Yuri's Pov*
Nagising ako dahil sa kakaibang pagkauhaw na nararamdaman ko ngayon. Napatingin ako sa orasan at sinasabi nitong 10:25 na ng gabi. Binalingan ko naman ang natutulog na si Aika. Napalunok ako ng ilang beses ng mapadako ang paningin ko sa leeg nya.
"No no no...Yuri. Tubig ang hinahanap mo diba?" kumbinsi ko sa sarili ko. Napailing rin ako ng ilang beses bago tumayo at kumuha ng maiinom. Pero bago ko pa man malunok ang tubig bigla ko na lang itong naibuga.
"Ano bang problema mo ha, Yuri?" binatukan ko ang sarili ko dahil sa inis.
Kainis! Nababaliw ka na Yuri!
Argh!
Mabuti pa sanang lumabas muna ako bago pa ako mabaliw at may magawang di maganda kay Aika.
Kung puntahan ko na lang kaya si mama. Pero baka may magawa rin akong di maganda sa kanya kaya wag na lang.
Naisipan kong maglakad-lakad na lang sa hallway hanggang sa mapunta ako sa malaking ground kaharap ng main building. Pinagmasdan ko ang kalangitan at napatanong sa sarili ko.
"Isa na ba ako ngayong bampira?" nagdadalawang-isip man akong sabihin yon ay sinabi ko pa rin.
Ayaw ko mang aminin pero lahat ng mga kakaibang nangyayari sa akin ay sinasabi nitong isa na nga ako sa kanila. Pero ang malaking katanungan sa isip ko ay bakit at papaano yon nangyari? Nawalan lang ako ng malay naging ganito na ako.
"Pero ano man ang nangyari sa akin....ako pa rin naman to eh" ngumiti ako ng pilit na nakatingin pa rin sa kalangitan.
Tatanggapin kaya nila ako?
Alam ba to ni Roy kaya ganun nya na lang ako kung iwasan?
Napabuntong-hininga ako sa mga naiisip ko. Naisipan kong bumalik na lang sa dorm at isawalang-bahala na lang tong kakaibang pagkauhaw na nararamdaman ko ngayon. Pagtalikod ko hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Nakatayo sya mga ilang hakbang mula sa akin. Hindi ko man lang napansin ang presensya nya dahil na siguro marami akong iniisip.
"A-anong ginagawa mo rito, Z-Zen?" hindi nya ako sinagot. Humakbang sya papalapit sa akin na hindi man lang inalis ang tingin sa akin. Aatras na sana ako pero di ko magawang ikilos ang mga paa ko. Parang may kung anong pumipigil dito. Bahagya pa akong nagulat ng ilang saglit lang nasa harapan ko na sya. Nakipagtitigan sya sa akin. Hindi pa nga ako nakabawi sa gulat bigla nya na lang hinawakan ang batok ko at inilapit ang mukha ko sa may leeg nya.
Kinabahan ako bigla. "A-anong g-ginagawa mo, Z-Zen?" nagpapanic kong tanong sa kanya. Naguguluhan ako pero hindi naman ako tanga para di makuha ang gusto nyang gawin ko.
"Kung hindi ka makakainom ngayon sa tingin mo ba wala kang gagawin sa mga taong nakapalibot sayo?" hindi ako makakibo.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.