Isang araw ko lang nakasama si auntie kasi bumalik agad kami ni Roy sa Mendiola. Pagkatapos kong magpaalam kay Roy agad kong tinahak ang daan patungo sa dorm namin ni Aika. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka dahan-dahan ko ring sinirado baka kasi magising sya. Pero laking gulat ko nang may bumato sa akin ng unan. Di ko man lang yun napaghandaan. Tumingin ako sa bumato at....
"A-Aika" mahina kong sambit. Kasi bigla-bigla na lang nangyayakap.
"Bakit ngayon ka lang?Alam mo ba na napakadaya mo ,ha Yuri?"
"Sorry" bulong ko sa kanya
"Sorry,yun lang? Dapat ilibre mo ako"pagdradrama nya. Napatawa na lang ako.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Pumila kami para makakain na.Umupo kami sa bakanteng mesa at nilapag ang dalawang burger,dalawang soft drinks at ang pizza na pinalilibre sa akin ni Aika .Mamaya pa dumating ang grupo ni Reka at ang inasahan ko namang mangyari ay nangyari nga.
"Ay,sorry" wika nya ng matapunan ng tubig ang skirt ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita kasi naramdaman kong kumukulo ang dugo ko sa ginagawa nya.
"Talaga bang sinusubukan mo ako Reka?"galit ko syang hinarap
She's just grinning. At ang nakakagalit pa pinagchichismisan pa kami sa loob ng cafeteria.
"Sinabi ko na diba,it was just an accident" wika nya na may patingin-tingin pang nalalaman sa mga kasama.
I clenced my fist. Handa ko na sana syang suntukin ng bigla na lang dumating si Mark. Naalala nyo pa yong lalaking naghatid sa akin sa dorm?at nagpapakilala sa akin kay Aika?Yong lalaking kasama ni miss principal?Sya po si Mark.
"Miss Yuri Akane,pinapatawag ka sa principal's office"anunsyo nya
Ano na naman ba?
Ano na namang nagawa ko para ipatawag sa principal's office? Nang tingnan ko naman si Reka nakangiti lang ang bruha.
"tss,bakit naman?"mahinahon kong tanong
"Hindi ko masasagot ang tanong mong yan,Miss Akane"wika ni Mark
"Maaari ko bang samahan sya?"lumingon ako sa nagsalita.
"Pasensya na Miss Mown, pero hindi pwede" sagot naman ni Mark
"Okey lang Aika,wag kang mag-alala"
"Yuri"
Nginitian ko muna si Aika bago naglakad palayo sa kanya.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.