TRUE STORY #13 (from: @happylittlebee)

4.2K 87 0
                                    

Pares ng Paa


@happylittlebee's POV


Kwento ito ng pinsan ko.


Mga bata palang kami, hindi na talaga kami masyadong pumupunta sa bahay nila Justin, pinsan ko. Siguro pumupunta lang kami kapag may celebration sa bahay nila at maraming tao pero kung wala at kami lang magpipinsan ang nasa bahay, umuuwi agad kami. Para kasi kaming nakakulong sa isang malaking haunted house. Idagdag mo pa ang hagdanan nilang palaging umiingit na parang may naglalakad. Akala namin noon, ganun lang talaga yung hagdan nila pero nung may sabihin ang kasambahay nila na si Ate Mimi sa amin ay hindi na talaga kami pumupunta sa bahay nila at kung pumupunta man kami, sinisigurado namin na hindi kami magagawi sa nag-iisang hagdan sa bahay na yun.


Ito ang kwentong sinabi ni Ate Mimi. Base ito sa na-ikwento sa kanya ni Justin.


Hapon daw yun, umakyat si Justin nun sa kwarto ni Ate Mimi para kunin ang libro niya na hiniram nito. Pagpasok daw ni Justin, may nakita siyang nakatalukbong ng kumot at nakahiga sa kama. Pero hindi niya makita ang mukha nito. Tanging ang pares lang ng paa nito ang kita niya. At dahil kwarto yun ni Ate Mimi, inisip nalang niya na si Ate Mimi yun kaya biniro niya ito.


"Oh Ate Mimi, ang aga mo atang matulog ngayon? Hindi pa tapos trabaho mo ah!"


Hindi daw nun sumagot si Ate Mimi. Sa pag-aakala na nagtulug tulogan lang si Ate Mimi ay biniro ulit ito ni Justin.


"Sus! Tulug tulogan! Bulok na yang style mo Ate!"


Pero wala pa din daw itong reaksyon kaya inisip nalang ni Justin nun na talagang tulog na nga si Ate Mimi kaya naman kinuha nalang niya ang libro na nasa bed side table nito at naglakad na palabas pero bago siya makalabas ay sinulyapan niya ulit ang nakahiga sa kama na akala niya ay si Ate Mimi pero nanlaki nalang ang ulo niya sa nakita.


Wala na ang paa dun. Pati na ang kumot kanina na parang may nakatalukbong talaga ay parang wala na ding laman. Basta nalang itong nakakalat sa kama.


Sa takot ay dali daling nagtatatakbo pababa ng hagdan si Justin pero mas lalo lang atang nanlaki ang ulo niya nung makasalubong si Ate Mimi na papanhik na rin ng hagdan nung mga oras na yun.


"Ate Mimi! Ate Mimi! Huwag kang papanhik! Huwag!" Nagsisisigaw daw nun si Justin habang pinipigilan si Ate Mimi kaya niyakap nalang niya ito at hinila sa sala. Pinakalma at mayamaya pa ay tinanong na niya ito. Alam na ni Ate Mimi nun ang sasabihin ni Justin dahil maging siya man ay may naririnig na naglalakad at kung minsan ay ang pares ng paa talaga ang nakikita niyang naglalakad kaya naman pinatahan nalang niya ito.


Hanggang ngayon ay naririnig at nakikita pa din daw ni Ate Mimi ang pares ng paa na nakita ni Justin nung hapong yun. Kung ano ang kwento at kung bakit andoon ang pares ng paang yun ay hindi niya alam. At wala daw siyang balak na alamin pa.



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon