Yuri's POV
"Kahapon ko pa napapansing parang wala ka sa sarili mo, Yuri" sabi ni Aika sa akin
"Tapatin mo nga ako. May ginawa ba sila sayo?" seryoso nyang tanong
"Wala. Wala silang ginawa kaya pwede ba Aika tigil-tigilan mo nga ako" pagtataboy ko sa kanya
Kanina pa kasi sya nang-aasar eh!
Sabi na ngang wala pinipilit nya pa akong isipin ang nangyari.
"Ows? Eh bakit namumula ka ata?"
Automatic naman akong napahinto sa paglalakad dahil sa sinabi nya at agad na hinawakan ang mukha ko.
Waah!! Ayokong maalala.
Kaya iniwan ko sya don at agad na tumakbo palayo.
"Hoy! Tama bang iwan ako dito!" rinig ko pang sigaw nya
Dahil sa katatakbo hindi ko napansin na may nabangga na pala ako at muntik pa akong matumba sa nangyari.
Grabe, anong klaseng nilalang ba to?
Tiningnan ko ang nabangga ko at hindi ko lubos na maisip kung papaano na isang babae ay ganito pala kalakas.
I'm sure she's a vampire sa kulay palang ng balat nya at sa pangil na medyo kita ko sa bibig nya.
Sinamaan muna nya ako ng tingin bago nagsalita.
"Di mo ba kilala kung sino ang nasa harap mo?" may pagkainis sa tono ng kanyang pagsasalita and then crossed her arms.
Malamang ngayon pa lang kita nakita dito eh!
Yan sana ang gusto kong sabihin pero dahil lamang sya sa lakas kaya di ko nalang sinabi.
Baka ano pang gawin nito sa akin.
"Sorry" pabulong kong sabi
Lumapit sya sa akin at bumulong.
"Good. Buti alam mo kung saan lulugar ang isang tulad mo"
Pinipilit kong pigilan ang sarili kong sapakin ang babaeng to.
Nilagpasan nya ako pero bago pa sya tuluyang makalayo may pahabol pa sya.
"Pero it's too early para magsaya ka. Sa susunod na magkaharap tayo sisiguraduhin kong pagsisihan mong nabangga mo ako"
Tch! Sinong tinatakot nya?
Inaamin kong malakas sya at mapanganib pero bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa presensya nya?
Tuluyan na syang nawala kasama ng mga alipores nya na parang buntot ng aso kung makasunod.
"Sya si Elizabeth Horsman. Anak ng isa sa pinuno ng council na si Edward Horsman na syang dapat mong iwasan"
Hindi ko inaasahan na pagsasabihan nya ako.
Si Reka na minsan ko na ring nakalaban na heto ngayon at nag-effort pa para sabihin sa akin ang tungkol kay Elizabeth.
Napangiti ako ng wala sa oras.
"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Ginawa ko lang to dahil trabaho kong bantayan ang bawat miyembro ng Light Class" saka iniwan nya ako at sakto naman ang pagdating ni Aika.
"Bakit mo kausap ang babaeng yon?" bungad na tanong nya sa akin.
Nakita nya pala kami?
Imbis na sagutin ko sya iniba ko ang topic.
"May kilala ka bang Elizabeth Horsman?" kumunot yong noo nya
"Ewan, hindi ako sure eh! Pero parang familiar sya sa akin"
"Elizabeth Horsman, the daughter of Edward Horsman na isa sa pinuno ng council at nag-aaral sa Ampire Academy na isang Elite school for vampires who possessed an extraordinary skills"
Hindi ko inaasahan ang pagdating nya.
Ba't ngayon lang sya nagpakita?
May nangyari kaya?
Nginitian nya ako.
"Kamusta?" tanong nya na nakangiti pa rin.
Nginitian ko lang rin sya.
"Ahem....may kasama kayo oy! Heto oh nasa harapan nyo" turo ni Aika sa sarili
Sira na nga tong si Aika. Kung anu-ano iniisip eh.
Natawa nalang si Roy sa itsura nya.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.