Kadoble
@Mayerin2324's POV
Hi po! May Villanueva nga po pala. Mavi nalang po. Gusto ko lang po mag share. So, here it goes:
November 15, Sunday, nagkaroon ng stage play ang pinsan ko so sinamahan siya ni Mama dahil grade 4 palang po ang pinsan ko. E may kalayuan din kasi yung school na paggaganapan kaya naman ako, yung kuya ko na tawagin nalang nating Melo at yung isa ko pang pinsan na tawagin nalang nating Ateng, kami nalang ang naiwan sa bahay that time.
Mga bandang 4 ng hapon, nasa sala kaming tatlo, nanonood ng isang movie. Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang sinabi ni Kuya Melo na nagugutom daw siya at dahil oras narin naman ng merienda, lumabas si Ateng para bumili ng tinapay. Ako naman pumasok sa kwarto dahil medyo sumasakit ang ulo ko at parang gusto kong matulog muna.
Maya maya, may nagbukas na ng gate. Sa hinuha ko, si Ateng yun dahil tinawag ako ni Kuya na mag merienda na at dahil sumasakit ang ulo ko, hindi ako sumagot sa pag tawag niya. Tumayo lang ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Nang makita ako ni Kuya at ni Ateng, nagulat sila. Tinanong ko sila kung bakit ganon ang reaksyon nila pagkakita sa'kin. Tinanong ako ni Kuya kung galing daw ba ako sa kwarto. Sinagot ko siya ng oo tapos tinanong naman ako ni Ateng na kung galing daw ba talaga ako sa kwarto. Yung totoo daw kasi bakit daw yung sumagot sa kanila e boses na galing sa kusina tapos tinanong ko sila kung panong sinagot. Sabi ni Kuya, "Diba tinatawag kita kanina para mag merienda? May sumagot na oo galing sa kusina." Akala din daw ni Kuya na nasa labahan ako at naglalaba dahil magkarugtong lang naman ang kusina pati yung pinaglalabhan sa bahay namin. Sabi ko sa kanila, hindi ako sumagot kanina nung tinatawag nila ako kahit naririnig ko naman sila. Kaya nila ako tinatanong na dalawa dahil narinig din daw yun ni Ateng. Nagkibit balikat nalang ako nun. Tinakot pa ako ni kuya nun at tinawanan ko lang siya pero sa totoo lang, kinilabutan din ako nung mga oras na yun.
November 20, Friday. May pasok po ako nun. Ang school namin is maliit lang pero kahit maliit lang, madami namang nag-aaral. Dahil sa dami ng nag-aaral, nagkaroon ng hanggang 3rd shift at dahil grade 10 na ako, pang 3rd shift ako. Ang start po ng klase namin is 3:20 up to 8:05 pm pero nung araw na yun, nag-aya si Kuya Melo na pumunta sa tiangge sa bayan at dahil gabi na nga ako uuwi galing klase at baka iwan nila ako so, naisip ko nalang na um-absent muna. Bandang 6 ng hapon nang umalis kami at pumunta sa tiangge. Nakauwi naman kami ng maayos. Dumating ang araw ng lunes, Nov. 23. Pumunta na ako sa school. Nakatambay lang ako sa tambayan namin malapit sa room namin kasama ang mga kaibigan ko. Dumating ang isa ko pang kaibigan na pangalanan nating Ella. Tinanong niya ako kung may assignment daw ba ako dahil nakalimutan niya daw gumawa. Sabi ko sa kanya na absent ako nung friday. Nagulat siya, sabi niya, "Anong absent? Eh nakita kita papaakyat ng hagdan papuntang room. Tinatawag nga kita pero hindi mo ako pinapansin. Nakayuko ka lang at nakahawak ka lang sa bag mo." Sabi niya pa na sigurado daw siya na friday yun dahil nakasuot ako ng jogging pants at naka itim na t-shirt pero naka tsinelas lang daw ako. Then naalala ko na yun yung suot ko nang pumunta kami sa tiangge. Sinabihan niya ako na mag-ingat dahil may gumagaya sa akin tapos yung bestfriend ko naman na lagi kong kasabay sa jeep e nakasabay ako pero tahimik lang daw ako hanggang bumaba daw ako ng jeep. Hindi manlang daw ako nag paalam. E lagi naman daw akong nagpapaalam sa kanya bago bumaba ng jeep. Tanong ko lang po, masamang pangitain po ba iyan? Sana po masagot niyo ako. Maraming salamat po.
_END_
![](https://img.wattpad.com/cover/41373494-288-k847141.jpg)
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
TerrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!