"Bakit hindi Yuri?sagutin mo ako" she commanded me
"Auntie, noon iniwan ko si Mia. Ngayon naman gusto mong iwanan ko naman si Aika?"
Iisipin ko pa lang na iwanan si Aika para nang madudurog ang puso ko dahil napalapit na sya sa akin. Nararamdaman ko naman na ilang saglit na lang papatak na 'tong mga luha ko kaya agad kong tinaas ang ulo para maiwasan ang tuluyang pagpatak nito. Bakit ba kasi palagi kaming tumatakas hindi ba pwedeng lumaban naman kami para sa mga mahal namin.
"P-pero Yuri kaila...."
"Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko auntie"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo Yuri.....alam mo bang.... maaari mong makalaban ang taong uubos sa lahi natin?"
"Anong pinagsasabi mo auntie?"
"Yuri,makinig ka,napag-alaman kong nandon rin ang anak ni Dorcas Fernal at isa pa....."
"D-Dorcas.....F-Fernal?Ano naman ang kinalaman nya rito?"
Surname pa lang alam ko namang may kinalaman sya kay Zen. Inaamin kong kinakabahan ako ngayon pero hindi ko alam kung sa anong dahilan. Dahil ba 'to sa nalaman ko?...Totoo bang kaya nyang gawin ang mga sinasabi ni auntie?
Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni auntie sa balikat ko.
"Yuri,pakiusap,makinig ka......ang anak nya ay may kakayahang umubos sa lahi natin. Ang mga purebloods ay malalakas subalit mas higit na makapangyarihan ang mga Chosen."
"Chosen?Ano naman 'yon?" kunot noo kong tanong.
"Kaya nilang tapusin sino man, kahit na di kanila hinahawakan"
"Sa pagkakaalam ko dalawang tao palang ang mga napipili at mula sila sa mga malalakas na lahi ng mga purebloods" pagpapaliwanag nya
"Pinagbototohan ba yan?" alangan kong tanong
"Yuri,seryoso ako. Hindi sila pinagbobotohan at lalong hindi sila pinili ng mga kung sino man lang."
"Pano nyo malalaman kung sya yong pinili?"nakayuko kong tanong.
Inangat nya ang mukha ko para harapin sya."Malalaman mo oras na makita mo na may markang hugis apoy sa kanyang-"
"Kanang wrist po ba?"dugtong ko sa sinasabi nya
Naalala ko yung mga sandali na inataki kami ni Ren at yung mga oras na bigla nalang lumiwanag 'yung kamay ni Zen. Hindi kaya 'yung markang nakita ko ay 'yung markang sinasabi ni ante na hugis apoy? Hindi ko kasi yon masyadong nakita.
Tiningnan ako ng maigi ni auntie na para bang nagtatanong ng 'pano mo nalaman? Tumango lang ako at alam kung naiintindihan nya yon kasi huminga sya ng malalim.
Tinalikuran nya ako saka nagsalita.
"Yuri,alam mo bang isa ang ina mo sa magagaling na hunter? At dahil anak ka nya may posibilidad ding taglay mo ang kakayahang yon"
Di nga?!
"Auntie........."
"Yuri,hahayaan na kitang manatili don pero.....dapat mangako kang mananatili kang ligtas"
Tumango ako saka niyakap sya agad rin naman syang gumanti ng yakap.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
مصاص دماءMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.