We're currently here at Incheon Airport and waiting for our private jet para ihatid kami papunta sa Pilipinas.
Dumaretso kami sa bahay ko, pinagawa ito dati nina Dad at hindi nila sinasabi sa akin. Pupunta ako sa dati namin na bahay para kuhanin ang iba kong gamit. Malapit 'to sa school ko at pinakamalaking bahay dito sa buong subdivision.
"Woah, and laki naman nito." manghang sabi ni Kayla.
"Oo nga, iba na talaga pag mayaman." sabi naman ni Gail.
Pumasok na kami sa bahay at nagpaluto na lang ako ng pagkain sa mga katulong dun. Pumunta ako sa kwarto ko at ibinaba ang maleta ko.
Maya maya ay bumaba na rin ako at nakita ko silang kumakain, nagkukulitan. Nung pumasok ako sa kusina napatingin silang lahat sa akin. "Pupunta tayo sa isa naming bahay para kuhanin yung iba kong gamit." kumain muna kami at naghanda para sa pagalis.
Binigyan ko sila ng kotse nung isang araw at ngayon ko na yun ibinigay sa kanila. Ferrari ang ibinigay ko at iba iba sila ng kulay. Mine's purple, Kayla's Blue, Gail's yellow and Ann's red.
Nung nasa subdivision na namin kami, isa to sa pagmamayari namin at dito ko naranasan ang lahat. Dito nakatira sina Ayah and Nicolo, that trashes.
Nung nasa malaking gate na kami ng subdivision, biglang may tumigil sa amin. Isang guard.
"Ma'am may lisensya po ba kayo or I.D para makapasok po kayo." magalang na sabi nung guard and ibinigay ko naman sa kanya yung I.D ko. Bigla na lang siyang namutla nung nakita nya yung I.D ko. "Ma'am sorry po, sana po hindi nyo ako alisin sa trabaho." pagso-sorry nya.
"It's okay, the three cars behind me is my friends so let them in." I said. Humarurot na lang ako at hindi na hinintay ang tatlo dumaretso na ako sa bahay namin. Maya maya dumating na rin sila at bumaba sa kani-kanilang kotse at pumunta papunta sa pwesto ko.
"Princess buti hindi mo inalis sa trabaho yung guard." Ann.
"Naawa." maikling sagot ko.
"Waah bahay mo to?" tanong muli ni Kayla.
Hindi ko sinagot si Kayla at pumasok na lamang sa bahay. Dumaretso ako sa S Room ko at may kinuha.
Nicolo
It's been 2 months since Stephanie disappeared. Nam-miss ko na sya, sobra. Hindi ko talaga alam kung ano ang nagawa ko pero ang alam ko niloko ako ni Ayah.
It's been one month and hindi na nagpakita si Stephanie. Hindi na sya bumabalik sa school and wala na rin akong balita tungkol sa kanya.
And as usual pupunta na naman ako sa rooftop para hintayin si Stephanie. Nalaman ko na nakita pala kami ni Stephanie sa rooftop that time and I tried to find her.
"Greg, baby paano ko sasabihin kay Nicolo na ginagamit ko lang sya para gantihan si Stephanie?" tanong ni AYAH?! Nakita ko si Ayah at si Greg, my best friend for 5 years.
"Makipag break ka na lang sa kanya tutal ako naman yung mahal mo diba?" sabi naman ni Greg at duon na pumatak ang luha ko pero may nararamdaman akong kakaiba, kalayaan.
Siguro nga madali talagang dumating ang karma, pasensya na Stephanie pinagsisisihan ko na na iniwan kita. At niloko.
Nagyaya and buo kong barkada na mag basketball at nagsimula na akong maghanda. Kinda excited dahil dadaan na naman ako sa bahay ni Stephanie. Lagi kong nadadaanan and bahay ni Stephanie at laging tumatambay sa tapat ng bahay nila. Kapag papasok ako or kapag uuwi galing kung saan.
As usual wala na namang tao sa bahay nila. Sarado ang ilaw at wala akong makita kahit anong nilalang sa loob noon.
Natapos ang laro namin at napadaan ako sa bahay ni Stephanie ulit, nagulat ako dahil may apat na ferrari and naka-park duon. Lumapit ako sa bahay nila at may nakita akong 3 babaeng lumabas galing ruon.
"Excuse me, can I ask if you girls know Stephanie?" tanong ko sa kanila.
"Oo, si princess bakit mo natanong Mr. Pogi?" sabi nung isa.
"Nicolo is my name. How are you related to her?"
"Di mo ba kami kilala? Galing kami sa Korea at isa kaming gang." sagot naman nung babae. Gang?
"Can I ask you where is Stephanie?"
"Nasa taas sya--"
"Girls let's go. Who are you guys talking to?" nagulat ako. Matagal ko na syang hinihintay at nandito na sya sa harapan ko.
"Stephanie!" tawag ko sa kanya.
Nung nakita nya ako, nagulat sya ng ilang segundo pero bumalik na rin sa blankong expression. Nag iba na siya, nakita ko na syang maganda nuon pero hindi ganito.
Kung gangster sila, kilala kaya nila kami? Isa rin akong gangster nuon hanggang ngayon. Humiwalay muna ako sa kanila nuon pero na hanap pa rin ako ng mga gago at sila yung kalaro ko kanina ng basketball. Nakatira kami sa isang mansion at nagpakita simula nung nakita ko si Greg at si Ayah.
"Kayla Mendez pala." sabi nung kausap ko kanina, sabay sakay sa kotse nya.
"Gail Gil at your cutie service."
"Ann San Victores, cutie rin ako." saka sila umalis.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.
Teen Fiction08|06|16 #21 Teen Fiction Stephanie Nicole Prada ay isa sa mga bottom of the school social class, in short isa sya sa mga nerd. Pero katulad nung ibang nerds, naloko din. Lumabas yung monster na loob looban nya, at katulad ng ibang nerds dyan na nab...