[36] Forgotten Birthday

7.5K 168 2
                                    


     Nagising ako ng maaga dahil may narinig akong alarm sa cellphone ko. As far as I remember, Sabado ngayon at hindi naman ako nagaalarm.

     Kinuha ko yun at nagulat ako sa nakita ko. 'Calendar; it's your birthday.' I-it's my birthday and I don't know.

     Tumayo ako sa higaan ko at lumabas. Maaga pa lamang it's only 5 in the morning and I'm planning to make all of them a breakfast.

     Bumaba ako at wala akong nadatnan dun, as usual wala pang gising. Usually 9 sila gumigising. Nagulat naman yung ibang kasambahay nung nakita ako.

     "Ma'am bakit po ang aga nyo?" tanong sa akin ng isang kasambahay, dahil birthday ko hindi ako magsusungit ngayong araw.

     "Birthday ko po ngayon kaya ipagluluto ko po silang lahat." nagulat naman sila. Binati nila ako at nagpasalamat naman ako.

     I decided na magluto ako ng pancake with staprawberry on top. At maya maya tapos na ako. Nagsalin ako ng milk sa 13 na baso at inihanda yun. Pinagising ko sa mga maid ang lahat at maya maya bumaba na rin silang lahat.

     Nagulat sila dahil ngayon lang naman kase ako nagluto ng umahagan. At nagulat sila dahil nakangiti ako. Naguguluhan sila, hindi ba nila alam na b-birthday ko?

     "This is so unusual my sister." pati ba naman si Kuya hindi alam na birthday ko?

     "Yeah, leader bakit ka nagluto?" even my gangmates.

     "Princess, thank you but why?" Pati ang mga pinsan ko at si Kurt. Ang BDG na lamang.

     "Thank you for this Stephanie, and happy birthday!!" sigaw ng buong Black Demon Gang. At least alam nila na birthday ko. Ngumiti ako sa kanilang apat.

     "It's my birthday that's why I cooked and you guys don't even know. Salamat pala BDG sa pagbati. Nawalan ako ng gana," sabi ko sabay tumayo ng may cold expression.

     Tumakbo ako papunta sa taas at pumasok sa kwarto ko. Pumunta ako sa pinakagilid ng kwarto at umiyak duon. Since that day It's the first time I cried.

~Nicolo~

     Maaga akong gumising at ginising ang mga gang mates ko. Umangal pa sila pero nung sinabi kong birthday ni Stephanie ngayon bumangon sila at nagtipon sa kwarto ko.

     "Huh? Birthday nya bakit hindi mo sinabi? Suitor nya ako suitor!" mukhang nasisiraan na ng ulong sigaw ni Kent. Maya maya nakarecover na sya.

     "Anong regalo ang ibibigay natin sa kanya?" tanong ni Kent. Napangisi ako at may inilabas na box. Binuksan ko yun at namangha naman sina Renz at Kent, as usual cold expression si Grey.

     Last week nagpapersonalized ako ng isang katana at 5 shurikens. May black lining eto at may pangalan na 'Princess.'

     Maya maya may maid na nagpatawag sa amin kaya bumaba kami. Bago nun dumaan muna kami sa room ni Stephanie at ibinaba yung regalo nya sa kama nya. Maya maya nadatnan namin si Stephanie na nakatapos lang na maghanda ng umagahan, napakunot yung noo ko dahil mga nagtatanong sila kung bakit hindi naghahanda si Stephanie ng umahagan. Hindi ba nila alam?

      "Thank you for this Stephanie, and happy birthday!" sigaw naming apat. Napangiti sya pero nawala yun ng tumingin sya sa kanila.

     "It's my birthday that's why I cooked and you guys don't even know. Salamat pala BDG sa pagbati. Nawalan ako ng gana,"sabi nya. Nalungkot naman ako dahil dun.

     Napatingin naman ako sa mga kasama ko sa dining room. Lahat sila nakatulala. Sobrang tahimik namin kahit lamok ay tumahimik na rin.

     "B-birthday nya? Fvck!" sigaw ni Kuya Bryan at tumakbo pataas. Sumunod na lang din silang lahat at kami ay nanatili.

     Nalulungkot ako para kay Stephanie pero sana kahit konti napasaya namin sya.

~Stephanie~

     Napatigil ako sa pagiyak nung may nakita akong box sa kama ko. Napangunot ako ng noo pero nawala yun ng may sulat sa nakalagay sa box. 'Happy Birthday Stephanie.' At may from BDG pang nakalagay.

     Napangiti ako at binuksan yung box. Nagulat ako sa nakita, at biglang nagtitili dahil matagal ko ng magkaroon ng personalized na weapon. Nawala yung tili ko nung may narinig akong katok sa kwarto ko.

     "Princess, anong nangyayari bakit ka natili? May nangyari ba?" galit pa rin ako sa kanila. Kaya hindi na lang ako umimik.

     "Leader, sorry na. Babawi kami.

     "Stephanie, I'm sorry but open the door please." Base sa boses ni Kurt yun.

     Marami pang nagsorry but tinext ko si Kent at sinabing magbihis sila dahil aalis kami. It's unfair to them but I want to thank them. Naligo ako at nagbihis, lumabas ako ng kwarto at nadatnan ko dun and gang ko, mga Insan ko at si Kuya kasama na rin si Kurt.

     Napatingin silang lahat sa akin at may balak pang sabihin pero tumakbo ako at bumaba ng hagdan nakita ko dun ang buong BDG na nakabihis ng casual at hinihintay ako.

     "Let's go." alam kong naninibago sila dahil nakangiti ako pero nagpapasalamat ako dahil napasaya nila ako ngayong birthday ko.

The Nerdy Billionaire (Revenge) fin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon