Chapter 11

5.9K 215 2
                                    

"Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin? " hinarap ko si Roy na nakaupo sa may bakanteng upuan dahil narito kami ngayon sa isang classroom.Naupo rin si Aika sa bakanteng upuan sa likod ni Roy at ako naman nakatayo naghihintay ng sagot sa kaharap.

"Kung iisa-isahin ko pa ang mga detalye hindi tayo matatapos ng isang araw kaya-"

"Simulan mo na" pakiusap ko

"Yuri ano ka ba?" wika ni Aika na tumingin sa akin saka kay Roy.

"Ah Roy,paikliin mo na lang ayaw kasi nya ng maha-" binatukan ko sya.

"Aray naman Yuri" pagrereklamo nya

Sumeryoso ang mukha ni Roy ng tingnan ko sya.

"Alam mo ba kong bakit ako narito Yuri?"

"Sandali lang,pano mo nalaman ang pangalan ko? Wala akong natatandaang nagpakilala ako sayo-" naputol ang pagsasalita ko ng biglang nagsalita si Roy.

"Dahil kay Marie" wika nya na ikinalungkot ko. Bakit naman nasali sya sa usapan namin ngayon?

"Pano mo nalaman ang pangalan nya?"

Medyo may pagkairita ang pagkasabi ko dahil naalala ko 'yung pag-alis nya ng wala man lang pasabi at 'yung muntikan ng mapahamak ang kaibigan ko para hanapin sya. Tumayo si Roy at humarap sa akin habang si Aika nakatingin lang sa amin.

"Kailangan mo nang umalis rito" bulong ni Roy sa akin

"At sino ka para...." nahinto ako dahil sa sinabi nya

"Nagkamali sya ng desisyong ipasok ka rito"

"Anong pagkakamali ang sinasabi mo?" takang tanong ko

"Malalaman mo rin ang lahat sa oras na magkita kayo" wika ni Roy habang dinampot ang isang bag sa sahig

"At tsanga pala......narito ako dahil kailangan kitang ilabas sa lugar na ito" dagdag pa nya

"Anong ibig mong sabihin?" tumayo si Aika ng marinig na aalis ako

"Yuri,aalis ka?" malungkot nyang tanong

Binigyan ko lang sya ng I don't know look.

"Hindi ko akalaing marami ka pa lang kaaway rito"

Napatingin ako bigla kay Roy ng bigla na lang syang magsalita habang nakatingin sa pinto. Confusedly, tatanungin ko na sana sya ng bigla na lang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay taga Dark Class dahil sa suot nyang uniform.

"Oy !..kaya pala may naamoy akong masarap..may pagkain pala...yummy!" akala ko ako ang sinabihan nya o kaya si Aika pero hindi.

Bigla na lang syang tumakbo papunta kay Roy. Pero si Roy parang wala lang sa kanya ang pagsugod ng kalaban at nagawa pa nya kaming senyasan na umalis sa lugar. Hindi ko pa naabsorb sa utak ko ang gusto nyang sabihin dahil hindi kumikilos ang katawan ko para sundin ang sinasabi nya.

Naguguluhan ako. Ano ba-

Bumalik ako sa katinuan ng bigla kong maramdaman ang paghila sa aking braso. Nagpahila lang ako kay Aika at bago kami makalabas sa room nakita ko ang paglabas ni Roy ng isang bagay mula sa bag na hawak nya kanina.

Ano naman kaya 'yun? Tanong ko sa sarili ko ng maalala ang bagay na inilabas ni Roy kanina. Nakalabas na kami at kasalukuyang tumatakbo para makalayo ng tuluyan sa kanila.

"Okey lang kaya sya?" biglang tanong ni Aika habang tumatakbo. Hindi ko sya sinagot dahil hindi ko rin alam ang sagot. Mahirap manghula about sa posibleng mangyari kay Roy.

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon