"Auntie" wika ko habang nakayakap sa kanya.
"Yuri...salamat at narito ka na ngayon"
"Ahemm" sabay kaming napatingin kay Roy. Nandito pa pala 'to?.
"Maiwan ko muna kayo" paalam nya. Tinaguhan ko lang sya ng mapatingin sya sa akin.
"Ah, auntie....."wika ko ng makaupo na kami sa may damuhan ng kagubatan. Nakaalis na rin si Roy kaya maaari na kaming mag-usap ni auntie tungkol sa mga bagay-bagay.
"Hmmmm?" hindi sya nakatingin sa akin dahil nasa harapan sya nakafocus.
"Bakit mo pala nagawa 'yun?" alam kong alam nya ang sinasabi ko.
"Kailangan ko 'yong gawin Yuri"
"Ang alin?" takang tanong ko.
Hindi ko alam pero parang nararamdaman ko ang pag-init ng dugo ko bigla. Tulad ng isang bulkan na dahil sa sobrang umaapaw na 'yong kainitan eh parang sasabog ito ano mang oras.
Nakatingin na sya sa akin ngayon. Sumeryoso yung itsura nya bigla.
"Yuri.........alam mong isang hunter si Roy, diba?"
Tumango lang ako. So, anong kinalaman ni Roy sa usapan namin?...Hindi ko na talaga naiintindihan ang mga nararamdaman ko ngayon. Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng paghablot ng isang damo sa gilid ko. Pampakalma ba 'tong ginagawa ko o mas lalo ko lang dinagdagan ang pag-init ng dugo ko?
Kanina ko pa nararamdaman ang pagtitig ni ante sa akin. Ganun na ba talaga ako ka obvious?
"Yuri.....I'm one of them"
Marahas akong napatingin sa kanya. 'Ano ulit 'yung sabi nya?'
"What?" diin kong sabi na halos di na marinig dahil sa sobrang lalim ng pagkasabi.
Bigla namang bumalik 'yung mga sandaling nakikinig ako kila Zen at Jhon sa usapan nila..
"Zen nakita namin ang isa pang hunter pero nakatakas parin sya kaya patuloy pa rin namin syang pinaghahanap"
"Anong gusto nyong gawin ko?" tanong ni Zen sa kaharap
Napapikit ako dahil sa mga posibleng mangyari. Una, umalis si auntie ng wala man lang paalam. Pagkatapos....pagkatapos sila Zen may hinahanap na-
"Bakit?"
Gusto kong malaman kung bakit naging isa sya sa kanila. Araw-araw ko syang nakakasama noon at wala naman akong napansin na kakaiba exept sa palipat-lipat lang ako ng pinapasukan.
"Yuri, okey ka lang? Bakit anong-"
Napatayo ako dahil parang may gustong kumawala sa akin.
"Answer me!!!!!!!!" kasabay ng pagsigaw ko ang biglaang pagkahawi ng damuhan dahil sa isang hindi maipaliwanag na pwersa. Napatayo rin bigla si auntie sa nasaksihan.
"Huminahon ka Yuri"
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko para pakalmahin. Naramdaman ko naman ang pagtaas-bababa ng dibdib ko.
"Ano 'yun?" tukoy ko do'n sa biglaang pagkahawi ng damo.
Umiling-iling si ante saka ako tiningnan ng matalim.
"Don't mind it, ok" para naman akong sira na tango ng tango sa kanya. Nginitian nya ako saka hinagkan ang noo ko.
"Tulad ng sabi ko kanina...isa rin ako sa kanila dahil nasa dugo na natin ang pagiging isang hunter"
"N-natin?..i-ibig sabihin ba no'n.....isa rin ako sa inyo?"
Imposible. I don't have the courage to fight those monsters.
"Alam ko kung ano ang nasa isip mo ngayon Yuri"
"Never underestimate your capability.....dapat mo 'yung pakatandaan dahil you are one of them" makahulugang sabi ni auntie.
Napansin nya siguro na hindi ko sya naiintindihan dahil nagsalita sya ulit.
"Manang-mana ka talaga sa kanya"
Hay...sobrang sakit na ng ulo ko sa kakaisip sa mga pinagsasabi nya. Kaya naisipan kong ibahin ang usapan.
"May mga humahabol ba sa 'yo kaya ka umalis ng walang paalam?"
"Yuri...hindi natin maiiwasan kung may mangyari man. Tulad ng nangyari sa mga magulang mo"
Tama ba dinig ko o talagang sinabi nya talaga na...
"M-Magulang ko?"
"Dapat mo nang malaman ang tungkol sa kanila, Yuri"
"Anong tungkol sa kanila, ha auntie? Nasa'n sila?" walang tigil kong tanong.
Kailan man hindi ko tinanong si auntie tungkol sa kanila. Ayokong isipin na hindi sya mahalaga sa akin o di kaya'y hindi sya sapat sa akin pero iba pa din 'yung pakiramdam na andyan sila sa tabi mo.
Napansin ko ang pagkalungkot ng mukha nya.
"Hindi ko alam....ang ibig kong sabihin...wala na sila." she shook her head
"Anong hindi mo alam?..at anong wala na sila?"
Aware na ako na posibleng wala na nga sila pero bakit parang sinasabi ng utak ko na buhay pa sila. Buhay na buhay pa sila sa puso ko kahit kailan man hindi ko sila nakapiling.
"Yuri,hindi ko alam. Binilin ka nila sa akin. Nangako ako na proprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Kapatid ko ang ina mo kaya...kaya mula ng iwan ka nila sa akin....wala na akong balita pa sa kanila. At kinabukasan nalaman ko na lang na wala na sila" basag na basag 'yung boses ni auntie habang nagsasalita.
Lungkot...ramdam na ramdam ko 'yun ngayon. Sumisikip 'yung dibdib ko sa sinabi nya at mas sumikip pa 'yun ng makita ko kung paano lumuluha ngayon si ante.
"Sorry" ayoko syang makitang ganito. Hindi ako sanay.
Niyakap ko sya and she hug me back.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Mendiola High: School of Monsters
VampireMendiola High: School of Monster >>>>>>>>>> Note: This is a fictional work. The contents are entirely fictitious. Ps: I only edited the pictures to use as the cover photo for my story, so all credit goes to the owners.