Chapter 38

4.2K 177 27
                                    

Shew's Pov*

Simula ng gabing yon di na maalis sa labi ko ang ngiti. Masaya ako dahil buhay sila. Buhay ang mag-ina ko at sisiguraduhin kong pagbabayaran ng sinuman ang nagtangka sa buhay nila noon.

Yong batang yon..

Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kanya nong unang tagpo namin. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kanya dahil nakita ko sa kanya ang babaeng mahal ko. Napangiti ako dahil mas magkahawig kami kaysa sa ina nya.

"Anyari dyan? Kagabi ko pa yan nakikitang ganyan ah. May nainom ba yang lason kaya nagkakaganyan yan?" rinig kong sabi ni Diego pero para lang akong walang narinig dahil masaya ako.

Napapikit ako na nakangiti habang inalala ang pag-uusap namin ng babaeng mahal ko nong isang gabi. Hindi ko aakalaing nandyan lang pala sya sa malapit. Hindi ko hahayaang muli kayong mawalay sa akin mag-ina ko.

"Hoy, Shew. Ang sakit sa mata yang ngiti mo ah! Kaya tigilan mo yan" napantig ang taynga ko sa narinig. Sinamaan ko ng tingin si Rico dahil sinira nya ang masayang moment ko.

"Hindi mo ako matatakot sa tingin mong yan, Shew. Alam ko kasing may kakaibang nangyari sayo kaya bakit hindi mo ishare ng malaman namin" nakangising sabi nya na syang nakaagaw ng pansin sa dalawa.

Magsasalita na sana ako ng marahas na bumukas ang pinto saka iniluwa ang nakakunot noong si Edward.

Sa totoo lang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Sya lang ang ayokong makasama ng matagal maliban sa tatlo.

Hindi ko sya mapagkakatiwalaan.

"Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa anak ko" nanggigigil nyang sabi na nakangitngit ang mga ngipin sa galit.

Palagi syang wala at yon ang nakapagtataka. At ano naman ang sinasabi nyang tungkol sa ginawa nila sa anak nyang si Elizabeth na patay na patay kay Luke?

Napatingin ako kay Luke sa isiping yon. Hindi na ako nagulat ng makitang nakatingin rin pala to sa akin.

*smirk* Mga chosen talaga.

Naalala ko na naman sya. Kamusta na kaya ang batang yon?

At ang seal...

"Ano bang nangyari, Edward?" walang emosyong tanong ni Rico.

Hindi lang pala ako ang may ayaw sa kanya.

"Gusto kong ipakita sa kanila kung sino ang kinakalaban nila. Kamatayan ang parusa sa mga hangal na yon!" galit na galit nyang sabi na sinuntok pa ang mahabang mesa sa harap namin.

"Bago yon ah" pabulong na sabi ni Diego sa hangin pero hindi yon nakaligtas sa pandinig ni Edward.

"Anong gusto mong palabasin ha, Diego?" masama nyang tinignan si Diego.

"Baligtad ata. Bakit ganun? Nakahanap na ba ng katapat ang anak mong nagmamagaling" seryosong tugon naman nya kay Edward na parang wala lang sa kanya ang sinabi. Mabilis naman syang kwenilyuhan ni Edward at marahas na sinandal sa pader.

"Watch your mouth, Diego. Wag na wag mo akong susubukan dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!" singhal nya.

Mas lalong umitim ang mata ni Diego at mabilis na tinabig ang kamay na nakakwelyo sa kanya.

"Tingin mo matatakot mo ako sa banta mong walang kwenta? Hindi ako naging isa sa pinuno ng ganun-ganon lang. Isaksak mo yan sa kokote mong nabubulok." nanlilisik nyang tinignan si Edward na ngayo'y galit na galit sa kanya.

Ayaw kong masira ang mood ko ngayon dahil sa away nila. Kaya naman agad na akong nagsalita. Alam ko namang walang balak mangialam ni Rico at Luke sa away ng dalawa.

"Pwede ba magsitigil kayo!" maawtoridad kong sigaw sa kanila. Binangga pa ni Diego si Edward bago umupong muli sa kanyang upuan. Bumalik na rin si Edward pero hindi pa rin nawawala ang tension sa dalawa.

"Gusto kong ipatawag ang mga estudyanteng sangkot sa gulo noong isang araw. Hindi ko sila mapapatawad sa kanilang kahangalan para labanan at saktan ang aking anak." ani Edward na panay ang bigay ng masamang tingin kay Diego.

"Onem.." tawag nya sa isang tauhan. Agad namang lumabas ang nagngangalang Onem na may dala-dalang white folder. Nilagay nya ito sa harapan ni Edward bago naglaho sa aming harapan. Kinuha naman ni Rico ang folder para malaman kung anong laman.

"Gusto kong ipatawag ang mga yan para harapin ang kanilang kaparusahan" ani Edward.

"Oh? Isang chosen ang gusto mong parusahan? Nagpapatawa ka ba, Edward?" nakakalokong ngiti ang binigay nya kay Edward.

"Mukha ba akong nagpapatawa ha, Rico?" umiling naman si Rico pero nakangiti pa rin ng nakakaloko.

"Ang sabi mo sila. Sino naman ang kasama nya?" napatingin ako kay Luke ng magsalita sya. Mukhang interesado sya sa kanyang narinig. Pano ba naman isang chosen ang narinig. Ibig sabihin si Zenan Fernal ang tinutukoy nya.

Pero bakit bigla na lang akong kinabahan at hindi mapakali ng sabihin nyang sila?

Nasagot ang tanong ko ng muling magsalita si Rico na syang nakapagtigil sa aking paghinga.

"Yuri.....Yuri Akane?" napatingin sila sa akin pati na rin si Diego na walang pakialam kanina.

"Akane?" ulit nya at nagtatakang nakatingin sa akin.

Masaya ako dahil dala nya ang apilyedo ko pero bakit parang gusto ko atang pumatay sa mga oras na ito.

Lea. Ano bang ginagawa mo? Mas lalo lang mapapahamak ang anak natin.

Until a sudden realization hits me. Posibleng wala syang alam pati na rin ang batang yon. Ngayon nakuha ko na. Nong gabing yon narinig ko syang tinawag nya si Lea ng Ms. Lea ibig sabihin wala syang kaalam-alam sa totoo nyang pagkatao.

Sh*t! Naloko na. Hindi ko to hahayaang mangyari.

"Shew" kinalma ko muna ang sarili bago harapin ang tumawag sa akin. Nakita ko ang samot saring emosyon kay Diego. Nagtataka na nag-alala.

kaibigan ko talaga sya. Nginitian ko sya ng pait pero napansin ko ang pagkagulat sa itsura nya.

"Hindi ko to inaasahan. May kaapilyedo ka pala Shew at isa pang tao. Sa pagkakaalam ko wala namang kayong kamag-anak na tao hindi ba? Kaya imposibleng kamag-anak mo sya" walang kaemo-emosyon kong tinignan ang direksyon ni Edward.

Tama ka. Hindi ko sya kamag-anak dahil ANAK ko sya!

Pinipigilan ko ang sariling isigaw yan sa pagmumukha nya. Pakiramdam ko may tinatago si Edward sa akin pero kahit ano pa man yon hindi ko sya hahayaang maski daliri ng anak ko ang galawin nya. Wala akong pakialam kung malaman man ng lahat ang tungkol sa kanya. Hindi ko hahayaang may mangyari na naman tulad nangyari noon na wala man lang akong nagawa para sa kanila.

"Ehem...ano naman ang binabalak mo sa kanila, Edward?"  tanong ni Rico na syang nagpanumbalik sa akin sa katinuan.

"Wag kang mag-alala. Naasikaso ko na yan. May tao akong pinasundo sa kanya"

Pinipigilan ko ang sariling sugurin si Edward ngayon lalo na't parang nasisiyahan sya sa isang bagay.

"Shew" hindi ko man lang napansin ang paglapit ni Diego sa akin. Nakahawak sya sa balikat ko na para bang pinapakalma ako.

"Kanya? Sino naman ang tinutukoy mo Edward?" diing tanong ni Luke na nakakunot noo.

"Alam kong itatanong nyo yan. Mahirap kalabanin ang isang chosen kaya naman uunahin ko muna ang tao"

Nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko sa narinig. Nag-iba na rin ng kulay ang mata ko at nagngingitngit na sa galit ang buo kong katawan. Wala na akong pakialam. Kinuyom ko na rin ang kamao ko at handa na sanang sugurin sya ng biglang bumukas ang pinto.

Y-Yurika...

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>







Mendiola High: School of MonstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon