@catteronolo's POV
Simbahan
Ito po ay experience ng Papa ko noong nanliligaw palang po siya kay Mama. At dahil uso pa nun ang padalaw dalaw sa bahay ay halos gabi gabing dinadalaw ni Papa si Mama. Uso din po noon ang panghaharana kaya hinaharana din ni Papa si Mama. Kasama ni Papa sa panghaharana niya ang kanyang limang matalik na kaibigan. Matapos daw pong mangharana ni Papa, nakikipag-usap po siya sa pamilya ni Mama pagkatapos ay uuwi na. Medyo malayo ang bahay ni Papa nun sa bahay ni Mama pero hindi nagsasawa si Papa. Ganun ang routine ni Papa halos gabi gabi.
Pero may isang pangyayari nun na halos napasuko si Papa sa gabi gabing pagbisita kay Mama.
Katatapos lang nila Papa nun na haranahin si Mama kaya pa-uwi na sila. Bago maka-uwi si Papa sa bahay nila, may madadaanan muna silang lumang simbahan na matagal nang abandonado.
Habang pa-uwi sila Papa, nadaanan nila ang simbahan. Noong una, hindi nila ito pinansin dahil sanay na din naman sila na dinadaanan iyon gabi gabi. Ngunit napahinto nalang sila sa paglalakad nun nang may marinig silang mga tao na nagdadasal sa loob mismo ng simbahan. Sinubukan nilang tignan ang loob ng simbahan nun pero sa kasamaang palad, hindi nila magawa dahil na din sa natatabunan na ng mga ligaw na halaman ang mismong pintuan ng simbahan.
Pero dahil inatake talaga ng kursyunidad ang isang kaibigan nun ni Papa ay mabilis nitong pinagpuputol ang nakaatang na ligaw na halaman sa pintuan ng simbahan at doon sila namangha, napakaliwanag ng loob ng simbahan at napakadaming tao na nagsisimba. Kaya para hindi makadisturbo nun sila Papa ay tahimik na silang naglakad nun paalis sa simbahan. Pero nung lingunin ulit ni Papa ang simbahan, napatakbo nalang siya dahil sa takot.
Napakadilim na ng loob ng simbahan. Walang katao tao sa loob lalo na sa labas.
Kung ganun, nasaan na ang mga tao na kanina lang ay nakaluhod pa sa loob ng simbahan?
Napatakbo na din nun ang mga kaibigan ni Papa pero bago paman sila nakalayo, narinig ulit nila na nagsimula ulit sa pagdadasal ang mga tao sa loob. Mas malakas na ngayon ang mga boses nito habang nagdadasal.
History ng simbahan? Kaya na-abandona yun dahil doon sa loob mismo ng simbahan pinatay ang apat na madre, dalawang sakristan at isang pari. Minassacre sila.
_END_
![](https://img.wattpad.com/cover/41373494-288-k847141.jpg)
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!