Chapter 34

3.8K 173 11
                                    


Mabilis ang naging pangyayari at namalayan ko na lang na babagsak ako sa lupa dahil na rin sa kakaibang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko na rin ramdam ang mga pangil ni Elizabeth na nakadikit sa balat ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko pero bago pa man ako bumagsak sa lupa naramdaman ko na lang ang mga braso na mahigpit na nakahawak sa beywang ko.


"Z-Zen..." hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.



*Roy's POV*


Sh*t! Wala man lang akong magawa para iligtas si Yuri. Inaamin kong wala akong sapat na lakas para makawala sa lalaking may hawak sa akin. Sino ba kasi tong mga to? Kahit si Aika nakikita kong nahihirapan na rin pero kay Yuri ako natatakot. Natatakot akong gawan sya ng masama ni Elizabeth dahil kilala ang babaeng ito sa pagkabrutal at walang awa. Nakikita kong kanina pa sya gigil na gigil na saktan si Yuri hanggang sa nangyari ang kinatatakotan kong mangyari.


Hindi to pwede.


"Yuri!Bitawan mo ko!" lalo akong nagpupumiglas sa may hawak sa akin pero kahit anong gawin ko mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkahawak nya sa mga kamay ko.


Argh!Papatayin ko sila oras na makaalis ako sa pagkakahawak ng lalaking to. Hinding hindi ko sila mapapatawad. Nag-aalala na ako kay Yuri dahil namumutla na sya at parang may kakaiba na rin sa kanya.


"Yuri" bulong ko sa hangin. Parang may kung anong sumaksak sa puso ko dahil sa nakikita kong paghihirap nya. Hindi ko man lang sya nagawang tulungan.


Hanggang sa may hindi inaasahang pangyayari. Ngayon lang ako kinilabutan ng ganito sa tanang buhay ko. Oo't natatakot ako sa mga pinuno ng council pero hindi sa paraang ito. Umiba ang timpla ng hangin sobrang sama na parang hihigupin pati kaluluwa mo.


G-ganito ba talaga ang kakayahan ng isang chosen?


Kahit sa kanya lang wala kaming laban pano pa kaya sa mga council na may isa ring tulad nya?


Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ng lalaki sa akin at nakatulalang nakatitig sa lalaking bagong dating pati si Elizabeth at yung babaeng may hawak kay Aika ay nahinto at nanlaking matang nakatingin sa kanya ngayon.


Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa kanya pero kahit na ganun alam kong galit sya sa di malamang dahilan. Bago pa man may magtangkang magsalita isa man sa amin bigla na lang kaming napako sa kinaroroonan namin ng bigla na lang tumilapon si Elizabeth at muling tumayo subalit hindi nakatapak ang mga paa sa lupa. Ibig sabihin may kung anong bagay ang may kontrol sa katawan nya. Nakahawak sya sa kanyang leeg na parang may sumasakal sa kanya.


Nakita kong nanginginig ang dalawang kasamahan nya sa nasaksihan at balak na sanang tumakas ng sumulpot si John from nowhere. Masama nyang tinignan ang dalawa bago ibalin kay Zen ang tingin.


"Zen, tama na yan" pero parang wala man lang narinig si Zen at masama paring nakatingin kay Elizabeth. Hanggang sa mapansin kong babagsak si Yuri sa lupa.


"Yuri!" bago pa man ako makalapit naunahan na ako Zen. Mabalis syang nakalapit kay Yuri at narinig ko na lang ang pagtawag ni Yuri sa pangalan nya bago sya mawalan ng malay. Kasabay ng pagkawala ng malay ni Yuri ay sya namang pagbagsak ni Elizabeth sa lupa habang habol ang hininga.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

A/N:

Guys, thank you so much. Salamat talaga ng marami. Hindi ko inaasahang may magkakagusto sa gawa ko. Thank you my dear readers sa pagbabasa, sa mga votes, sa mga comments at yung mga nag-inbox sa akin. Maraming salamat.

Sorry pala sa mga chapters tulad ng 1-8 dahil sobrang gulo nito at hindi alam kung sinong pov ang nagkwekwento.

Sa mga typos, grammatical error sorry for that. Baguhan here*

Sorry then sa paghihintay at susubukan kong mag-ud ng mas maaga pa kaysa sa nauna.








Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon