Third Person's Pov*
"Ren, pinatawag mo raw kami?" wika ng isa
"Anong atin?" wika naman ng isa pa
Inakbayan ni Ren ang dalawa saka bumulong."Nagugutom ba kayo?" ngumiti sya saka nagsalita ulit."May ihahain akong masarap na pagkain"
"Ibig mong sabihin..." sabi ng isa
"Matagal na kaming di nakakainom ng...." di nya naituloy ang pagsasalita dahil bigla na lang sumulpot sa harapan nila si Jhon
"Anong pinag-uusapan nyo?mukha yatang masarap" wika ni Jhon na kinagat pa ang labi
"Lumayas ka rito Jhon kung ayaw mong masaktan" pagbabanta ni Ren
Biglang sumeryoso ang mukha ni Jhon at unting unting lumapit kay Ren."Alam ko kung sino ang pinag-uusapan nyo"
"Kung ako sayo wag kang mangahas gawan ng masama ang babaeng yun kung ayaw mong may masamang mangyari sayo" paalala ni Jhon
Tumawa lang si Ren at sinabayan naman sya ng dalawang kausap nya kanina."Sino ka ba sa akala mo ha Jhon?wag mong sabihin interesado ka sa kanya?"
"Kilala mo ako Ren,hindi ako kumikilos pag walang utos mula sa pinuno at isa pa... (tumawa sya ng malakas bago pinagpatuloy ang pagsasalita) mag-ingat ka may galit sa mga salitang lumalabas dyan sa bibig mo" nginitian ni Jhon ang dalawa pa at nasindak ang mga ito sa titig nya.Maya-maya pa bigla na lang sumulpot si Zen sa harapan nila na hindi maipinta ang mukha.
"Zen" tinapik ni Jhon ang balikat nya
"Kunin mo yan sa balikat ko Jhon kung ayaw mong putulin ko ang mga yan" pagbabanta ni Zen
"Heto na" dali-daling kinuha ni Jhon ang kamay sa balikat ni Zen na ngumingisi pa
"Wag mong sabihin Zen na...." bigla na lang nahinto sa pagsasalita si Ren dahil tinititigan sya ng masama ni Zen
"Kung ako sayo Ren wag ka ng magsalita pa kung ayaw mong maputulan ng dila" natatawang sabi ni Jhon na halata namang seryoso sa mga sinasabi.Lumingon sya sa dalawa pa at nagpatuloy sa pagsasalita."Kayong dalawa, gusto nyo bang maglaro muna?" pagbibiro ni Jhon.Napansin nya ang takot sa mga mukha ng mga ito kaya.."Relaks mga tol hindi ako nangangagat" natatawa nyang sabi
"Umalis na tayo Jhon" wika ni Zen na akmang tatalikod na sana ng magsalita si Ren
"Hoy!Zen!" sigaw nya
"Hindi porket pureblood ka...ah nakalimutan ko rin palang sabihin sayo na pareho lang pa la tayo kaya ang lakas ng loob mong ..." isang iglap lang hawak na ni Zen ang leeg nya
"Subukan mong galawin ang babaeng yun" diin ang pagkasabi ni Zen
Di makapaniwala si Ren sa kanyang nakita.Wala syang laban sa kaharap kaya hindi na lang sya nangahas lumaban.
"Alam mo ba kung ano ang kaibahan ng pureblood sa pureblood?" tanong ni Zen na pinakawalan ang leeg ni Ren
Hindi nya balak marinig ang sagot ni Ren kaya umalis na sya kasama si Jhon na kumakaway pa.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.