Hinanap ko agad sa paligid sila mama at auntie at nakita ko silang may kinakalabang bampira na parang mga wala sa sarili. Akmang hahakbang na sana ako para tumakbo sa kanila dahil may bigla na lang sumulpot sa likuran ni mama ng napatigil ako sa nakita.P-papaanong…
Agad nyang pinugutan ng ulo ang aatake sana kay mama mula sa likuran ng hindi man lang napapansin ni mama yon. Napansin nya sigurong may nilalang sa kanyang likuran kaya tumalikod sya. Kita sa mukha ni mama ang pagtataka at saya na pilit nyang kinukubli.
“Shew…” bulong nya sa hangin pero hindi yon nakaligtas sa aking pandinig.
Nakatitig lang sila sa isa’t isa na parang wala kami rito. Bumalik sa dati nitong kulay itim ang mga mata ni Shew na naging pula kanina ng makitang may aatake sana kay mama. Humakbang sya palapit kay mama na hindi pa rin inalis ang panigin sa kanya. Si mama naman halatang pinipigilan ang sarili na syang hindi ko naiintindihan.
Maglalaban ba sila o magyayakapan?
Napailing ako dahil sa kabaliwan ng himahinasyon ko. Bakit ko naman kaya naisip yon?
“Lea!” napabalik ako sa katinuan sa sigaw na yon.
Galit na auntie ang nasa harapan ni Shew ngayon kaya mabilis akong pumunta don. Sumunod rin naman sila Aika at Diego. Ngayon ko lang nakitang magalit ng ganyan si auntie.
Tinutok nya kay Shew ang espadang hawak nya at nasa likuran nya naman si mama na parang hindi alam kung anong gagawin.
“Auntie!” tawag ko sa kanya ng makalapit kami. Napalingon sya sa gawi ko.
“Lumayo ka sa mga yan Yuri! Kalaban ang mga yan na dapat ibaon sa malalim na hukay panghabang-buhay!” galit nyang sabi.
Bakit parang may pinanghuhugutan si auntie sa kanyang mga sinasabi? Hindi kumibo isa man kina Shew at Diego.
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Shew. Hala! Baka nagalit sya sa sinabi ni auntie.
“No. Hindi ako papayag na ilayo mo sila sa akin at---I mean, Marie” muntikan na akong matawa sa reaksyon ni Shew pano ba naman ang seryoso nya pero ng hindi alam ang itatawag kay auntie don na sya nagmukhang nataranta.
Tsaka at??? Ano kaya ang sasabihin nya sana don? Tch. Ayokong mag-isip.
“At sino ka naman para pagsabihan ako?! Hindi porket isa ka sa kanila ay may karapatan ka ng pagsabihan ako. Hindi ko hahayaang maski daliri ng kapatid at pamangkin ko ay gagalawin nyo! Magkamatayan muna tayo bago mangyari yon!” walang tigil nyang sabi.
Sumipol si Diego kaya nakuha nya ang atensyon ng lahat maski si auntie na masamang nakatingin sa kanya. Nasa likuran ng ulo nya ang mga kamay.
“Pinagloloko mo ba ako?” inis na sabi sa kanya ni auntie. Sino ba namang hindi magagalit eh, sa ang yabang ng dating ni Diego at binabalewala lang ang sinabi ni auntie.
“Ang layo na ng narating mo” nakangising sabi nya na mas lalong nagpausok ng ilong ni auntie.
Akmang susugudin sya ni auntie ng pigilan sya ni mama.
“Nasa dugo nya ang pagiging isa sa kanila ate kaya walang masama don” napatigil ang lahat sa sinabi ni mama. Nanlamig din ako dahil napagtanto ko ang ibig nyang sabihin. Maski si Diego kanina na ang yabang ng dating ay nagulat. Napansin ko rin sa gilid ng mga mata ko ang paglingon ni Aika sa gawi ko.
Patawad pero kailangan kong gawin to..
Ginamit ko ang kakayahan kong basahin ang nasa isip nila. Gusto ko ng malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. Mababaliw ako at hindi kumpleto pag hindi ko malalaman ang lahat.
‘Yuri…tama ang hinala namin ni Roy. Isa ka nga sa kanila pero kahit naman magkaganon ikaw parin ang bestfriend ko’ napangiti ako sa nabasa kung anong nasa isip ni Aika.
‘Siguro panahon na para malaman nya ang buong katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao, Shew..’ palipat-lipat ang panigin ko kina mama at Shew ng hindi man lang nila yon napapasin.
Gusto kong sumigaw pero pinipigilan ko. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang mga nagbabadyang luha sa pagtulo nito.
“S-sabihin nyo…” humugot muna ako ng lakas ng loob bago magpatuloy.
“S-sya ba ang papa ko?” halatang naguguluhan si mama sa sinabi ko. Pansin ko rin na nasa sa amin ang atensyon ng lahat.
“Y-yuri…ano ba yang pinagsasabi mo--” hindi ko pinatapos si auntie at sinabi ang gusto kong sabihin.
“Si..S-Shew p-po b-ba?” ramdam ko ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagtulo. Halatang nagulat ang lahat sa sinabi ko.
Pinahid ko ang mga luha sa mga mata ko at iniwan sila don na hindi pa rin nakarecover sa sinabi ko.
Aika’s Pov*
Nagulat ako sa sinabi ni Yuri. Ibig sabihin ganun kalakas ang dugong dumadaloy sa kanya dahil isang council leader rin ang kanyang ama? Pano naman kaya nya yun nalaman?
Napatingin ako sa tinahak nyang daan na kanina lang napapalibutan ng itim na aura.Yuri…alam kung kailangan mo ng oras para makapag isip isip.
“Lea, ano bang pinagsasabi ng batang yon? Alam kung isang bampira ang kanyang ama pero imposibleng ang lalaking to ang ama nya!” turo nya kay Shew na kanina pa tahimik.
“Ate..makinig ka--”
“Matagal na akong nangungulila sa kanila kaya pakiusap wag mo silang ilayo muli sa akin, a-ate” ngayon ko lang nkitang nagkakaganito ang isang tulad nya. Isang mapanganib na pinuno ng council na ngayo’y nakikiusap para lang wag ilayo sa kanya ang mag-ina nya. So, totoong ang pinunong to ang ama ni Yuri!!
“Wag mo akong matawag-tawag na ate dahil sigurado akong mas matanda ka sa akin! My goodness Ailea! Bakit di mo sinabi sa akin ang totoo?!” narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Diego na tumahimik agad ng bigyan sya ng sobrang samang tingin ni tita.
“Pano naman nya yon nalaman?” tanong ni tita na ngayo’y nahishismasan na.
“One of the chosen’s ability..kaya hindi na nakakapagtataka na nalaman nya ang totoo ng ganun kadali. After all, my daughter is also a chosen like them”
Si Zen at si Luke….chosen ang mga yun.
At anong sinasabi nyang she’s also a chosen like them?!
“What???!!!” sabay naming sigaw ni tita
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.