TRUE STORY #6 (from: @PabebeWriter)

5.6K 136 23
                                    

Itong kwentong inyong mababasa ay hindi isang horror story. Himala, pwede. Pero kikilabutan pa din kayo.


Santo Niño


@PabebeWriter's POV


Meron akong kinalolokohang loveteam ng KPOP ngayon. Sina Kim Ryeowook ng Super Junior at Tiffany Hwang ng SNSD. Hindi sila ganun kasikat sa mga tao kasi walang gaanong sumusuporta sa samahan nila at aminado ako sa bagay na yun. Pero hindi po talaga dito umiikot ang istoryang ibabahagi ko kundi umiikot ito sa rebulto ni Santo Niño na nasa bahay namin.


May rebulto kami ni Santo Niño sa bahay namin ngayon. Matagl na itong binili ng Mama ko at nabendisyunan na sa Quiapo. Hindi namin alam ni Mama kung saan pwedeng ilagay si Santo Niño kasi wala pa Siyang pwedeng paglagyan dito sa loob ng bahay namin. Sabi pa ni Mama, dapat inilalagay ang rebulto ni Santo Niño sa medyo may kataasang lugar para hindi masagi o maabot ng mga malilikot kong pamangkin. Napagdesisyunan naming ilagay muna si Santo Niño sa lamesa kung saan kami kumakaing mag-anak kasi wala talaga kaming mapaglagyan sa Kanya. Kaya lang isang araw, hindi ko sinasadyang mabangga yung mesang kinalalagyan ni Santo Niño. Muntik pa itong malaglag at mabasag. Sa takot kong maulit yung nangyari, naisipan kong ilagay na lang si Santo Niño sa loob ng kwarto ko. Dinala ko Siya dun sa loob. Inilagay ko Siya sa ibabaw ng study table ko. Sa tabi mismo ng mini posters ng Super Junior at SNSD. Sabi ko pa nga kay Santo Niño, "Tabi ka muna kina Ryeowook at Tiffany ha?". Nagkataon kasi na magkatabi yung pictures nila Ryeowook at Tiffany sa study table ko. So, ayun, pinabayaan ko na muna si Santo Niño doon.


May mga nagsasabi na kapag madalas mo daw kinakausap si Santo Niño at humiling ka ng bagay sa Kanya, matutupad daw ang kahilingan mo. Minsan kasi pag wala akong magawa sa loob ng kwarto ko, kinakausap ko si Santo Niño. Bigla na lang akong hihiling ng mga bagay na alam kong medyo imposibleng mangyari. Dalawa lang naman ang madalas kong hilingin sa Kanya. Una, sana malaman ko na kung ano ang balita sa Papa ko na matagal nang hindi nagpapakita't nagpaparamdam sa amin. Pangalawa, sana dumating yung time na magkaroon ng totoong selfie sina Ryeowook at Tiffany kahit isa lang. Itong dalawang idol ko kasi, simula nang magkakilala sila, never pa akong nakakita ng pictures nila sa internet na silang dalawa lang at hindi edited yung picture.


Muling lumipas ang araw, bigla akong nagulat sa sinabi ng Mama ko isang hapon. Galing ako nun sa mall para magwithdraw ng pera sa banko. Sabi ni Mama sa'kin, "Nakasimangot yung mukha ni Santo Niño.". E syempre ako naman, kinilabutan ng todo. Sa loob loob ko, panong sisimangot si Santo Niño samantalang rebulto lang naman siya. Wala siyang buhay. Kaya inisip ko nalang na baka pinagtitripan lang ako ni Mama para matakot ako. Tinawanan ko pa nga si Mama nun. Kalaunan, hindi ko na lang iyon pinansin dahil ayaw kong takutin ang sarili ko lalo na't mag-isa lang akong natutulog sa kwarto ko.


After few weeks, hinayaan ko pa rin si Santo Niño sa tabi ng mga KPOP posters. Nakalimutan ko na ang sinabi ni Mama sa akin.


Isang gabi, bago ako matulog, iniharap ko muna si Santo Niño sa mini posters na nakadisplay sa dingding ko kasi itatabi ko yung laptop ko sa Kanya. Wala na din kasing mapaglagyan yung laptop ko. Pagkatapos nun, nilock ko na yung pintuan ng kwarto ko bago ako nahiga at natulog. Kinabukasan, kinilabutan nalang ako sa nakita ko, yung posisyon ni Santo Niño, nag-iba! Nakatalikod na ito sa mga KPOP posters ko. Mas lalo pang nanlaki ang ulo ko nang maalala ko na nilock ko pa ang pintuan ng kwarto ko bago matulog kaya alam kong walang taong makakapasok sa kwarto ko para iharap ang maliit na rebultong iyon. Wala ding duplicate key ang kahit na sinong kasama ko sa bahay sa kwarto ko dahil ayaw na ayaw kong pinapasok ng iba ang kwarto ko. Naisip ko tuloy nung mga oras na yun na baka gumalaw mag-isa si Santo Niño kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at napatakbo dahil sa takot. Nung hapon ding yun ay sinabi ko kay Mama ang nangyari. Nagulat ako sa naging sagot niya.


"Nagtatampo siguro si Santo Niño. Kung saan saan mo kasi Siya nilalagay."


Dahil sa naging sagot ni Mama ay napagpasyahan ko na ilabas nalang si Santo Niño sa kwarto ko at ibinalik na lang muli sa lamesa namin kung saan Siya dating nakalagay. Pagkatapos nun ay ginawan ko Siya ng pwede Niyang paglagyan. Kahon iyon na may kataasan tapos nilagyan ko pa ng mga disenyong pink na bulaklak gamit ang mga art paper. Nilagyan ko din siya ng plastic para hindi madumihan. Every week din ay pinapalitan ko ang damit niya pati na ang sampaguitang inilalagay ko sa Kanya.


Ilang linggo pa ang lumipas nang sabihin sa akin ni Mama na may mga taong nakakaalam kung nasaan ang Papa ko. Mga dati niya iyong katrabaho. Sabi ni Mama, may ibang pamilya na daw ang Papa ko. Nasaktan ako sa nalaman ko pero atleast, alam kong buhay siya at maayos ang lagay niya.


Buwan naman ang lumipas which is last July 2015 lang. Nakita ko mismo sa official twitter account ni Kim Ryeowook na may totoong selfie na siya kasama si Tifanny Hwang. As in silang dalawa lang.


Dahil sa nangyari, hindi ko tuloy alam kung nagkataon nga lang ba ang lahat o talagang nagmimilagro talaga si Santo Niño. Bigla ko kasing naalala yung mga hiling ko sa Kanya nung mga panahong nakalagay pa Siya sa kwarto ko.



_END_


Note: Nasa itaas ang picture ni Ryeowook at Tiffany na sinasabi ni @PabebeWriter.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon