Manghilang
@lavskitapink's POV
Ang kwento na 'to ay nangyari sa late Lola Nancy ko.
May gumagala noon sa lugar nila Lola Nancy na isang engkanto. Ang tawag nila sa engkantong yun ay 'Manghilang'. Engkanto na nagdadala ng sakit. Mapanlinlang ang engkantong ito dahil kakatok siya sa pintuan mo at magpapanggap na kapamilya mo o kokopyahin niya ang boses ng isa sa mga kakilala mo at kapag binuksan mo, sa susunod na araw ay magkakasakit ka.
Isang gabi nun, mga alas dose na nang gabi, namamalantsa si Lola Nancy gamit ang de uling niyang plantsa nang may biglang kumatok sa pintuan nila. Isang katok yun kaya akala ni Lola Nancy, bato lang yun o ano na tumama sa pintuan nila pero sinundan ang katok na iyon ng isa pang katok na sinabayan na ng pagtawag ng pangalan ni Lola Nancy. Medyo hindi niya nun marinig ang boses na tumatawag sa pangalan niya kaya hinintay niya pa ang isang katok na nangyari naman at this time, malakas na ang boses na tumawag kay Lola. Kaboses yun ng Papa niya which is my late late grandfather. Kaya naman sinagot na ito ni Lola Nancy.
"Halat muna Pay!" Bicol iyon ng 'Sandali lang po Pay'.
Pagkatapos nun ay dali dali niyang iniwan ang pinamalantsa niya at pinagbuksan ang akala niya ay Papa niya pero wala siyang tao na nakita doon. Kinabukasan nun ay tinanong niya ang Papa niya na nagawi sa bahay nila kung kumatok ba ito kagabi. Ang sagot ng Papa niya, hindi daw dahil alas sais palang ay tulog na sila.
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay halos isang buwan na nagkasakit si Lola Nancy. Kung hindi pa siya pinatawas ay hindi siya gagaling. Doon nga nila nalaman na Manghilang ang napagbuksan niya nung gabing may kumatok sa pintuan nila.
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorreurIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!