TRUE STORY #10 (from: @NotOhSoGirl)

4.3K 115 0
                                    

Baby Zac


@NotOhSoGirl's POV


Ang kwentong ito ay tungkol sa 1 year old at 11 months na ngayong pamangkin ko na itago nalang natin sa pangalang Baby Zac. Anak siya ng Ate ko na itago nalang natin sa pangalang Karmela.


Simula nung ipanganak si Baby Zac, lagi na siyang umiiyak tuwing madaling araw. Hindi naman namin alam kong anong nararamdaman niya tuwing madaling araw kung bakit ganun nalang siya kung maka-iyak. Hindi naman siya gutom dahil hindi niya tinatanggap ang dede ng Mama niya tuwing umiiyak siya. Hindi din naman siya naiinitan dahil airconditioned ang kwarto nila. Kaya naisip namin na baka may masakit lang sa kanya pero ang nakakapagtaka, bakit tuwing madaling araw?


Patuloy lang na ganun si Zac hanggang sa sumapit ang 1st birthday niya.


Madaling araw na nun. Mga 3AM. Abala pa sila Ate Karmela nun sa kusina samantalang ako naman, paakyat na sa kwarto ko para matulog. Kakatapos ko lang din kasing magluto ng mga desserts na kailangang palamigin para bukas sa birthday ni Baby Zac. E hindi ko na kaya nun ang antok kaya na-una na akong magpaalam para matulog. Si Baby Zac naman, nasa kwarto ni Ate Karmela at natutulog din.


Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong nahiga at mabilis akong nilamon ng antok. Sarap na sarap na sana ang tulog ko nun nang bigla nalang akong makarinig ng iyak ng sanggol at kilalang kilala ko ang iyak na yun, kay Baby Zac. Agad akong napabalikwas ng bangon pero nanlaki nalang ang mga mata ko sa nakita ko sa harap ng kabinet na nasa room ko. Isang naka-itim na babae. Napakahaba ng buhok at may karga kargang batang umiiyak. Hindi ko ma-aninag ang mukha ng bata pero alam kong si Baby Zac yun dahil kilala ko ang iyak niya.


Sa takot ko na baka kung anong mangyari sa pamangkin ko ay agad akong napatakbo patungo sa kwarto nila at doon ko nakita si Baby Zac, nakasubsob na ang ulo niya sa kutson at nahihirapan ng huminga. Agad ko siyang kinuha at itinakbo sa kusina. Doon na na-alarma si Ate Karmela nang makitang nagvaviolet si Baby Zac pero salamat nalang sa isang pinsan naming nurse na marunong sa mga babies kaya agad naman na naging maayos si Baby Zac after a minute. Pagkatapos nga ng nangyaring yun at makatulog na ulit si Baby Zac ay tinanong ako ni Ate Karmela at sinabi ko sa kanya lahat ng nakita ko. Kaya naman pagkatapos ng birthday ni Baby Zac ay napagpasyahan naming ipaalbularyo siya. Doon na namin nalaman ang lahat.


May itim na engkanto na nakatira sa bahay ang gustong kumuha kay Baby Zac. Minsan na din daw na nawalan ng baby ang engkanto kaya desidido daw itong kunin si Baby Zac sa amin bilang kapalit sa nawala niyang baby. Tapos nung gabing nakita ko daw ang babae na may kargang bata, hindi daw si Baby Zac yung karga ng babae. Yun daw sana ang ipapalit ng babae sa kaluluwa ni Baby Zac kung nagkataon na hindi ko naabutan si Baby Zac nun sa kwarto niya na nakasubsob ang mukha sa kutson. Kaya naman daw ay palagi naming babantayan si Baby Zac hanggang sa lumaki siya. Payo din ng albularyo na pabinyagan ulit si Baby Zac at ipa-esenso ang bahay namin.


Sa ngayon, maayos na si Baby Zac. May mga madaling araw pa din na bigla siyang umiiyak pero hindi na kagaya noon na kada madaling araw nalang. Madalang nalang ngayon.



_END_

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon