Yuri’s Pov*Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin. Simula kasi nong nag-usap kami ni Roy ay sobrang awkward ng situation namin sa isa’t isa. Pero sa tingin ko ako lang ata ang nakakaramdam non eh.
“Hoy, matanong ko nga. Nag-away ba kayo?” bulong na tanong sa akin ni Aika na nakanguso sa direksyon ni Zen na ngayon ay kausap si John. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito si John. Para na kasi syang buntot ni Zen eh. Hehehehe.. Napaiwas ako ng tingin sa kanila ng bigla na lang lumingon si Zen sa amin. Buti na lang talaga nakatalikod kami sa kanila kundi...
Hay, puso ko bakit nagwawala ka na naman dyan? Buti na lang talaga at natutunan kong iblock ang sinuman na basahin kung anong iniisip ko. Napatingin ako sa katabi ko ng mapansing kanina pa sya nakatitig.
“Bakit?”
Nagshrug lang sya tapos nagsalita. “Alam mo super halata ka na” nakangisi nyang sabi.
“A-ano ba yang pinagsasabi mo? Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Aika” sabay tayo ko.
“To naman oh! Binibiro ka lang eh!” sumabay na rin sya sa akin. Nakalayo kami kila Zen at napadpad sa parte ng gubat na ngayon ko lang napuntahan.
“Hmm…napakarelaksing naman dito” napangiti ako sa sinabi nya.
Tama sya. Napakapeaceful ng lugar na to. Pipikit na sana ako para sana damhin ang simoy ng hangin ng bigla kaming magulantang ni Aika at magtinginan dahil sa biglaang pagsabog na aming narinig sa kinaroroonan ng iba.
“A-ano kaya yon?” hindi ko sya sinagot at basta na lang hinila at patakbong naglakad pabalik.
Kinakabahan ako ngayon lalo na nong may narinig akong sigaw, pagpapanic at klase klaseng ingay na kung tutuusin malayo pa naman kami sa lugar na pupuntahan namin. Hindi ko na yon inintindi dahil mas nangingibabaw sa akin ang pangamba para sa kanila. Naputol ang pag iisip ko ng may kung anong mabilis na bagay ang papunta sa amin ni Aika kaya wala sa sariling naihagis ko sya palayo sa akin at kasabay naman non ang ingay ng pagtama ko sa isang puno.
“Tss, dito lang pala kita makikita pinahirapan mo pa ako” inangat ko ang ulo ko para makita ang nagmamay ari ng boses..
Elizabeth..
Tumayo ako mula sa pagkakabagsak ko. Ang sakit non sobra. Nabali ata buto ko sa katawan pero pinilit ko pa ring tumayo. Ramdam ko rin naman ang unti-unting pagkawala nito.
“Ano bang nagawa ko sayo at ganun mo na lang ako gustong patayin?” asar kong sabi sakanya bago linguyin si Aika.
Ganun na lang ang pagkabigla ko ng makitang may kung anong nakapalibot sa kanya.
“Tch, talaga nga namang malakas ang loob mong itanong yan ha. Ang banggain ang isang tulad ko ay sapat ng dahilan para patayin ka!” galit nyang sigaw at sumugod na lang bigla. Haharangan ko na sana ang atake nya gamit ang dalawa kong kamay ng matigilan ako. Napangiti ako ng wala sa sarili. Nakita ko naman ang isa nyang kasamahan na bigla na lang tumilapon ng lapitan nya sana si Aika. Muli akong napangiti dahil don at sa kakaibang harang na nilagay ko kay Aika at binalik sa harapan ang paningin. Bago pa man sya makalapit sa akin ay agad naman akong nawala at sumulpot sa likuran nya.
“Alam mo bang nakakairita na ang presensya mo?” bulong ko malapit sa taynga nya. Natigilan sya bigla at amoy ko ang takot at pangilabot sa kanya kaya mas lalong lumawak ang ngiting rumehistro sa mukha ko.
Aika’s Pov*
Natakot ako ng sumugod bigla sa direksyon ko ang isang babaeng kasama ni Elizabeth na halatang isang bampira pero nagulat na lang ako ng tumilapon sya bigla. Kahit naguguluhan man sa nangyari ay nakahinga ako ng maluwag.
“Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba” ani ko sa sarili habang sapo ko ang dibdib.
“Alam mo bang nakakairita na ang presensya mo?” kinilabutan ako sa boses na yon at nilingon ang direksyon ng sinuman. Nagulat ako ng mapagtanto kung sino ang nagmamay ari ng boses na mayroong ngiting nakakatakot sa mukha.
Y-yuri..
Napalunok ako ng wala sa oras ng lumingon sya sa direksyon ko. Mataman nya akong tinititigan at don ko lang naisip na hindi sya ang Yuri’ng nakilala ko.
“A-ang lakas talaga ng loob mo para banggain ako” napatingin ako kay Elizabeth sa sinabi nya. Halatang natakot sya sa inasta ni Yuri pero pilit nya tong kinukubli.
“ Akalain mo yon isa ka pala sa kanila kaya pala malakas ang loob mong kalabanin ako” saka sya pumitik sa kanyang daliri at may dalawang bampira ang bigla na lang sumulpot from nowhere.
Napasigaw ako sa takot sa maaaring mangyari. “Yuri!” hindi ko alam kung bakit bigla na lang syang natigilan. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ng isang lalaki na mahigpit syang hinawakan sa leeg mula sa likod.
“Ganito ka ba lumaban sa kalaban mo ha, Elizabeth?” nakakatakot na ngiti ang sumilay sa mukha nya. Akmang susugod na sana yung katabi ni Elizabeth ng ihagis na lang bigla ni Yuri ang sumasakal sa kanya kanina gamit ang isa nyang kamay na mabilis at mahigpit ang pagkakahawak saka ibinato sa kanila ang lalaki.
“Bitch! Pano mo yon nagawa?!” galit na sigaw ni Elizabeth pero bago pa man sya nakapagsalitang muli ay nagulat kami sa sunod na nangyari.
“Hmmm…hindi na rin masama”
Para akong masusuka na ewan sa nakita. Seriously?! Ininom nya talaga ang dugo ng bampirang yon?!
“A-anong k-klaseng---“ muli ay hindi nya naman naituloy ang sasabihin ng masagot ang katanungan nya dahil sa nakita.
Mas lalong tumingkad ang kulay dugong mga mata ni Yuri at ang mga pangil na ngayon ko lang napansin.
Don’t tell me isa syang bampira? Pero pano yon nangyari? Alam ba to ng iba?
“Sh*t! Naloko na” marahas namang napatingin si Yuri sa pinanggalingan ng boses kaya napatingin na rin ako don.
Ang mga taga council!
Lagot na!
Nagulat ako ng bigla na lang yong sumulpot sa likuran ni Yuri at bago pa man sya makalingon ay nasa lupa na sya at walang malay.
Yuri!
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
A/NSorry kung ngayon lang naka update tsaka sorry kung di maganda ang ud. Marami kasi akong iniisip pero anyway, salamat sa patuloy nyong suporta...God Bless us all!
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.