"Mark,iwanan mo muna kami" wika ni Miss principal na nakaupo sa principal's seat nya. Tumango lang si Mark bago umalis.
"Miss Akane,maupo ka"anyaya nya
"Salamat" tanging sagot ko na umupo na rin sa may couch.
Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Uhmp.....bakit nyo po ako pinapatawag miss principal?"basag ko sa katahimikan
Tumingin sya sa akin saka ngumiti. "Miss Lea nalang"
"H-huh?"maang kong tanong. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Walan naman akong ginawang masama kaya relaks lang mga nerves ko.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo at may kinuha sa mesa nya.Inabot nya sa akin ang isang hugis cross na bracelet?
"A-ano 'to?"
"Miss Akane,alam ko na alam mo ang tungkol sa mga Dark Class"
Tumingin ako sa kanya.Bakit naman nasali ang mga 'yon sa usapan?
"Alam kong may tanong ka pero makinig ka muna sa sasabihin ko.Mapanganib ang school na napasukan mo Miss Akane"
Tumingin sya saglit sa akin saka pinagpatuloy ang pagsasalita. "Ang Mendiola ay isa sa mga teritoryo nila"
Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng pagkakairita.
"Ano ba talaga ang gusto nyong iparating?"
"Isa kang hunter diba?"tanong nya
"P-pano nyo nalaman?"
"Sabihin na nating....matagal ko nang alam.Isa pa,ang kasama mo na nagngangalang Roy.....diba isa rin sya?"
Magsasalita na sana ako pero ni isang salita walang lumabas kaya naiwang nakabukas ang bibig ko. Sino ka ba talaga miss prinsipal? Isa ka ba sa kanila?
"Alam mo bang nakapasok ako rito at naging isang principal dahil sa isang kaibigan?Iniwan nya sa akin ang Mendiola para patakbuhin ng maayos." wika nya
"Alam nyang darating ang araw na pasukin nila ang Mendiola at nangyari nga"dagdag pa nya
Alam ko kung sino ang tinutukoy nya, ang mga vampire. Pero bakit? Bakit......
"Bakit nyo sinasabi sa akin ang mga yan?"wika ko
Tumingin sya sa akin saka sa bracelet na inabot nya sa akin.
"Matutulungan ka nang bagay na 'yan"
"Pa'no naman ako matutulungan nito?" nakakunot noo kong tanong. Ano ba 'to? Magical bracelet? Wala naman kami sa magical word kaya-
"Isa kang hunter pero di mo alam ang tungkol dyan?" takang tanong nya. Base sa nakikita ko sa itsura nya parang hindi sya makapaniwala.
Maya-maya lang bigla na lang syang napangiti. Anyare?
"Kung ganun,hindi ka nya tinuruang lumaban?"
Ano bang pinagsasabi nya?At sino naman ang tinutukoy nya?
"Ano ba ang ibig nyong sabihin?"
"Mukha yatang nalilito ka sa pinagsasabi ko.(huminga sya saka nagpatuloy) Isa yan sa mga sandatang ginagamit ng mga hunter"wika nya at binuksan ang pinto ng opisina.
Talaga? Napatitig ako sa bracelet na bigay nya. Hindi kaya!
"Yan muna sa ngayon Miss Akane.Maaari ka nang umalis"
Tss,papaalisin nya ako ng hindi man lang pinaintindi ang mga binibitawan nyang mga salita?
Paalis na sana ako ng bigla nya na lang akong binulungan.
"Mag-iingat ka parati" saka ako sinarhan ng pinto.
Ganon?
"Tss,ang lalim naman non" wika ko habang tinitingnan ang bracelet.
'Pano mo ako matutulungan,ha bracelet?'tanong ko sa sarili ko. Baliw na ata ako. Pero pa'no nagkaroon ng ganito si Miss Lea? Sa napapansin ko hindi naman sya isang vampire at lalong imposebleng isa syang hunter.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.