TRUE STORY #3 (from: @FaceBehindThatSmile)

6.5K 147 44
                                    

Anong Klaseng Nilalang?


Nangyari ang kababalaghang ito sa tropa ni @FaceBehindThatSmile na itago nalang natin sa pangalang 'Louie'.


Masayahin at palabirong lalake si Louie. Madalang mo lang itong makitang galit o di naman kayay nakasimangot. Siya ang 'Happy Virus' ng tropa nila kaya naman nalungkot sila nung malamang nagkasakit ito sa baga dahil sa bisyo. Simula noon ay naging matamlay na si Louie. Pero pagkatapos ng pitong buwan ay nabalitaan nilang gumaling na ito kaya naman isang araw ay naisipan nilang bisitahin ang lalake pero laking pagtataka nila nang makita ito. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito to the point na halos hindi na nila ito makilala. Tulala din ito na parang wala na sa katinuan.


Sa awa ay agad nilang tinanong ang Mama ni Louie kung bakit parang mas lumala pa ata ang lagay nito.


"Actually, matagal na siyang gumaling. Akala nga namin, babalik na siya sa dati niyang pagiging masayahin at palabiro pero hindi. Nalaman namin galing sa kapatid niya na katabi niya sa pagtulog na hindi daw natutulog ang Kuya Louie niya dahil parang may kinatatakutan ito. Hindi din siya halos kumakain dahil parati siyang nagkukulong sa kwarto niya." Ang umiiyak na sagot ng Mama ni Louie sa kanila.


Kaya naman isang araw ay naisipan ulit nilang dalawin si Louie. Kinausap nila ito at ipinaalala nila dito na tropa sila at hinding hindi nila pababayaan si Louie. Na tutulungan nila ito kung anuman ang problema nito pero imbis na matuwa ay bigla nalang itong humagulgol ng iyak. Nagsalita ito at may sinabi sa kanila na nakapagpatayo ng balahibo nilang magtotropa.


Simula daw nung magkasakit siya ay lagi na niyang nakikita ang isang babae sa kwarto niya. Mahaba ang buhok ng babae at may sungay daw ito sa gitna ng noo na parang unicorn. Matalim daw ang mga mata nito na palaging nakatitig sa kanya. Lagi din daw nitong inuusal ang mga salitang "Sumama ka na sa'kin." At sa tuwing magpapakita daw ang babae ay sumasabay dito ang nakakasulasok na amoy na parang sa nabubulok na tao.


Isang gabi pa nga daw, habang nakatalukbong siya ng kumot ay napansin niyang parang may anino sa ibabaw niya kaya agad niyang tinanggal ang nakatalukbong na kumot sa kanya at doon niya nakita ang mukha ng babae. Nakatutok daw mismo sa mukha niya ang nag-iisang sungay nito sa noo.


Hindi lang iyon dahil may isang madaling araw na naramdaman niyang parang may nagkikisay kisay sa tabi niya at paglingon niya, mga pares iyon ng paa ng babae at pagtingala niya, nasa taas daw ng kisame ang babae at nakatitig sa kanya.


Hindi lang daw ito sa gabi o sa madaling araw nagpapakita dahil maging sa umaga ay nagpakita din sa kanya ang babae.


Nagbabantay daw siya ng tindahan nun nang mapasulyap siya sa likod niya. Nakita niya ang likuran ng babae pero mas lalo siyang natakot dahil nakaharap sa kanya ang ulo nito.


Yun lang ang narinig na kwento ni @FaceBehindThatSmile galing kay Louie dahil niyakap na ito ng isa sa tropa nila para patahanin pero patuloy pa din ito sa pagsasalita.


Hindi daw nito alam kung nababaliw na ba siya o epekto ito ng sakit niya. Natatakot daw siya na kunin ng babae dahil sinabi nito na hangga't hindi siya sumasama dito ay hindi siya nito lulubayan. Maging sa panaginip daw ay nagpapakita sa kanya ito kasabay na nun ang nakasusulasok na amoy.


Pinatahan nila ulit si Louie pero nagsalita ulit ito at this time, napanganga na sila dahil sa kilabot.


Matagal na ding patay ang Ate ni Louie at bago daw ito namatay, na-ikwento daw sa kanya ng Ate niya na may nagpapakita din ditong babae. Mataas ang buhok at may sungay sa gitna ng noo. Pag nagpapakita daw ito ay sumasabay daw dito ang nakasusulasok na amoy.


Sa tingin niyo, anong klaseng nilalang ang nagpapakita kay Louie at sa Ate niya bago ito namatay?



_END_

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon