Sinadya kong gumising ng maaga dahil napagplanuhan namin ni Roy na ngayon kami aalis papunta sa kinaroroonan nila auntie. Nag tip toe ako para di marinig ni Aika ang pag-alis ko. Pero bago ako tuluyang umalis sa room namin nilagay ko muna 'yung papel na pinagsulatan ko ng letter para kay Aika. Inilagay ko 'to sa ibabaw ng table malapit sa kama nya para madali nyang makita. A letter telling her na aalis ako at babalik rin naman agad. Ayoko ko syang ipahamak kaya hindi ko ipinaalam sa kanya ang pag-alis ko.
Agad ko namang nakita si Roy ng makalabas na ako ng tuluyan. Nakayuko ito at naka-cross arms habang nakasandal sa isang puno sa di kalayuan ng dorm namin. Halatang inaantok pa. Quarter to 4 pa kasi at basi sa itsura nya ngayon alam kong kanina pa 'to nandito.
Napansin nya sigurong may nagmamasid sa kanya dahil bigla na lang 'tong nag-angat ng ulo. Kinawayan ko sya at tumakbo sa kinaroroonan nya.
"Aga natin ah" sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
"Late ka lang talaga" inaantok nyang sabi. Tinawanan ko lang sya ng mahina.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nasa kalagitnaan na kami ng gubat ng mapagtanto ko na parang naliligaw na kami. Sobrang tahimik kasi ng paligid at ni isang palatandaan na may naninirahan rito ay hindi ko masasabi.
"Ah,Roy baka naliligaw na tayo" medyo mahina ang pagkasabi ko sakto lang para marinig nya ako. Tumalikod sya at humarap sa akin.
"Kailan man hindi pa ako naliligaw sa tanang buhay ko" nagagawa nya pang mag smirk sa harapan ko.
"Tss, bilisan na nga natin"pagrereklamo ko
Ngumiti lang sya at nagpatuloy sa paglalakad.Napaisip tuloy ako habang tinitingnan ko ang kanyang likuran kasi nasa unahan ko sya tapos ako naman syempre nasa likuran nya. Sa taglay nyang karisma at isama na natin ang gwapo nyang itsura alam kong maraming magkakandarapa sa kanya. Pero bakit wala yung epekto sa akin? Tss, baka may problema ako sa pagkababae ko...Pero bakit iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko ang taong yun?
'bakit ko ba iniisip ang Zen na 'yun?'
Napabuga ako ng malalim na hangin dahil sa mga naiisip ko. Hindi ko tuloy napansin na may nabunggo na pala ako. Nang iangat ko ang ulo ko.
"Ang lalim ata nun ha" pagbibiro pa nya na huminto pala mula sa paglalakad.
Binigyan ko lang sya ng 'ano' look.
"Di bale na nga" wika nya na sinuklay pa ang buhok gamit ang mga daliri nya sa kanang kamay.
"Oh, nandito na pala tayo eh" sabi nya na biglang napahinto sa paglalakd at matalim na tiningnan ang isang puno.
'Anong meron sa puno?'
Itatanong ko sana yan kaso dahil sa kasayahan na sa wakas makikita ko na rin sya eh..iba na pala ang nasaitinig ko.
"Talaga?" sabi ko na halata sa boses ang saya.
Tumango lang sya saka hinila ako...
"Tara"
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.