Kabanata 7

8.2K 164 88
                                        

ABI

"So, tinanong ka niya kung dapat na ba daw siyang magkagusto sa mga younger girls 3 weeks ago na?" Tanong sa akin ni Kate nang magkwento ako tungkol sa naging usapan namin ni kuya Bullet.

"Oo…"

"Tapos walang nangyari after?"

"Wala."

"Balik kuya at little sister na ulit kayo sa bahay man o sa labas?"

"Ganun na nga, Kate."

"Tapos ilang beses na rin silang nagdadate nung Fia?"

Tumango ako. "Oo…"

Tumango-tango siya. "Isa lang ibig sabihin niyan, Abi…"

"A-Ano?"

"Wala siyang gusto sa'yo." Diretsahan niyang sabi.

"Kate naman!" Padabog kong nilapag ang hawak kong aqua flask dahil sa sinabi niya.

"Oh, bakit? Totoo naman ang sinabi ko, Abi. Kung ikaw yung younger girl na tinutukoy niya edi sana nilinaw niya na agad 'yon sa'yo. Ang kaso hindi nga 'di ba? Nakikipag date pa nga eh… alam mo un-crush mo na 'yan. Hanap ka nalang ng iba." Aniya sabay tumingin sa court. "Oh, ayon si Jacob, siya na lang gustuhin mo…"

"Thank you sa suggestion, Kate, ah? Nakakatulong ka ng sobra sa akin." Sarkastiko kong sabi at napabuntong hininga.

Napabuntong hininga rin siya. Pareho na tuloy kaming stress dahil kay kuya Bullet.

"Alam mo kasi, Abi, base sa kwento mo sa akin nararamdaman ko talaga na wala siyang gusto sa'yo kahit konti. Di ko mafeel na may crush or ibang nararamdaman sa'yo 'yang kuya Bullet mo."

Nakapangalumbaba akong tumingin sa kanya. "Dapat ko na ba talaga ituloy yung pag momove-on ko?"

"Oo, girl. Baka for kuya and little sister lang talaga kayo. I don't feel any sparks, eh. Alam mo, dahil panay ang kwento mo sa akin tungkol kay kuya Bullet gusto ko na tuloy siya makita sa personal. Gusto kong makita in person kung wala ba talagang chemistry or tension sa pagitan niyo."

"What if wala talaga?"

"Oh, edi move-on na talaga."

Hanggang sa nakauwi na ako sa bahay iniisip ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Kate. Baka tama nga talaga siya? Wala talagang something. Ako lang ata talaga 'tong delulu sa lahat ng kinikilos ni kuya Bullet pagdating sa akin.

"Baka ganun din siya kay ate Fia…" mahinang usal ko nang mapaupo ako sa kama ko.

Walang gana akong kumilos para magpalit ng pambahay. Nilagay ko muna sa gilid ang bag ko bago lumabas ng kwarto. Mag-isa lang ako dito sa bahay. Nasa school pa si mama ganun din sila kuya.

Pagbaba ko sa sala binuksan ko muna ang TV para iplay ang pinapanood kong C-drama. Kumuha lang din muna ako ng snacks sa kusina para may nginunguya ako habang nanonood.

"Ahm… I want iced tea and… and… ano kaya?" Hinalungkat ko yung mga snacks namin para maghanap ng junk food pero hindi ako makapili. "Marty's cracklin'…"

"Zane?"

"Ay mama mo marty's!" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat dahil sa nagsalita.

Hawak-hawak ko ang dibdib kong kumakabog ng mabilis bago humarap sa tumawag sa akin.

"Kuya Bullet?" Nangunot ang noo kong pinasadahan siya ng tingin. Nakasuot pa rin siya ng pambahay at mukang kagigising lang din. Namumutla ang kanyang labi, parang may sakit.

"Hey," sinubukan niya pa rin ngumiti sa akin kahit na halatang hirap siyang gawin 'yon.

"Okay lang po ba?" Lumapit ako sa kanya para hawakan siya sa noo at leeg pero ganun na lang ang taranta ko dahil napaka init niya! "Hala ang taas ng lagnat mo!"

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon