Naglalakad kami ngayun papunta sa first afternoon class namin. Nang makarating kami sa room agad naman kaming umupo ni Aika sa upuan namin at ilang segundo lang nagbell na rin. Pumasok si ma'am saka humarap sa amin ng nakangiti.
"Class, ipinapakilala ko sa inyo ang new classmate nyo" wika ni ma'am at may pumasok na lalaki na kasing edad lang namin.
"Introduce yourself iho" hinarap ni Ma'am ang lalaki
Tumango ito saka nagsalita."My name is Roy Eran" ng mapansin ni ma'am na wala na syang sasabihin nilibot nya ang kanyang paningin saka tinuro ang bakanteng upuan na nasa likuran ko.
"Mr. Eran umupo ka sa likuran ni Miss Akane" tumingin sya sa direksyon namin at ngumiti. Sinimulan ni Ma'am ang klase ng makaupo na sya.
Maya-maya lang biglang tumunog 'yung bell.
"Yuri,punta tayo sa cafeteria nakakagutom kasi ako" wika ni Aika na inakbayan pa ako
"Sige ba" pagsang-ayon ko naman. Wala kasi kaming next subject kaya sa cafeteria kami tatambay.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Kumakain kami ngayon ni Aika sa cafeteria nang bigla na lang dumating yung bagong guy.Napansin ko rin ang ilang girls na kinikilig sa presensya nya.
"Sana dito sya maupo sa pwesto natin no" wika ng isang babae
"Gwapo nga sya pero mas gwapo pa rin si Zen" pangalawang babae
"Kay Jhon pa rin ako" wika naman ng pangatlo
"Shhh,wag nyo ngang pag-usapan rito ang mga Dark Class" wika ng isa pa habang tumitingin sa direksyon ng Dark Class . Hindi naman sa sinusundan ko ang tingin ng babae pero halata naman kasi na tumingin sya sa direksyon ng mga 'yun.
"Paparating na sya" wika ng una
"Hindi sila halata ha" pagbibiro ni Aika
"Nakakairita sila" sabi ko habang sumusubo
Ilang sandali lang may napansin kami ni Aika na may nakatayo sa harapan namin dahil biglang natabunan 'yung light na nagmula sa loob ng cafeteria. Sabay kaming napatingala ni Aika sa bagong dating.
Ano naman kaya kailangan nito?
"Hi, pwedeng makiupo?" turo nya sa bakanteng upuan sa harap ko. Magkatabi kasi kami ni Aika at sa harap lang namin may bakante.
Nginitian lang sya ni Aika at nag nod lang ako.
Umupo na sya at napansin ko ang ilang mga girls na mukhang naiinggit. Speaking of those girls...syempre isa don ang bruha na panay ang tingin sa amin.
"Roy right?" tanong ni Aika
Tumango ito at tumingin sa akin saka nagsalita."Uhmm...pwede ba tayong mag-usap?"
Tumingin sa akin si Aika at ng marealize kong ako pala ang tinatanong,tinuro ko ang sarili ko.
"Ako ba kinakausap mo?" tanong ko sa kanya
"Ikaw ha" wika ni Aika na siniko pa talaga ako
"Bakit di mo sinabi na kilala mo pala ang guy na to?" dagdag pa nya.
Ngumiti lang si Roy. Hindi ko naman pinansin ang mga sinasabi ni Aika at tumingin lang ng diretso kay Roy.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong ko na ikinapawi ng ngiti nya
Bago sya nagsalita tumingin muna sya sa direksyon ng Dark Class at sinabayan naman namin sya.Napansin kong kunot noo syang tumingin sa leader ng Dark Class at napansin ko rin na nakatingin rin sa amin ang ilan sa kanila at ang mas malala pa dun nagpapatayan sila ng tingin ni Zen.
'Anong klaseng tingin ba yan?para syang mangangagat'
Tiningnan ko si Aika tapos binalik ang tingin sa direksyon ng Dark Class at muntikan na akong mapatalon sa gulat ng isang iglap lang nasa harapan na namin ang dalawa sa kanila.
"Hey" bati ni Jhon sa amin na nasa likod ni Zen
Kunot noo ko silang tinignan at ni isa sa aming dalawa ni Aika walang sumagot. Biglang tumayo si Roy at nagsalita.
"Hindi tayo pwede ditong mag-usap Yuri" tumingin sya sa akin
Napanganga ako sa sinabi nya at panong nalaman nya ang pangalan ko? Napansin ko rin na nasa amin na ang atensyon ng lahat kaya tumayo na ako at nagsalita.
"Aika umalis na tayo rito ayokong maraming mga matang nakatingin sa akin" tumango lang sya at tumayo na rin .Tatalikod na sana ako ng bigla na lang magsalita si Zen.
"Nagugutom ako sa presensya mo" malamig nyang sabi
Nagpapanic ang nasa loob ko.'Sino ang sinasabihan nya?' pero mas nagulat ako ng tumingin sya nang diretso sa mga mata ko. Bigla na lang tumayo si Roy at hinawakan ang kamay ko at sumunod na rin si Aika. Hindi ko nakita ang expression ng mukha ng lalaking yun dahil ng makalabas kami ng cafeteria nakatalikod sya pero napansin kong tumatawa si Jhon.
'Anong nakakatawa sa sinabi ng taong yun? Tss'
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.