@RuruNakamoto's POV
Ligaw
12 years old po kami nang mangyari ito. Year 2014, month of February po. Hindi ko na po alam kung ano yung exact date.
Nakatira po kami sa Japan noon at naisipan ni Papa na tumira kami sa Philippines noong 12 years old kami ni Hiden, twin brother ko. Nauna sila Hiden at Papa noon na pumunta ng Pilipinas at natira pa ako sa Japan noon. Kaya lahat ng ikwekwento ko ay kwento lang saakin ni Nanay. Si Nanay yung hinire ni Papa na maging katulong at parang kasakasama nadin nila ni Hiden.
The story goes like this.
Nung 1-4 months palang nila Papa sa Philippines, okay pa naman daw sabi saakin ni Nanay. Not until noong may isang hapon kung saan nakaramdam ng iba si Nanay sa loob ng bahay.
Nanunuod daw ng TV si Nanay noon nang makita niya na naglalaro mag-isa si V, aso ni Hiden. Takbo daw ng takbo ito sa loob ng bahay na parang may kalaro. Inisip ni Nanay na baka daw naglalaro lang si V mag-isa dahil nadin nasa kwarto si Hiden noon. Takbo lang daw ng takbo si V hanggang sa mapadaan ito sa harap ni Nanay kung saan nakaramdam siya ng malamig na hangin na dumaan sa harapan niya kasabay ni V. Inisip niya nalang na siguro bigla lang lumakas ang aircon o may sira kaya lang naalala niya, sa iba pala nakatutok ang aircon at hindi sa kanya. Kinilabutan na si Nanay noon at narinig niya si V na umuungol. Yung ungol ng isang aso kapag nakakita ng hindi niya kilala o kakaiba. Pumunta si Nanay sa Entertainment Room at tama nga ang hinala niya na doon galing ang ungol at nakita niya doon si V na may tinatahulan. Tinawag na ni Nanay si V para umalis na sa ER pero nakakita siya ng usok na parang tao ang hugis. Hindi niya nalang ito pinansin at inisip na baka guni guni niya lang yun.
Lumipas na ang tatlong oras at kakain narin ng dinner pero di padin daw lumalabas si Hiden sa kwarto nito. Ako na nasa Japan ay nagtaka narin kung bakit niya ako hindi tinatawagan noon dahil yun ang oras ng pagtawag ni Hiden saakin. Dahil sa pag-aalala narin ng mga kasama namin sa bahay, pinuntahan na ng isa pa naming katulong si Hiden sa kwarto nito kahit na ayaw na ayaw ni Hiden na may pumapasok na ibang tao sa kwarto niya. Pumasok daw si Ate at nakita niya na natutulog si Hiden. Ginigising daw ito ni Ate pero hindi daw magising. Dahil sa takot, tinawag niya na sila Nanay. May kiliti sa paa ang twin ko at ito ang number one na nagpapagising sa kanya kaya ginawa nga yon ni Nanay pero hindi padin daw nagigising si Hiden.
Saktong dumating noon galing Manila si Papa and nakita ni Papa sila Nanay sa loob ng kwarto ni Hiden. Before pa magalit si Papa kila Nanay noon, sinabi na ni Nanay lahat ng nangyayari kay Papa. Nag-alala si Papa at tinawagan ang kaibigan niyang doktor. Agad naman dumating si Tito na siyang family doctor namin at pumunta agad sa kwarto ni Hiden pero nang hahawakan niya na daw ito, bigla nalang daw itong nagising agad. Humihingal daw ito. Sinabi ni Tito na baka daw sobrang himbing lang ng tulog ni Hiden kaya hindi nagigising. Okay na ang lahat at nakahinga na sila ng maluwag maliban kay Nanay na hindi naniniwala sa sinabi ni Tito.
After two days, nangyari nanaman ang hindi pagkakagising ni Hiden and after two days ulit, nangyari nanaman ito ngunit naisipan ni Nanay na i-record na ang lahat ng nangyayari sa twin brother ko. 4:00 PM daw pumunta sa room si Hiden at lumalabas ng mga 7:30. Napaisip si Nanay na bakit palaging ganun ang duration ng oras kung saan hindi nagigising si Hiden. Makalipas ang 2 araw ay palaging ganun.
Isang araw, hindi na daw mapakali si Nanay nun dahil nangyari na naman iyon kay Hiden kaya sinabi na daw ni Nanay lahat ng nangyayari kay Papa kaya naalarma nadin daw si Papa at sinabi kay Nanay na nung isang araw, habang nakatayo daw si Hiden, imbis na isa lang anino niya, dalawa daw ang nakita ni Papa . Nirecommend na ni Nanay na kung pwede ipa-albularyo si Hiden. Nung una, ayaw pa ni Papa dahil baka kung anong gawin kay Hiden pero pumayag na din ito.
Ipinunta nga si Hiden sa albularyo at doon nalaman na meron daw babaeng sumusunod kay Hiden. Kaluluwang ligaw daw. Nagkagusto daw ito kay Hiden at ayun, sinundan niya na ang twin brother ko. Paano nalutas yun? Marami daw naging paraan pero di na sinabi saakin ni Nanay. Yung mga nagpakita kay V at kay Nanay, sigurado daw na yun yung babaeng nagkagusto kay Hiden. Hindi na ulit nangyari yun simula ng maipunta sa albularyo si Hiden.
Ito naman, side story ito sa nangyari kay Hiden.
Naikwento saakin ni Hiden na 2 days before mangyari yun, may pinuntahan daw silang parang bundok with his friend. Nagsimula daw silang maggala sa bundok ng 4:00 at nakauwi na ng 7:30. Sinadya daw nilang magpagabi.
May kaibigan si Hiden, si R. Siya yung kasama ng twin brother ko na pumunta sa bundok. Kinwento niya saakin na hindi daw maganda ang pakiramdam niya nang bumababa sila ng bundok. Feeling niya may nakasunod sa kanila. Tapos habang kumakain din daw sila sa tent, may parang hugis taong usok na katabi daw si Hiden at nakaakbay pa sa kanya. Hindi lang yun. Habang tulog na ang lahat maliban kay R, may nakita siyang anino na papunta kay Hiden. Bigla nalang din daw itong nawala at nakatulog nadin siya. Ang mga karanasang ito ay kinimkim niya hanggang sa matapos ang camping nila. Ganitong ganito din ang mga naramdaman ni Hiden pwera lang sa doon sa pagtulog. Nanaginip daw siya noon na may babaeng tumabi sa kanya. Kinabukasan umuwi na silang lahat at 2 days after nun, palagi na siyang inaantok at nanghihina ng 4:00 ng hapon at nagigising ng saktong 7:30. Ang palagi niya daw panaginip tuwing nararamdaman niya yun ay may nakilala silang babae sa bundok at kung bakit daw siya humuhingal tuwing nagigising siya? Hinahabol daw siya nung babae. Ipinaalbularyo siya at may mga ginawa sila at sa kanya para lubayan na daw siya nung babaeng nainlove sa kanya hanggang sa nawala na.
Nakarating ako ng Pilipinas after two months ng magamot ang twin ko at ninais ko na iinvestigate kung ano nga ang nangyari kay Hiden. Nagtanong tanong kami sa mga tao doon kung ano nga ba ang nangyari sa bundok na yun para mangyari yun sa twin ko. May nagkwento saamin na Lolo.
"Noon kasi, taong 2008, yung pamangkin ko pumunta sa bundok na iyon para kitain ang jowa niya. Mga 4:00 siya pumunta doon at hindi na namin nakitang bumaba. Sa pag-aakalang hindi lang namin napansin ang pagbaba niya sa bundok na iyon na kasama na ang jowa niya na mamasyal, napanatag kami at hindi na siya hinanap. Ngunit sobrang gabi na pero hindi padin umuuwi kaya nag-alala na ang mga magulang niya. Hinanap na namin siya ng dalawang araw at ng 7:30 kinagabihan ng kinabukasan, nakita namin ang bangkay niya sa gubat sa bundok. Ginahasa siya at pinatay. Akala namin noon, ang jowa niya ang may gawa nun pero hindi. Hindi pala nakasipot nun sa tagpuan ang jowa niya dahil na-aksidente ito. Hanggang ngayon, hindi pa namin alam kung sino nga ba talaga ang gumahasa sa kanya. Patawad sa ginawa niya. Siguro, andun padin siya at inaantay ang kasintahan niya na dumating. Sa katunayan nga niyan, hindi lang ang kapatid mo ang sinundan niya. Marami nang lalake. Siguro napagkakamalan niya yung mga lalakeng umaakyat sa bundok na kasintahan niya kaya sinusundan niya ito."
_END_
![](https://img.wattpad.com/cover/41373494-288-k847141.jpg)
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!