Chapter 22

4.5K 147 2
                                    

"Bakit?Ano bang nangyari Roy"nahihingal kong tanong sa kanya kasi tumatakbo pa rin kami patungo sa kagubatan kung nasaan sila ante.

"Hindi ko rin alam.Basta ang sabi lang ni papa......." tumingin sya sa akin.

"....kailangan nya tayong makausap" tumango lang ako.

Sobrang gulo ng paligid ng makarating kami sa lugar. May nagmamadali at may iba pa ngang ready to go ang ayos.

Aalis ba sila rito?

Bakit naman?

Hinanap ko si ante sa paligid pero di ko sya makita. Nakita kong papalapit rito sa amin si Rodolfo, papa ni Roy.

Nasan si ante?

At bakit parang di yata maipinta ang pagmumukha ni Rodolfo?

Ano kayang nangyari?

"Roy..." tawag nya sa anak

"Pa, bakit parang nagmamadali yung iba. Ano ba talagang problema't pinapunta nyo kami rito?"

Bumuntong hininga muna sya pero bago sya magsalita binalingan nya ako.

"Kasama nya ang iba at sa tingin ko sa mga oras na 'to nakarating na sila sa kanilang patutunguhan."

Nalilito ako. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sila aalis.

Pansin ko na nakatingin si Roy sa akin kaya binalingan ko sya.

Nginitian nya ako ng mapait bago humarap sa ama.

"Natunton ba tayo ng kalaban kaya nyo pinalikas ang iba?"

Anong ibig nyang sabihin?

Kalaban?Di kaya—imposible naman siguro tong naiisip ko.

Base sa nakikita ko sa itsura ng mag-ama ngayon na parang nag-uusap gamit ang kanilang mata nakakatiyak akong hindi basta-basta ang kalaban.

"The Council" biglang banggit ni Rodolfo.

Nanlilisik naman yung mga mata ni Roy sa narinig. Kita ko pa ang pagkuyom ng kamao nya.

Council?

Pero parang narinig ko na yun. Saan nga ba yun?

Familiar kami eh..

"Sino sila?" di ko napigilang itanong kaya tumingin silang dalawa sa akin.

"Roy, ikaw na ang magpaliwanag sa kanya tungkol sa kanila. Kailangan ko pang pagsabihan ang iba" tinapik nya sa balikat ang anak tapos humarap sa akin.

"Wag kang mag-aalala kay Marie.Bago pa malaman ng taga Council ang kinaroroonan namin kinakailangan na namin silang unahan.Kaya pinalikas na namin ang iba kasama na si Marie don"

Agad naman syang naglakad papunta sa kasamahan. Hinarap ko si Roy dahil gusto kong malaman ang tungkol sa mga Council.

"Sino sila?"nakakunot noo kong tanong

Tiningnan nya ako bago nagsalita.

"Sila ay mapanganib....."huminga muna sya bago nagpatuloy.

"...pinamumunuan ng limang mga pureblood vampires. They don't mind who are they going to kill whether it is a vampire, hunter or even a human. Malalakas rin sila"

"Kung ganun,mas malakas pa sila sa mga chosen?" kunot noo nya akong tiningnan

"Pano mo nalaman ang tungkol sa mga kanila?"

"Kay auntie" tumango sya bago nagpatuloy

"They are called the chosen because they are the chosen. So meaning they are the most powerful than the council pero..."

"Pero?"

"....mas may karanasan ang mga namumuno sa council at higit sa lahat there is also one of them who is capable of using the sealing technique para ikulong ang kapangyarihan ng chosen. And as far as I know isa rin sa kanila ay isang chosen".

Nagulat ako sa mga nalaman ko. Kung may isang chosen sa council....ibig sabihin mahirap silang talunin at kalabanin.

"Roy!"napahinto ako sa pag-iisip ng bigla na lang sumigaw si Rodolfo.Tumakbo na rin ako ng tumakbo si Roy papunta sa ama.

"P-papa...anong problema?"tumingin sya sa ama tapos sa taong nakahandusay sa damuhan.Nakita kung nakakuyum yung kamao ni Roy.Nakaramdam ako ng takot.Pinipigilan ko ang mga luha ko na namumuo sa mga mata ko.Hindi ko maiwasang maawa sa taong nasa harapan namin namay kagat sa leeg at may malalim na sugat sa gilid ng katawan.Sino ba ang walang awang pumatay sa kanya?

"Anong nangyari sa kanya?!"halata sa mga mata ni Roy ang galit dahil sa nasaksihan.

"Huminahon ka Roy"wika ni Rodolfo habang pinipigilan ang anak na nagwawala.

"Dapat nating tulungan sila Marie dahil--"

parang hindi ako makahinga ng banggitin nya ang pangalan ni ante.

"A-anong nangyari kay a-auntie?"nanginginig kong tanong.Tumingin sya sa bangkay bago nagsalita habang si Roy lumapit sa akin na para bang alam nya na ang maaari kong gawin kung may marinig man akong hindi maganda.

"Ang taong yan...isa sa kasama ni Marie. Pinilit nyang makarating hanggang rito para lang ipaalam na-- nakaharap nila ang mga miyembro ng council."

"Si auntie?Anong nangyari sa kanya?"

Tumingin sya sa akin saka nagsalita.

"Patuloy parin ang silang lumalaban. At sa narinig kong sinabi nya...walang maski isang pinuno ng council ang nandon kaya may pag-asa silang makatakas."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig na.

"Anong balak mo papa?"tanong ni Roy sa ama

"Kailangan mong pumunta don para tulungan sila.Kami naman ang bahala--"

"Sasama ako" singit ko sa usapan ng mag-ama.

"Hindi maaari" sabay sabi ng mag-ama.Kaso nga lang mas malakas ang pagkasabi ni Roy kaysa sa ama.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon