Chapter 26

4.2K 152 5
                                    


Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng may narinig kaming announcement.

"Attention Ms. Reka Velmon at Mr.Zenan Fernal pinapatawag kayo sa principal's office. I repeat Ms. Reka Velmon at Mr. Zenan Fernal pinapatawag kayo sa principal's office" wika ng emcee

"Bakit kaya?" wika ng isa kong kaklase

"Ewan" isa ko pang kaklase

Siniko ako ni Aika.

"Tingin mo,bakit kaya?"wika nya

Napailing na lang ako.Wala rin naman akong alam eh.

"Masama ang kutob ko" sabay kaming napatingin ni Aika ng magsalita si Roy.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko

Lumapit sya sa amin saka bumulong sa akin.

"Ang Council"

"Hoy,bakit sya lang ang sinabihan mo?"wika ni Aika

Nginitian lang sya ni Roy.Kinakabahan rin ako sa maaari nilang gawin.Alam kung ligtas sila ante pero di parin namin masasabing.....

"Hoy!ano na naman ba ang tinutulala mo dyan?"tumingin ako kay Aika

"W-wala naman"

"Wag mo yong isipin Yuri"wika naman ni Roy na tinapik pa ang balikat ko.Hindi alam ni Aika ang mga sinasabi namin kaya kunot noo syang tumingin sa amin.

"Ano ba ang--"naputol ang pagsasalita nya ng magsalita si teacher.

"Attention everybody kailangan nyong pumunta ngayon sa tapat ng building.Makinig kayo sa sasabihin ng leader nyo.Yun lang at makakaalis na kayo." niligpit nya ang mga gamit nya saka umalis.

Sabay kaming tatlong lumabas at ng makapunta na kami sa ground sa tapat ng building napansin kong nandon na rin ang mga taga-Dark Class. Sila ay nasa kanan samantalang ang mga Light Class naman ay nasa kaliwa.Pumuwesto kami sa gawing kaliwa. Nasa harapan naming lahat ang leaders ng dalawang klase. Nandon din si Mark pero bakit wala si....

"Bakit kaya wala si Miss Lea?" wika ko na linibot ng tingin ang paligid. Agad akong umiwas ng magtama ang paningin namin ni Zen.

"Oo nga no.Wala nga si Miss principal.Bakit kaya?"

"Attention everybody...." panimula ni Mark.

"Alam kung marami sa inyo ang nakakaalam tungkol sa mga taga council especially kayong mga Dark Class. Nais ko lang kayong paalalahanin na wag na wag kayong gagawa ng ikakapahamak nyo. Ngayong gabi darating sila sa Mendiola at hindi ko masisiguro ang kaligtasan ng bawat isa" tumingin sya sa direksyon namin.

Alam ko ang ibig nyang sabihin.Kaming mga hunter ang maaaring target nila. Maaari ring--sandali lang--ngayong gabi?

What?!Agad-agad

Hindi pa kami nakakapaghanda.

"Kaya nga.Hindi ka kasi nakikinig kay Mark" tumingin ako sa nagsasalita

"Z-Zen...paano ka?" nasa akin na ang atensyon ng lahat.

Nasa harapan ko lang naman kasi ang leader ng Dark Class na bihira lang kung makipag-usap.

"Tss" huling narinig ko sa kanya kasi bumalik agad sya sa pwesto nya kanina.

Bakit hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na pala sya?

Ganun na ba ako ka space out kaya pati ang presensya nya di ko napansin?

Napansin kong napakasama ng tingin sa akin ni Reka samantalang wala lang yung iba. Hinarap ko si Aika pati na rin Roy na hindi man lang ako ginising sa malalim kung inisip.

Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko bigla na lang nagsalita ulit si Mark.

"Maaari na kayong umalis"

Aalis na sana kami ng bigla na lang magsalita si Reka. Kanina pa nakaalis ang mga Dark Class at ang naiwan nalang ang mga Light Class.

"Hindi ko alam kung ano ang maaari nilang gawin sa atin" alam ko ang ibig sabihin ni Reka. Maaari kaming maging biktima nila dahil wala kaming kakayahang labanan ang mga tulad nila. Hindi ko akalaing concern rin pala sya sa mga miyembro nya.

"Ang dapat lang nating gawin ay umiwas kung maaari." paalala nya

Pagkatapos non pinaalis nya na kami para magpahinga.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>


Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon