Tahimik kong kinakain ang aking agahan nang may inabot sa akin si auntie na isang folder. Hinintay ko syang magsalita as I tilted my head to her side.
"Registration form mo" paliwanag nya at umupo na rin sa opposite side ko.
Napakunot noo ako sa narinig at wala sa sariling naiyuko ang ulo para itago ang emosyong bumabalot sa kailaliman ng aking mga mata.
"Bakit?" naitanong ko na lang sa mahinang boses pero di pa rin nito maikubli ang nararamdamang kaunting inis.
Sino ba naman ang hindi? Mailang beses na rin kaming palipat-lipat ng lugar ng wala man lang syang sinasabing dahilan.
Napabuntong-hininga na lang ako bago sya tingnan, nagbaka-sakaling mapawi kung ano man ang mga naramdaman.
"Wala ka man lang bang sasabihin? Matanda na ako para magkaroon man lang ng ideya sa kung ano ba talaga ang sitwasyon natin ngayon."
"Yuri, please!" naibulalas na lang nya at tiningnan ako ng mabuti.
"Ang dapat mo lang gawin ay makinig sa akin at hayaan mong ako na ang bahala sa iba. Ihinabilin ka sa akin ng kapatid ko kaya sana maintindihan mo na ito ay para sa kabutihan mo rin naman"
Para sa kabutihan ko? Para ba talaga sa kabutihan ko kung wala man lang akong alam sa kung ano ba talaga ang nangyayari? Napatawa na lang ako sa narinig at hindi na rin nagsalita.
"Kailangan mo ring lumipat sa dormitoryo ng bago mong papasukan kaya ihanda mo na ang mga gamit sa paglipat. Kilala ang school na 'yon sa istriktong pagpapatupad ng kanilang layunin at seguridad kaya it assures me of your protection"
"I understand" even if I didn't...I stood up and turned away from her, not giving her another time to speak, and went into my room.
>>>>>>>>>>
"What's up, Yuri?"
"I have to move out and I wanted to say my farewell to you in person but time is tight for us," I said after taking a deep breath.
Napatigil ako nang hindi sigurado, expecting to hear her words pero wala akong narinig. Tumagal pa ito nang mga ilang segundo bago ko sya narinig magsalita, "You're leaving" not as a question but as a statement. Isa syang mabuting tao who allowed me to express my desire for a friend.
"Yeah"
She sighed and inquired kung kailan.
"I guess... tomorrow?" Sagot ko nang hindi sigurado.
"Mia, nangdyan ka pa ba?" Tanong ko sa kabilang linya, and her 'tsk' made me unconsciously smile.
"Lilipat ka lang naman ng ibang lugar, so why sound like an exile who'll never see the sun shine again, ha," she 'tsk' twice, disgusted.
"May phone number ka naman ng sa akin kaya pwede mo akong tawagan any time otherwise, Hmp!" She emphasized the final word coldly, na naging dahilan para mapatawa kami pareho.
We talked for a while, at nakatulong ito para gumaan ang aking pakiramdam.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Tanggap kong kailangan ko talagang lumipat at hindi na rin ako nagtanong pa sa kung anomang dahilan. Though I have my doubts, pero nirerespeto ko si auntie. Bumaba na rin ako nang maging ready ang lahat at nakita ko syang pabalik-balik sa paglalakad habang naghihintay sa akin. Napansin nya ako at tinulungan sa mga gamit ko.
"Does everything ready?"
Napakibit-balikat ako at sinabing, "Tulad ng nakikita mo." Binigyan nya ako nang seryosong tingin bago napabuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.