Na-aswang
@YourShingingAngel's POV
Kwento po ito ng Mama at Papa ko. Matagal na po ito, hindi pa ako pinapanganak.
Nasa probinsiya sila noon.
Isang araw, hapon na yun, saka lang napansin nila Papa na wala na palang lamang tubig ang drum na iniimbakan nila ng tubig na maiinom at panglaba. Maglalaba pa naman sila kinabukasan kaya napagpasyahan nilang dalawa ni Mama na mag-igib muna ng tubig dahil maaga pa naman nun at maliwanag pa. Sa lugar kasi namin noon, wala pang gripo at malayo ang bayan kung saan sila nag-iigib ng tubig. 2 hours kung lalakarin at kung may bisikleta ka na may sidecar, mga 1 hour lang bago makaabot dun.
4 ng hapon ang alis nila Papa at Mama nun papuntang bayan. Okay naman daw ang papunta doon kaya lang pag-uwi nila, doon na nangyari hindi naging okay.
Lapitin nun ng mga multo, maligno at aswang si Papa kaya madali lang sa kanya na malaman kung may mga nangyayari nang kakaiba sa paligid niya.
8 na ng gabi yun nung pauwi na sila ni Mama. Nasa kalagitnaan na sila ng daan nun nang biglang hinarang ang bisikleta nilang may sidecar ng isang napakalaking kambing. Hindi ordinaryong kambing sabi ni Papa, alam niya. Ang ginawa lang daw niya ay pinabilis niya ang pagpapatakbo sa bisikleta, umiwas naman daw ang kambing. Tapos maya maya daw, may nakita silang napakalaking puting kumot sa daan. Alam din ni Papa na isang uri yun ng panlilinlang ng mga aswang kaya nung akma nang bababa si Mama sa bisikleta para kunin ang puting kumot ay agad siyang pinigilan ni Papa at gaya nga ng ginawa ni Papa ay binilisan lang din niya ang pagpapatakbo sa bisikleta dahilan para masagasaan ang malaking puting kumot. Malayo na sila nun sa kumot nang mapagpasyahan ni Mama na lingunin yun at napasigaw nalang siya sa takot dahil ang kaninang puting kumot ay naging malaking aso na may mapupulang mata at ang mas nakakatakot pa ay sinusundan sila nito.
Nakauwi sila Papa at Mama sa bahay nun na humahangos. Ni hindi nga daw nila naibaba at naipasok ang mga tubig dahil agad silang pumasok ng bahay at nagkandado. Buong gabi nun na hindi makatulog si Mama at Papa. Panay din ang hawak ni Mama nun ng mga panlaban sa aswang.
Naging tahimik naman ang gabi nila Mama nun at kinabukasan nga ay ikinuwento nila iyon sa Lolo ko.
"Hindi nila yun gagawin kung wala silang pakay. Kaya ikaw Grace, mag-ingat ka. Ingatan mo ang sarili mo lalo na ang magiging apo ko."
Doon daw nalaman nila Mama na buntis pala siya sa'kin nun. Simula nun ay hindi na siya lumalabas ng bahay at kung lalabas man siya, lagi niyang dala dala ang mga panlaban na ibinigay ni Lolo sa kanya.
_END_
![](https://img.wattpad.com/cover/41373494-288-k847141.jpg)
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!