Yuri's Pov*
Di ko na pinansin kung ano ang nangyayari ngayon sa paligid ko. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay makaalis na rito. Gusto ko ng magpahinga. Kanina ko pa inintindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon at ubos na rin ang lakas ko.
"Mukha yatang nakalimutan nyo akong ipatawag"
Kilala ko ang boses na yon kaya di ko na kailangan pang lingunin ito. Pero bakit sya andito? Sa pagkakaalam ko ako lang ang pinatawag.
"Tss. Sino'ng may sabi sayong pumunta ka rito ng mag-isa?" Para akong nagising bigla ng magsalita sya malapit sa may taynga ko.
Ang lakas talaga ng epekto ng nilalang na to sa akin. Akmang magsasalita na sana ako ng mapa-gasp ako ng bigla nya na lang ipatong ang isa nyang braso sa balikat ko.
Gosh! Mas lalo lang nyang pinapalala ang kalagayan ko.
"A-ano ba a-ang g-ginagawa mo?" nauutal kong sabi. Kasi naman ang lapit nya sobra. Naramdaman ko pa nga ang lamig ng balat nya na tumama sa may leeg ko. Hindi sya sumagot bagkus nag-smirk lang sya.
Pano ko nalaman?
Syempre kita ko sa gilid ng mata ko.
"L-laspastangan ka!" sigaw ni Edward sa kanya na halatang pinapalakas ang kanyang loob na sabihin yon sa lalaking to.
"Sinong may sabing maaari kang pumunta rito ng walang pahintulot?!" dagdag nya pa pero tinignan lang sya ng masama ni Zen. Napatingin kasi ako sa kanya at kita ko ang pagdilim ng itsura nya.
"Ahh...yon ba?" tapos inalis nya ang tingin kay Edward tsaka tinignan ang lalaking uutusan sana ni Edward na sunduin at parusahan sana ang mga kaibigan ko. Kunot-noo nya itong pinagmasdan pagkatapos bigla na lang nag-smirk?
Hala! Nababaliw na ba sya?
"Tsk. Stupid" bulong nya pero hindi naman ako tanga para di ko yon ma gets. Sinamaan ko sya ng tingin pero hindi man lang sya natinag at mataman paring nakatingin sa lalaki. Tinaas nya ang isang kamay at itinapat ito sa lalaki. Mabilis ang naging pangyayari.
Bogssh!
Napansin ko na lang ang sariling napangangang napatingin sa lalaki na tumilapon na lang bigla sa kanyang kinaroroonan. Nakarinig na lang ako ng pagkawasak at yon ang pader na nasa likuran ng lalaki kung saan sya tumilapon. Nanlaking matang tinititigan ko ang lalaki kung buhay pa ba to.
"Wag na wag mong susubukan ang pasensya ko" banta ni Zen kay Edward?
Sobrang nakakatakot ngayon si Zen. May lumalabas na itim na usok sa kanyang katawan. Nagulat rin ang lahat ng nandito. Nanlaking matang nakatingin si Edward kay Zen pero agad naman itong napalitan ng galit at inis.
Sobrang sama ng atmosphere sa loob ng silid.
Diego's Pov*
Nawala bigla yong seal sa likuran ng babae ng bigla na lang syang akbayan ni Zen. Hindi ko alam kung bakit yon biglang nawala pero ang hindi ko maintindihan ay ang paghinga ni Shew ng malalim ng makitang nawala ang seal.
Halatang may tinatago sya kaya hindi ko sya titigilan hanggang hindi sya umaamin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pagkunot-noo ni Luke ng makita ang ginawa ni Zen sa babae. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras pero hindi ko pinapahalata.
Kabataan nga naman...
Inaamin kong medyo nabigla ako at nakaramdam ng takot ng sa isang iglap lang biglang tumilapon ang isa sa tauhan ni Edward. Sobrang lakas ng impact kaya nagkaroon ng butas ang pader na tinapunan ng lalaki.
What a jerk..
Anong laban ng isang ordinaryong bampira sa isang chosen?
Tsk tsk tsk...nakakatakot talaga sila.
Yuri's Pov*
"Wala akong pakialam kung kayo ang council. Touch her one more time and I will surely send you to your own grave" hindi ko alam kung ako lang ba to pero bakit kay Edward nya lang pinapatama ang mga sinasabi nya. Nagngingitngit naman sa galit si Edward sa narinig. Pero imbis na matakot ako sa sobrang dilim ng itsura ni Zen ngayon ay hindi ko magawa bagkus oparang uminit ang pisngi ko.
"Lets go" sabi ni Zen na tinapunan pa one last time ng masamang tingin si Edward at tiniganan lang ng walang kaemo-emosyon ang iba bago tumalikod. At dahil nakaakbay sya sa balikat ko kaya nasama ako sa pagtalikod pero bago kami tuluyang makatalikod sa lahat nakita ko si Shew na nakangiti sa akin?
Himanihasyon ko lang ata yon. Bakit naman nya yon gagawin? Isa lang akong ordinaryong estudyante.
Shew's Pov*
Nakahinga ako ng maluwag ng ligtas syang nakalabas rito. Pero bakit ganun na lang umakto ang lalaking yon sa anak ko?
Di kaya...may relasyon ang dalawang yon?!
Napangiti ako ng magtama ang mga mata namin bago sila tuluyang umalis. Nagpapasalamat na rin ako lalaking yon pero kung may relasyon man sila....
Anong gagawin mo Shew?
Ay syempre bilang ama nya kikilatisin ko muna ang lalaking yon. Napangiti ako ng malapad sa isiping....ama nya.
Hindi ko rin inaasahan ang paglabas ng seal sa kanya at yon ang ipinagtataka ko. Wala pa syang sapat na kakayahan sa ngayon para alisin ang seal sa kanya. Hindi pa naman tuluyang nawala ang seal sa kanya pero unti-unti na tong nawawala. At nakakapagtataka rin ang biglaang pagkawala nito ng akbayan sya ni Zen.
Malakas ang mga chosen at ang pagsanib ng lakas ng dalawa o higit pa sa kanilang kapangyarihan ay kayang matanggal ang seal na tulad ng seal na nilagay ko kay Yurika.
Malakas ang seal na yon...
"Arggh!" nagwawala si Edward sa galit.
Sino ba naman ang hindi magagalit kung ikaw na nasa mataas na posisiyon ay pagbabataan lang ng isang estudyante.
Ay mali...isang chosen pala.
"Hindi ko kakalimutan ang araw na to. Pagsisihan nyang kinalaban nya ako" galit na sabi ni Edward bago nagwalk-out.
"Mag-usap tayo, Shew" napatingin ako kay Diego.
Alam ko ang sasabihin nya kaya tinanguhan ko sya. Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya sasabihin ko sa kanya ang lahat bilang isang tapat na kaibigan. Sinundan ko sya palabas.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
A/N:
Salamat sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.