila. Siya rin yung naka engkwentro nila Bullet noon na nakatakas daw.

"Dito na kayo mamamatay! Yung mga kasamahan niyo? Ayon, nagsipag takbuhan na parang mga takot na manok. Nakakatawa na nakakaawa kayo. Sa oras ba naman ng kagipitan iniwan kayo bigla sa ere." Aniya.

Uminom ulit siya ng alak. Inutusan niya yung nasa gilid niya na kumuha ng upuan. Sinunod naman siya nito kaya hinila niya iyon papunta mismo sa harapan naming mga bihag niyang sundalo.

Seryoso niya kaming pinasadahan ng tingin. "Kayo 'yon, 'di ba? Kayo 'yong mga putang-inang sumira sa dati naming hide-out."

Walang umimik sa amin.

"Tang-ina buti na lang may pakinabang 'tong si General Abe. Napabalik kayo dito. Hindi na ako mahihirapan hanapin kayong mga lintek kayong sundalo!" Tumaas bigla ang boses niya. Sa sobrang gigil niya ay bigla niya na lang hinagis sa sahig ang boteng hawak niya. "Hindi ko kayo maintindihan… bakit napaka pakialamero niyo?"

Wala pa ring umimik sa amin.

Sumandal siya at napailing. "Pilit niyong pinaglalaban ang bansa 'to wala naman na 'tong pag-asa."

Natigilan ako sa pinagsasabi ng baliw na 'to. Nagkatinginan kami pero nagbalik din ng tingin sa kanya.

"Isa lang naman ang gusto namin. Ang makuha ang lupain na pilit inaangkin ng mga putang-inang gobyernong gahaman sa kapangyarihan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagpapakapagod kayong ipagtanggol ang bansang 'to kung bulok naman ang sistema dito?"

"Hindi porket wala ng pag-asa ang bansang 'to sa paniniwala mo ibig sabihin ay hindi na 'to karapat-dapat ipagtanggol sa mga kagaya niyo." Ani Sir Abarcar, napunta sa kanya ang atensyon naming lahat.

Umangat ang gilid ng labi nitong lalaki.

"Magpapakamatay kayo para paglingkuran ang bayan na walang ibang ginawa kundi ang pagmalupitan ang mga taong walang kakayahan lumaban para sa sarili nila? Nandito kayo ngayon sa harap ko, may mga sugat at anumang oras pwede kong iutos na patayin kayong lahat. Nasaan ang gobyerno para iligtas kayo? Wala! Kasi pinabayaan na kayo at ginawa kayong pain para sa mga kagaya namin!"

"Ano bang gusto niyong mangyari?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Sa akin na tuloy sila tumuon ng atensyon ngayon.

"Ang makaganti," sagot niya. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. "Ang gusto lang namin makuha ang lupa para sa mga pamilya namin pero anong ginawa nila? Tinawag nila kaming PRG. Ginawa nila kaming rebelde! Iyong tatay nung batang 'yon?" Tinuro niya si Josh. "Putang-ina gigilitan ko ng leeg 'yon sa harapan niyo."

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon