Third Eye
@jnxmaiv's POV
Hi Miss Author! Share ko lang sana yung mismong experience ko.
Ganito yun, I was in 5th grade (6th grade na ako ngayon), nang may maramdaman akong kakaiba.
First encounter
Nakahiga ako sa may sofa nun tapos may nakita ako sa hagdanan namin, may nakatayong lalaki. Akala ko nung una, tito ko lang pero hindi ko talaga makita yung mukha. Kaya kahit na kakaiba na yung naramdaman ko nung mga oras na yun, mas pinili ko nalang na dedmahin yung nakita ko. Kasi sabi nila, the more na pansinin mo yun, the more silang lalakas at the more ka nilang tatakutin. Bale yung takot mo ang nagiging pagkain nila.
Second encounter
Mga 1 month siguro yung nakalipas after ko ulit na-encounter yung ganon. Isang gabi, ako nalang yung gising nung time na yun. Paakyat na ako nun nang kwarto. Pinatay ko na yung ilaw. Yung ilaw nalang na nanggagaling sa cellphone ko yung nagbibigay ng liwanag non, bale ginawa kong flashlight yung cellphone ko. Habang paakyat na ako ng hagdan, parang may gumalaw ng kamay ko na nakahawak ng cellphone kaya nailawan nun ang kaliwang bahagi nung hagdan, kita doon ang kusina. Pag tapat ko nung cellphone ko dun, nagulat ako nang may makita akong batang lalaki. Ilang segundo akong hindi nakakilos nun. Inisip ko din kung may bata ba kaming kasama sa bahay at nung maalala ko na wala kaming batang lalaki sa bahay, dun na ako natakot. Ang ginawa ko ay tumakbo ako ng mabilis paakyat.
Nung mga panahong yun, duda na talaga ako na may kakayahan akong makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao lang. Pero wala akong pinagsabihan sa nangyayari at mga nakikita ko. Takot ko lang na tawagin nilang baliw o pagtawanan.
Third encounter
Pangatlong pagpapakita na 'to. Isang gabi ay gumagawa ako ng assignments sa kwarto namin. Ako lang mag isa sa kwarto nun. Yung pintuan sa kwarto namin nun ay bahagyang nakabukas. Nagulat nalang ako nang may makita akong babae sa labas ng pintuan namin, nakatakip ng belo ang mukha niya. Napako lang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin dun sa babaeng nakabelo tapos maya maya naman ay may babae na maganda pero sobrang nakakatakot ng mukha niya. Maputla na nakangiti. Dahil dun ay hindi ko na nakayanan ang takot kaya ipinikit ko ang mga mata ko pero nabigla nalang ako sa sumunod na nangyari, nagsalita siya, hindi ko siya sinagot verbally pero sinagot ko siya sa isip at tila nakakausap ko siya dahil sumagot siya. Ito ang eksaktong pag-uusap namin...
Siya: Bakit ka pumikit?
Ako: Natatakot ako sa'yo.
Siya: Huwag kang matakot, kaibigan ako.
Pagkatapos nang pangyayaring yun ay nasundan pa ito.
Fourth encounter
Nasa eskwelahan ako nun. Nakita ko ang singsing ng bestfriend ko, nabanggit niya na galing daw iyon sa lola niya na namatay na. Naisip ko itong tignan at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinawakan ko ito at napapikit ako, nagulat ako sa nakita ko, matandang babae na nakaupo sa racking chair, nakasuot nang saya. Agad agad kong ibinalik ang singsing na iyon sa kaklase ko. Nagkataka naman siya sa inakto ko pero pinili ko nalang na huwag sabihin dahil gaya nga ng sinabi ko, takot akong masabihan na baliw at pagtawanan.
Lumipas pa ang mga araw ay kinalimutan ko na yung nangyari tungkol sa singsing hanggang sa isang araw ay sumakit ang tiyan ko. Pinagpapawisan ako tapos anlamig ng katawan ko. Nasa kwarto kami ng mama ko nun at sa hindi ulit maipaliwanag na dahilan ay bigla kong naikwento sa kanya ang tungkol sa singsing pati na sa mga nakikita ko lately. Nung una hindi siya makapaniwala na ganun ang mga nangyayari sa akin pero sinabi niya din iyon kay Papa pero ayaw nitong maniwala. Hanggang sa nalaman iyon ng tito ko na isang college student at sinabi nga niya na ganun din siya. Nagsimula din siyang makakita nung 5th grade siya pero nawala nung 4th year highschool siya dahil nagpatawas siya kaya naman napagdesisyunan ni Mama na ipatawas ako kahit na hindi naniniwala si Papa. Doon namin nalaman na nasa angkan pala talaga namin na makakita ng mga hindi pangkaraniwang bagay pero naisasara naman daw iyon dahil sa kaso ko, kakabukas palang nun, kakabukas palang ng third eye ko.
Sa ngayon, wala na akong nakikita, nararamdaman, oo pero natural nalang daw iyon sabi ng albularyo.
Hindi madali na magkaroon ng ganitong kakayahan. Nakakabaliw. Kaya sa iba diyan na nangangarap na magkaroon ng pangatlong mata, think twice.
_END_
![](https://img.wattpad.com/cover/41373494-288-k847141.jpg)
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HororIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!