Yuri's Pov*
"Ikaw ha. Di mo man lang sinabi na may something na pala sa inyo ni Zen. Ayiieehh!! Kinikilig ako!! Tignan mo tuloy tong si Roy di na maipinta ang pagmumukha sa sobrang bitter. Hahaha!!" sinamaan lang sya ng tingin nito. Kanina pa sya daldal ng daldal. Kesyo may something daw sa amin ni Zen.
Like, hello. Baliw lang magkagusto don.
"Pwede ba Aika walang something sa amin ng lalaking yon. Sarap nga tadyakan ang mukha non eh!" nakasimangot kong tugon sa kanya.
"Oh, eh bakit naman aber? Gwapo kaya yon kahit nakakatakot. Hahaha!! Pero seryoso may namamagitan ba sa inyo? Yong totoo ha" tinaasan nya pa ako ng kilay.
"Wala" bored kong sagot.
Nakakainis nga ang lalaking yon eh. Sarap tirisin. Tapos yong ngisi nya....Arrggghh!
"Oh, eh bakit ka namumula?" mapanuksong ngiti ang binigay nya sa akin.
"Namumula ka dyan. Sipain kita dyan eh! Makikita mo" pananakot ko sa kanya pero tumawa lang sya.
"Anyari sa isang yan?" nguso ko sa direksyon ni Roy na kanina pa tahimik.
"Selos lang yan" bulong nya sa akin.
"Huh?" clueless kong tanong. Nagkibit-balikat lang sya.
"Pwede ba kitang makausap?" biglang sabi ng isang familiar na boses. Hindi ko sya nilingon. Simula kasi kanina ginawa ko na ang lahat para lang iwasan sya pero sa tingin ko lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko maging sya. Tinanguhan ko sya ng hindi nililingon.
"Patawarin mo na sya Yuri. May mabigat siguro syang dahilan para itago sayo ang katotohanan" bulong sa akin ni Aika. Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya. Kahit anong galit man ang nararamdaman ko nangingibabaw parin ang kagustuhan kong malaman ang buong katotohanan at ang kagusuhan kong muli kaming magkasama.
>>>>>>>>>>>>>>>>>
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga sinasabi nila ante at mama tungkol sa nakaraan maging ang dahilan nya kung bakit binilin nya ako kay ante na sya palang kapatid nya. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit hindi nya nabanggit ang pangalan ni papa. Tanging ang pagtatangka ng mga di kilalang grupo ng bampira sa buhay namin ni mama, kung pano kami nakaligtas at ang paghabilin nya sa akin kay ante nong sanggol palang ako.
Sa anong dahilan at bakit kami gustong patayin? Aware akong magkalaban ang dalawang panig pero bakit parang hindi yon ang dahilan.
"Sa anong dahilan, mama? Bakit nila ginawa yon?" nagulat pa sya ng tawagin ko syang mama pero agad rin naman syang nakabawi. Nakangiti sya bago nagsalita.
"Maski ako di ko rin matukoy ang dahilan. Marami akong napatay sa lahi nila pero nakakasiguro akong hindi rin yong ang dahilan. Imposible ring malaman nila ang tungkol sa pagkatao mo at sa pagiging anak mo ni Sh--" bahagya pa syang nagulat at napatigil sa sasabihin nya sana.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.