Chapter 32

4.4K 163 13
                                    


Luke's POV


Ako si Luke Magallon, isang chosen at pinakabata sa mga pinuno ng council. Pinasok ko ang council dahil wala akong magawa. Parang laro lang sa akin ang pagiging isang pinuno. Nakukuha ko ang gusto ko dahil dito.

Ang mga chosen ay mga espesyal na bampira. May kakayahan sila na higit pa sa isang karaniwang bampira. Marami akong mga nasasalamuhang mga kakaibang bampira na nagtataglay ng kakaibang lakas lalo na sa Ampire Academy kung saan ako nag-aaral. Pero higit pa ang kakayahan ng mga chosen sa kanila na kahit ako di ko pa natutuklasan. Ni minsan di ko pa nagagamit ang 100% ng aking pagiging isang chosen at nakakatiyak rin ako ni maski ang lalaking yun.

Zenan Fernal..

Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kotob kong hindi lang kami ang chosen. Pakiramdam ko nasa tabi-tabi lang sya. May kakayahan ang bawat isa sa aming maramdaman ang aura ng bawat isa. At ang di ko inaasahan ay kung bakit sa babaeng yun ko naramdaman ang kakaibang aurang yon. Di ko matukoy kung anong klaseng nilalang sya subalit amoy ko sa kanya ang dugo ng isang normal.

Kakaiba rin ang gandang taglay nya na para kang inaakit sa tuwing pinagmamasdan mo sya. Kaya napakunot ang noo ko sa isiping yun at napatingin ako sa direksyon ni Shew na kanina pa walang pakialam sa mundo na di magawang alisin ang paningin sa babaeng nakatakip ang mukha. Pero ng ibalik ko naman sa babaeng yon ang paningin ko mas kumunot pa ang noo ko ng biglang may lumabas na kakaibang bagay sa likuran nya.

Imposible...

Di ko inaalis ang paningin sa babae hanggang hilahin sya ng lalaking yon paalis sa lugar. Mabilis silang nawala at naglaho na lang bigla. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit lumabas yon sa likuran nya at kung bakit ako lang ang nakakita sa simbolong yon.

The Seal symbol of Shew's power.

Napatingin ako sa main door ng council ng bigla itong bumukas at iniluwal ang babaeng kinaiinisan ko. Kung hindi lang sya anak ng isa sa pinuno baka matagal na syang nabaon sa hukay dahil sa kakadikit sa akin.

"Anong ginagawa mo rito, Elizabeth? Wala rito si Edward kaya makakaalis kana" pinukulan sya ng masamang tingin ni Diego.Hindi kami basta-bastang nagpapasok rito maliban na lang kung kami ang nagpapunta.

"Hindi naman si ama ang sadya ko rito kundi si Luke" nakangiting sabi nya na syang nagakulo ng dugo ko.

Hindi man lang sya natinag sa tingin ni Diego dahil alam nyang wala itong gagawing masama sa kanya. Matagal na akong napupuno sa babaeng to. Maswerte sya't napipigilan ko pa ang sarili ko.

Mas lumapit pa sya at umupo sa mesang nasa harapan ko.

"Bat di ka pumapasok, Luke? Alam mo bang hinintay kita" malanding sabi nya. Nilalaro nya pa ang daliri nya sa buhok ko.

"Nagpunta pa ako sa walang kwentang paaralang yon wala ka pala don" dagdag nya. Patuloy nya pa ring nilalaro ang buhok ko at dahil sa inis di ko napigilan ang sariling patulan sya.

Mabilis kong nahawakan ang leeg nya tsaka isinubsob ko sya sa mesa. Nabigla sya sa ginawa ko lalo na ang mga kasamahan ko. Medyo napalakas yong pagkasubsob ko sa kanya pero halata rin ang pagpipigil ko dahil kung hindi baka kanina pa sya nakaratay.

"Leave. Me. Alone ." diin kong bulong sa kanya. Nanlaking matang napatitig sya sa akin.

"Wag na wag mo akong susubukan, Elizabeth" banta ko sa kanya bago ko sya iniwan don.


>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon