Kaibigan yan ng friend ko. Itago nalang natin sa pangalang 'May'. Isang PolSci student.
Hapon na daw iyan. Nag-aagaw na ang dilim sa labas. Umuulan kaya naman kahit uwian na ay napilitan nilang magkulong muna sa classroom nila.
Habang panay ang pag-iingay ng mga classmates ni May ay panay naman ang pagkuha niya ng litrato sa sarili niya. Hanggang sa isang litrato nga ang nakakuha ng atensyon niya.
(Nasa MULTIMEDIA na makikita sa itaas nitong kwento ang PICTURE na nakunan ni May)
Isang litrato kung saan naka-upo siya sa upuan ng kanilang propesor. Makikita mo ang mga maliliit na kahon na kulay asul, ang puting barong na nakahanger at ang hindi maipaliwanag na imahe na animo'y sumisilip sa barong.
Dahil sa litratong nakunan ay nanlamig si May at dali daling lumayo sa lugar kung saan niya nakunan ang misteryosong imahe at napagpasyahang lumapit sa mga classmates niya at ipakita ang litrato.
Nung una ay takot ang naramdaman ng mga classmates niya. Pero pagkatapos na suriin ang picture ay napagpasyahan din ng mga ito na suriin ang lugar kung saan nakunan ni May ang imahe. Tinignan nila kung ano ang possibleng bagay na nasali sa litrato ni May at naging parang babaeng sumisilip sa barong ito pero wala silang nakita. Tanging ang mga asul na kahon, ang upuan na inuupuan ni May sa litrato at ang barong na nakahanger lang ang nandoon. Wala nang iba.
Kayo, ano sa tingin niyo ang imahe na nakasilip sa barong? Dahil lang ba ito sa camera o sa mga ilaw na maaaring nagreflect lang o may sumisilip talaga kay May nung mga panahong aliw na aliw siya sa pagkuha ng litrato sa sarili niya? Kayo na ang humusga.
Credits to Dennis Jay Paras. Siya ang nagsend nitong picture pati na ng story. Siya yung tinutukoy kong friend ko.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
TerrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!