Chapter 1
I'm an early person kaya maaga akong nagising, sanay na ako dahil lagi akong nag jogging tuwing umaga pagwalang pasok, kaya humiwalay na ako sa higaan ko.
Napatingin ako sa buong kwarto ko mataas ang ceiling at may chandelier, maluwag at puno ng mga mamahaling gamit. Nasanay na rin ako sa ganitong uri ng pamumuhay yung binibigay sayo lahat ng gusto mo at spoiled.
Tama na muna ang drama at bumalik na tayo sa pagiging masayahin kaya, Annyeong! Ako nga pala si Stephanie Nicole at Fourth year high school, nagaaral sa sarili kong paaralan at isang masayahing tao.
Naghanda na ako para sa pagpasok pero excited na ako kahit mabubully na naman ako. Dapat ay aalisin na nina Dad and Mom yung mga nangbubully sa akin kaya lang hindi ko sila hinayaan.
Pumunta ako sa isang kwarto sa loob ng kwarto ko isa itong Library. Mahilig akong magbasa at puno na itong library ko. Kumuha ako ng isang babasahin.
Bumaba na ako at nadatnan ko yung pamilya ko na kumakain kaya sumabay na rin ako, meet my Family!!
Meet Kuya Bryan, god ang kuya ko, sya yung typical na playboy kaya mag ingat kayo sa kanya. Pero mabait si Kuya, over protective sa akin kaya lang sya naging playboy dahil sa EX nya. Kapag nag dadala sya ng babae dito sa bahay laging tinataboy ni Ate.
Meet Ate Clarisse, maingay na babae. Kahit mas matanda sya sa akin ng ilang taon wala pa rin syang boyfriend. Malakas ang boses at sadista kaya yung mga dinadala ni Kuya na babae ay sinusuntok niya at nagpapasalamat ako kay Ate.
Mamaya ko na lang ipapakilala sa inyo ang buo kong pamilya dahil tinatawag na ako para kumain.
As usual yung favorite ko yung isa sa inihanda ang BACON! Meron pang ibang inihanda pero yun lang yung kinakain ko.
Natapos na akong kumain at tumaas muna ako sa room ko. Binuksan ko yung isa pang pinto at pumasok. Napangiti naman ako, ito ang S Room ko it means Secret Room wala pang nakakapasok dito dahil ayaw ko.
Porket nerd hindi na mahilig sa ibang bagay? Sa totoo lang hindi naman talaga ako nerd eh , sa school lang. Kapag papunta sa mall or kung saan or dito sa bahay, pang normal naman yung suot ko. Etong room na to ay room na puno ng K-POP. Albums ng Idols ko at kung ano pa. Mga posters and picture.
At ang aking pinaka sekreto ko ay itong pagkain na'to hindi alam nina Ate or Kuya, Dad or Mom either Baby. Lagi kong tinatakas tong pagkain na ito, meet my Ramen/Ramyeon! Tuwing Monday lagi akong bumibili. Healthy naman ako kahit kumakain ako nito kaya no problem.
At School
As expected, bulung bulungan ang nadatnan ko. Naglalakad na kasi ako ngayon dito sa papasok sa school.
"Bestie!" biglang kumapit sa akin si Ayah. Siya ang aking Nerdy Bestie, mayaman rin siya at may kapatid sya. Sabi ni Ayah, crush daw ni Kurt yung kapatid nya ako, well hindi naman ako naniniwala eh.
"Musta bestie?" tanong ko sa kanya. Ilang araw ko na rin sya hindi nakikita kaya namiss ko sya, sya lang kasi ang bestfriend ko eh.
"Okay lang naman. Balita ko may isa daw na lumipat dito sa school natin. Balita ko diba bawal na magpalipat dito sa school, weird talaga ng mang ari ng school nito. Kaya nga school diba pinapasukan?" sabi nya.
"Ah hehe-o-oo nga" sabi ko. Nakakakaba naman, medyo mean yung pagka sabi nya. Hindi ko kasi sinasabi sa kanya dahil alam mo na baka magiba ang tingin nya sa akin. Biglang nag tilian yung mga babae.
Why is he so hot?
Omo akin na lang sya.
Hindi, akin.
Akin sabi .!
Sino ba yun kung sino man sya, sino ba sya para magtilian ang mga babae?
"Oh, bestie ano bayan tulala? Tara hindi mo pa nga nakikita si transferee tulala agad?" sabi nya. Nung mag lalakad na kami biglang nag-ring ang bell, kaya di na namin nakita.
That means pag 3 minutes wala ka pa sa room mo, di ka na papapasukin. Kaya tumakbo na kami malayo layo rin yun eh. Sabay kami ni Ayah kasi magka section naman kami.
Sa pinaka dulo ako umupo may dalawang bakante at dun ako umupo sa isang upuan sa tabi ng bintana. Biglang dumating na si Ma'am.
Si Mrs. Loren ang pinakasikat na guro sa buong school, dahil strict sya. Kaya kung late ka wag ka nang pa pasok dahil hindi ka rin pa papasukin. Mas mabuti pang wag ka ng pumasok.
Pero may biglang pumasok sa room. Pero bakit deadma lang si Ma'am? Ah, alam ko na kung bakit, gwapo. May kalandian rin yang Ma'am namin eh, pero umupo siya sa tabi ko.
Biglang nagsalita si Ma'am magpakilala raw kami. Sa likod ang simula, kaya pinakahuli ako sa likod. Umuna na yung mga kaklase ko hanggang yung katabi ko na.
"Uhm guys. I'm Nicolo James Tan." biglang nag tilian yung mga babae. Yung mga lalaki naman naiinis. Mukhang ang mga girlfriend ata nila ay nakikitili na rin, pero Tan?!
Kung ganun, isa sya sa mga mayayaman na pamilya. Kung No.1 yung family namin yung kanila No. 2. Turn ko na sinabi ko na ang dapat kong sabihin. Pabalik na ako sa chair ko ng may tumakid sa akin.
Tumayo ako dahil nagtatawanan na ang mga kaklase ko.Pati ang Bestfriend ko tumatawa rin, pati yung katabi ko.
And that how he and me met.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.
Teen Fiction08|06|16 #21 Teen Fiction Stephanie Nicole Prada ay isa sa mga bottom of the school social class, in short isa sya sa mga nerd. Pero katulad nung ibang nerds, naloko din. Lumabas yung monster na loob looban nya, at katulad ng ibang nerds dyan na nab...