*Yuri's Pov*
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang kalagayan ni Ms. Lea. Nang makita ko ang itsura nya kagabi alam kong may kakaiba sa kanya lalo na't nandon din si Shew na alam ng lahat na isa sa namumuno ng council.
May ginawa kaya si Shew kay Ms. Lea para magkaganun ang itsura nya ng makita ko sya? Para kasing umiiyak sya.
"Kanina ko pa napapansin na wala ka sa sarili mo, Yuri. May masakit ba sayo?" nag-alalang tanong ni Roy na sinuri pa ang buo kong katawan.
"Hay, naku Roy hindi yan madaling magkakasaki si Yuri kaya kung makasuri ka naman dyan" pang-aasar ni Aika sa kanya. Sinamaan lang sya ng tingin ni Roy. Hindi naman natinag si Aika sa tingin nya bagkus inirapan nya lang ito.
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Pano, mauna muna ako sa inyo ha. Kita na lang tayo mamaya" paalam ko sa kanila at mabilis na tumakbo palayo.
"Wait, Yuri!" nginitian ko na lang si Roy at kinawayan habang papalayo sa kanila.
Kailangan ko kasing puntahan si Ms. Lea para sana malaman kung ano ang ginagawa ng isang kagaya ni Shew sa school kahapon. Di kaya tungkol to sa nangyaring gulo noong isang araw? Hindi kaya may kinalaman don ang sinabi ni Ms. Lea na sya na ang bahala sa gulong yon at sa council?
At dahil nasa malalim na pag-iisip ako di ko napansin ang nilalang na papalapit sa akin na muntikan ko ng mabangga kung di ako huminto bago pa kami tuluyang magbanggaan.
"Sorry....haha...muntikan na yon" sabi sa nilalang na kaharap ko habang hingal na napahawak sa uhod ko.
Kailangan ko kasing makalayo kina Roy at Aika.
"Anong ginagawa mo?" napatingala ako ng makilala ang boses ng lalaki.
"Z-Zen.." mahina kong sambit sa pangalan nya at mabilis na umayos ng tayo.
'I can kill whoever touches what's mine'
'I can kill whoever touches what's mine'
'I can kill whoever touches what's mine'
Bigla naman akong namula ng maalala ang mga sinabi nya non sa office ni Ms. Lea.
'What's mine'
Hoy, Yuri napaka-assuming mo talaga.
Oo, kaya imposibleng ako yong tinutukoy nyang mine nya.
Waahh! Baki feeling ko mas lalo atang uminit ang pisngi ko sa isiping yon?
"What's with the tomato face?" asar nya na nakangiting ewan.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.