[18] Black Demon Gang met Skilled Demotic Girls

11.8K 258 2
                                    

~Stephanie~

Nandito kami sa bahay at bored na bored kaming lahat. Nakakain na kami at nakaligo na rin, pero maya maya nagyaya si Kayla lumabas.

Pupunta daw kami sa isang convinience store at may bibilhin. Sumama na rin ako dahil maiiwan lang rin ako sa bahay magisa. Nagsuot ako ng isang hoodie dahil mamaya baka may makakilala sa amin.

~

Bumili kami ng mga pagkain at nagmeet sa may isang table sa loob ng convinience store. Maya maya dumating na rin sila Gail.

"Spin the bottle tayo, kung sino ang matatapatan ng takip sya ang magbabayad, hindi galing sa sarili nilang pera pero hihingi ka sa ibang tao, game?" pakulo ni Ann.

"Game." sagot nina Gail at Kayla ako tumango na lamang.

Pinaikot na ni Ann ang bote at tumigil eto sa harapan ko. Bigla akong nainis, ako pa talga ang kakausap sa ibang tao?

"Wah Princess, kita mo yung apat na lalaki sa labas netong store? Hingian mo sila ng pera." paguutos sa akin ni Ann. Tiningnan ko sya ng masama at nanahimik naman sya.

~

Nung nakalapit ako sa mga lalaki, lahat sila nakahood. HIndi ko man lang makita yung mukha nila. Nung nakalapit ako nakita ko yung dalawang lalaki na nagkukulitan at dalawa naman na tahimik na kumakain.

"Can you give me some money?" nung nagsalita ako napatingin silang lahat sa akin. BIglang nangunot yung mga noo nila dahil hindi nila makita yung mukha ko.

"Why?" tanong nung isa.

"I forgot my money and I badly need some." hindi ko sinabi ang totoo baka isipin nila na pagnanakaw ako.

"Can you let us see your face?" tanong din nung isa. BIgla ulit akong nainis, bakit hindi na lang nila ako bigyan ng pera?

"But you guys let me see your faces too."

Ibababa ko na sana yung hood ko pero biglang humangin at biglang saby sabay na nalaglag ang hoodie ko at nung mga lalaking kausap ko.

Nagulat ako pero hindi ko pinahalata sina Nicolo pala to. Hindi ako nagpaepekto pero silang lahat mga nakabukas ang mata ng malaki at mga bibig nila.

"Give it." nung nagsalita ako dun naman sila natauhan at nagunaunahan na kumuha ng pera sa bulsa nila. Lahat sila ay nagbigay ng 100 pesos kaya kinuha kong lahat ng 100. Bale 4 na 100 ang nakuha ko.

Nung nakuha ko na yung nagsimula na akong maglakad papunta sa loob ng convinvience store at ibinigay yung pero sa kanilang tatlo.

~

Nung lumabas kami nakita ko yung apat na nasa labas. Napatingin silang apat sa akin kasama na sina Kayla. Bored ko naman silang tiningan,

"May hinihintay ba kayo?" tanong ko.

"Ahh, tatanungin ko lang sana kung ano yung name mo." sabi nung isa.

"Hindi ba nasabi sa inyo ng leader nyo?" napatingin naman silang tatlo kay Nicolo.

"Stephanie ang pangalan nya." sagot nya ng nakasimangot.

"Sino naman kayo?" tanong ko sa tatlo.

"Ako pala si Kent, sya si Renz at siya si Grey." sigaw ni Kent.

"Kayo ano ang pangalan nyo?" tanong ni Renz sa kagang ko.

"Tanong nyo ulit sa leader nyo." sabi ko at nagsimula ng umalis sa place na yun.

The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon