TRUE STORY #19 (from: @happylittlebee)

3.4K 107 18
                                    

Huwarang Estudyante


@happylittlebee's POV


Nangyari ito nung college ako. Kinuwento lang sa'kin nung mga nakakita.


Meron kasing estudyante, babae siya. Hindi ko na sasabihin ang pangalan dahil sikat siya at baka hindi pa matahimik. Sobrang sipag mag-aral niya. Gustong gusto talaga niyang makagraduate dahil gusto na daw niyang makahanap ng trabaho at makatulong sa Mama niya pero nagkasakit siya 1 week or 2 weeks before the graduation kaya hindi siya nakasali sa mga gagraduate pero nakapasa naman siya.


After ilang months nun, mga May, enrollment na naman para sa pasukan. Ang frontliner nun ay yung mga kakilala kong 4th year college students na sila Ate Cath, Ate Irma at Tita Grace na ka-officemate ni Mommy. Doon din kasi nagtatrabaho ang Mommy ko sa school kung saan ako nag-aaral. Lumapit daw sa kanila yung masipag na estudyante na hindi nakapagmartsa at naggood morning sa kanila kaya binati din nila ito sabay tinanong nila yung estudyante.


"Bakit hindi ka naka-attend ng graduation mo?" Ate Cath


"Oo nga. Sayang, hindi ka nakapagmartsa." Ate Irma


"Once in a blue moon lang mangyari yun tapos hindi ka pa naka-attend. Sayang talaga." Tita Grace. Sumagot naman daw yung estudyante.


"Oo nga Ma'am e. Pero gusto ko lang po sanang tignan ang diploma ko ngayon."


Hindi daw msyadong marinig nila Tita Grace ang sinabi nung estudyante dahil para dawng nasa hukay ang boses nito pero narinig daw nila ang salitang diploma kaya naintindihan na din nila na baka gusto nitong kunin ang diploma.


"Kay Ma'am Jo sa registrar mo nalang hingin. Siya ang in-charge ngayon doon." Sagot naman ni Ate Irma. Pero parang hindi daw iyon narinig ng estudyante kaya inulit niya pero tinignan lang daw siya nito kaya tumayo na si Ate Irma.


"Tara, samahan na kita." Ate Irma


Sabay daw sila na nagpunta nun sa registrar.


Hindi naibigay nun ang diploma kasi may balance pa sa school ang estudyante pero umiling daw ito.


"Gusto ko lang po makita ang diploma ko."


Hindi naman daw ipinagkait ng in-charge sa registrar na makita ng estudyante ang diploma niya kaya tuwang tuwa daw ito habang hinahaplos ang diploma. Umiiyak pa nga daw ito habang ibinabalik ang diploma sa in-charge sa registrar.


"Salamat po." Masaya dawng banggit ng estudyante pagkatapos ay sabay ulit silang naglakad ni Ate Irma patungo sa frontline kung saan frontliner si Ate Irma at bago daw makaalis ang estudyante ay pinuna ito ni Ate Cath.


"May sakit ka pa ata. Namumutla ka pa e. Pacheck up ka ulit ha?" Tumango lang daw ang estudyante at naglakad na palabas ng school.


After 1 week, pumunta yung nanay ng estudyante, binayaran yung kulang sa tuition. Nagkataon nun na si Tita Grace at Ate Cath ang nasa cashier at ikinuwento nila sa ginang ang nangyari.


"Ma'am bakit di niyo po kasama yung anak niyo? Excited pa naman yung makuha ang diploma niya. Pumunta nga yun dito nung nakaraang linggo para lang tignan ang diploma niya e." Tita Grace.


Naghintay daw nun ng sagot si Tita Grace at Ate Cath pero para dawng nawalan ng dila ang ina ng estudyante. Biglang bigla daw ang mukha nito.


"Po? Sino pong pumunta?" Tanong daw nito na hindi makapaniwala.


"Yung anak niyo po. Nagpunta po dito nung isang linggo para lang tignan ang diploma niya." Ulit daw ni Tita Grace pero nanlamig nalang siya dahil sa naging sagot ng ina ng estudyante.


"Pano po mangyayari yun? E namatay po siya sa mismong araw ng graduation nila. Kaya nga po di na nakapagmartsa." Mangiyak ngiyak daw na sabi ng ina ng estudyante.


Parang nanlaki daw ang ulo nun nila Tita Grace at Ate Cath. Di sila makapaniwala na bumalik yung estudyante para lang makita ang diploma niya. At doon lang din nila napagtagpi tagpi ang napansin nila sa estudyante na sobrang putla nito at parang nasa hukay pa ang boses dahil patay na pala ito. Pero at the same time ay humanga sila sa estudyante. Tunay na huwaran ito.


R.I.P sa estudyante na hindi na binigay ni sender ang pangalan.



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon